Chapter 43

94 2 0
                                    

Chapter 43

Stay Happy

 

My smile can't take away when I see the heart in vase gave by Cent to me a month ago. Pagkagising na pagkagising ko kasi 'yun agad ang hinanap ko, just to happen na lagi na lang bumabalik sa isipan ko 'yung mga nangyari sa amin. Ang saya lang sa pakiramdam na may lalaking todo na nageeffort sayo. Dati na puro asaran kami in the end, kami rin pala 'yung magiging close that much. Cliché kasi kahit nababasa ko na 'ying ganito sa fairytales o kahit romance books. Masarap din pala sa feels na ikaw mismo ang makakaramdam nang ganito, hindi mo masasabi na cliché talaga siya kasi kahit ikaw kikiligin sa sarili mong lovestory.

            Nakadisplay ang heart vase sa may bintana, maganda ang spot niya doon kasi sa tuwing sisikat at lulubog ang araw. Ang una ko agad maiisip ay ang taong nagbigay sa akin nung bagay na 'yun.

            I closed my eyes and took a deep breath, "Thank you God for bringing such happiness in my life. I know some of its just part that can challenge who am I, what can I do. But thank you again, your life means to me and for bringing the boy will enter my life."

            I sighed. After masaya pa rin ako. Sana sa magiging future ko rin.

            Natapos na rin naman ako mag-ayos nang sarili ko at lumabas na nang kwarto ko. Nagkabiglaan pa kaming dalawa ni Skye nang dalawa kaming sabay na lumabas nang kwarto. Ang bago ko lamang napansin sa kanya ay ang pagiging mas effort. Look, may rose siyang dala tapos may ferrero pang dala. Nagtaka naman ako bigla kung para saan ang lahat nang 'yun.

            "Skye, para saan ang mga 'yan?" pagtutukoy ko sa mga bitbit niya.

            Tinaasan niya lang ako nang kaliwa niyang kilay at mukhang may iba siyang iniisip. Kung ano man 'yun, hindi ko maisip at wala akong balak na abalahin pa dahil siguro for Casey na naman ang gagawin niya like dati. Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat ko at tinitigan. Nairita namna ako bigla.

            "Kaye! Its February 14! Valentine day ngayon!" sa pagkasabi niyang 'yun ay natulala na lang ako. Napanganga ako literal sa sinabi niya. Oo mabilis nga lumipas ang araw at hindi ko man lang naisip na February na nga pala ngayon and the worst nakalimutan ko pa 'yun. Nadala lang siguro ako sa kakaisip kay Vincent sa attendance sheet niya.

            "Bakit hindi mo man lang pinaalala sa akin, kagabi?" kunot noo ko sa kanyang tanong. Why would I forget this day? Mag-eeffort pa din naman ako na bigyan nang kung ano si Cent tapos ngayon nakalimutan ko pa. Kailangan ko na ata mag memory plus, masyado na ba akong matanda para maging makakalimutin.

            Skye shrugged, "Malay ko ba! Akala ko kasi alam mo kaya hindi na kita inabala. Alam mo naman, ako rin." Saka niya kindat sa akin.

            Napabuntong hininga na lamang ako at bumaba na nang hagdan. Ano nang gagawin ko ngayon wala akong surprise kay Cent. Hayaan mo na nga! Bahala na kung anong mangyari mamaya. Bago kami umalis ay binigyan ako ni Ate Roma nang candies, specific chocolates candies na ibenta ko raw. Agad ko namang binigay kay Skye at kumuha nang dalawang piraso sa bag ko.

            Mabilis naman kaming nakarating sa school. As if what! Naloka ako sa harap pa lang nang gate namin ay puno na nang nagtitinda ng mga flowers na plastic at chocolate na tagli-limang piso. Hindi ko naman pinansin ang mga nag-aalok kundi patuloy lang ako sa gate. Bumungad sa paningin ko ang valentine's theme nang school. Kapag pumapatak kasi ang February 14 o ang valentines ay nagkakaroon nang mga pakulo ang schools. Booths and such kaya walang klase kapag ganito.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon