Chapter 22

10.5K 104 3
                                    

Hi Johanna Perez! Ahahaha! Bessy nabati na kitaaaaa

-kathycarrot26

Timothy's POV

Your Honor, ladies and gentleman of the jury, let me first thank you for your time and attention this evening. Before you leave to begin your deliberations, please remember the testimony of Aldrich Timothy Sta. Ana that proves to you beyond a reasonable doubt that the defendant is in fact guilty of Murder. Thank you.

5-10 years in prison.

Nasa loob na ako ng kulungan ngayon, di ko na pinatagal ang paglilitis sa kaso. Ayoko nang madamay pa si Vanessa.

Dinalaw ako ni Dad dito.

"Anak, alam kong di mo yun ginawa."

Ngumiti lang ako kay dad at bumuntong hininga, kita sa mukha ni dad na nag-aalala siya sa akin at nalulungkot at the same time.

"Anak, di bagay sayo ang orange na damit."

"Dad naman. OKAY LANG AKO PROMISE! Wag kayong mag-alala sa akin. Alagaan mo sarili mo."

"Timothy, because of your wife?"

"Dad... You know me."

"Yes, anak kita eh. By the way, yung kasal ni raz, bukas na. Pano yan di ka makakapunta."

"Dad, after na nung kasal niya saka mo sabihing I am in jail baka bumalik pa yun dito sa Pilipinas ng wala sa oras."

"Yeah, sige. Una na ako Timothy, mag-ingat ka dito."

"Bye dad."

Pumasok na ako sa kulungan, ansama ng tingin nila sa akin. Ano bang ginawa ko sa kanila?

"MAMAMATAY TAO."

"MURDERER."

"Pare, ang tindi mo pala!"

Sabi sa akin nung mga kaselda ko, mukha silang natatakot sa akin. Ahahaha! Mukha ba talaga akong mamamatay tao.

"Kayo? Anong kaso niyo?"

Tanong ko sa kanila.

"Ako? Pagnanakaw. Ahaha! Wala na kaming makain eh."-Gab.

"Ako, marijuana lang pare. Saka nung una akong gumamit nun, nahuli agad kaya ayun. Nahuli, ahahaha!"-Justine.

"Rape, pero hindi totoong nangrape ako. Inosente ako!"-Joseph.

Ambababaw pala nung mga kasalanan nila, except Joseph. Rape? Grabe naman, may itsura naman siya eh.

Lahat naman ng preso sinasabi inosente sila, baka 10% lang out of 100% ang nagsasabi ng totoo.

*Ting! Ting!"

Tunog nung bell, ibig sabihin nun magtra-trabaho na kami. We are doing such things like mining, pagbubuhat at crafting. Madaming activity sa loob ng kulungan para mapaglibangan ng mga preso.

Halos araw-araw buhat dito, buhat doon.

Sabi nga nila, ang buhay raw sa loob ng kulungan, ang isang araw parang isang buwan. Totoo yun, I am so bored at miss na miss ko na si Vanessa, kelan niya kaya ako dadalawin?

"STA. ANA! May dalaw ka!"

Sana si Vanessa na! Sana talaga :D

"Tim."

Madinig ko pa lng yung boses niya, naiiyak na ako. Babalik na sana ako sa loob ng tawagin niya ako.

"ANAK. Let's talk."

Lumingon ako sa kanya nakita kong umiiyak siya. Don't cry mom, I am begging you.

"You have killed your brother."

"B-brother?!"

She means anak niya si Aldrin?!

"Anak ko siya kay  Steve, alam ko Tim. Di ikaw ang may kasalanan, I know that!"

"Ako ang pumatay sa kanya."

"Tim, ano ba?"

"HAHAHAHA! Umalis ka na. Nakalimutan ko ng may nanay ako simula nung iwan mo kami."

Pumasok na agad ako sa kulungan, ayokong madinig ang boses niya. Ayoko! Ayoko!

Tin's POV

Andun ako ng mangyari ang lahat, nakikinig lang ako. Madramang teleserye. Ang galing nilang umarte pareho.

Aldrin has a Obssessive-Compulsive Disorder, Relational Intrusive thoughts. Kaya mas okay pa ako nung di siya nagseseryoso sa mga babae, eh nung makilala niya si Vanessa, he fell so hard kaya umatake na naman yung sakit niya.

I do love my brother, kapatid ko siya eh. Pero no one should be blamed for the thing they didn't make.

Kung magsasalita lang si Vanessa, kung lalabas lang siya ngayon makakalaya si Timothy, and in fact walang may kasalanan sa nangyari. Pwedeng gawing self-defence lang ang ginawa niya kaya nagend up sa ganung pangyayari.

Pero nasaan ba ngayon si Vanessa? Wala.

She's hiding herself.

His Desired Woman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon