Timothy's POV
Ansakit nung fist ko, bakit kasi ang g*g* ko?! Suntukin ko ba naman yung pader? Sh*t talaga.
Kapag naaalala ko yung video, kitang-kita ko kung anong ginawa nila. GRABE? DITO PA TALAGA SA BAHAY KO HA?! ANLAKAS NG LOOB NILA.
Hindi ko na alam kung ano pa bang kailangan kong gawin? Mahal na mahal ko siya, siya lang. She is my life! For my sake, siya lang talaga. Wala ng iba.
Ano bang meron yung lalakeng yun na wala ako?! Sino ba siya?! T*ng *na. Ansakit-sakit na, sobra na eh. Sobrang-sobra na.
Warm liquid flows on my face, I think that's tears. Nakakabakla na, lagi na lang akong umiiyak ng dahil sa kanya.
I love her, iyun ang pinanghahawakan ko ngayon. Mahal na mahal ko siya.
Maya-maya may nadinig akong yabag papunta sa akin, I guess she's here. Hindi ko siya kayang makita, baka kung anong magawa ko sa kanya.
Nakatalikod ako sa kanya.
"We are going in Bacolod tomorrow. Its your mother's birthday on the next day, kaya dapat pumunta na tayo bukas."
Sobrang plain lang nung pagkakasabi ko, no sweetness.
"Ahm. Osige Tim, pero dadaan muna ako sa Agency. Magpapaalam ako sa manager ko."
Really? Sasama ako sa kanya.
"I'll go with you. That's final."
"Tim naman, bakit mo pa ko sasamahan?! Kaya ko ng mag-isa."
Wala akong pakialam sasama ako, bahala siya. Ang akin, akin lang.
Natulog na ako at di siya pinakinggan.
Vanessa's POV
Sh*t ka talaga Timothy, bakit ka ba pumunta pa dito?!
Nakaupo siya sa couch sa lobby, he's wearing his famous smile na lahat ng babae nakukuha niya sa ngiti niyang yan. He's wearing shorts and simplemg shirt na plain white tapos nakashades siya, grabe antaas ng araw -_____-
"Hoy bruha, si Timothy yan diba? Yung asawa mo?! OH MY GOODNESS NAKAKAMATAY YUNG KAGWAPUHAN NIYA!"
Ang OA naman nitong si Janine. Grabe talaga.
"Heppppp! Tumahimik ka ngaaaaaa! Wag kang maingay."
Napatakip siya sa bibig niya, ay naku. Dumadating pa yung isa kong kaibigang may sa baliw.
"VANESSA KATE! SI TIMOTHY YUN DIBA?! ASAWA MO!"
Sinamaan ko siya ng tingin at parehas na silang nakatakip sa bibig nila.
"Kung ayaw mo na, akin na lang beshy."-Hency.
"Kainin mo ng buo ha?! Wag kang magtitira."
Sabiko sa kanya, pano nakakainis. Hays.
"Eh hindi, akin na lang wag na kay Hency. Meron na yang Jerome!"-Janine.
"Eh, magtigil ka diyan. WAG NA RIN SAYO, MAY JONATHAN KA NA!"-Hency.
Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa, lagi kaming ganyan naku. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
"3...2...1...Up." Bulong ko.
Bigla namang tumayo si Tim, I know Tim, di niya kayang umupo diyan without doing anything within 10 minutes. Mabilis siyang mabore.
Lumapit siya samin, nakatingin lang sa kanya sila Hency.
"Baby, matagal pa ba? I'm already bored."
Sabi niya.
Ngayon ko lang napansin yung bandage sa kamay niya saka yung bandaid sa kilay niya. What happened?
BINABASA MO ANG
His Desired Woman (Completed)
General FictionMinsan sa buhay ng tao, magiging masaya ka, without knowing na nakakasakit ka na ng iba. If you're in her place, gagawin mo ba ang ginagawa niya sa asawa niya para lang sumaya. This story is not appropriate to all, especially for the young readers...