Chapter 32

9.8K 87 1
                                        

Tin's POV

Dali-dali akong sumugod sa hospital ng mabalitaan kong naaksidente si Timothy, masyadong naapektuhan ang ulo niya sa pagkakauntog sa windshield ng sasakyan.

Iyak ako ng iyak kay tita Stella, si tita Stella rin umiiyak. Andito rin yung dad niya at nakasapo sa ulo niya

He has been in the oprating room until now at at hindi pa tapos ang operation.

Maya-maya lumabas na yung doctor at tumingin sa amin, hinanap niya yung guardian ni Timothy at tumayo si tito Davod yung dad niya.

"He suffered so much pain, hanga ako sa kanya dahil he had survived. Out of 10 people dalawa lang ang nakakaligtas sa ganung accident. But he is suffering from some memory loss, pwedeng hindi niya maalala ang isang tao, bagay, o pangyayari. Don't push him to remember something now, maya-maya lang gising na siya."

"Salamat doc."

Nung madinig ko yun, halos magtatalon ang puso ko sa tuwa. Timothy, nakakainis ka. Pinakakaba mo ko, hindi ako mapalagay gusto ko na siyang makita, nakakainis talaga siya!

Hinintay naming magising si Timothy at halos nakailang oras din kaming naghintay pero it's okay ang mahalaga okay na siya.

May benda siya sa ulo at may ilang sugat sa mukha, nakamulat na ang mga mata niya at bahagyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Did you see my wife?"

Halos mapanganga ako sa nadinig kong itinanong niya sa akin, where's his wife? What the hell.

Napatingin sa akin si tito David pati sila tita Stella at si daddy, imposible! Bakit sa lahat ng makakalimutan niya yung moment pa na gusto na niya ako at magiging masaya na sana kami?!

"Did you see Vanessa? Andiyan na ba siya dad, mom? Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa amin. Mahal na mahal ko siya."

Parang hindi lang isang daang karayom ang tumusok sa puso ko ng madinig ko ang sinabi niya, what the hell.

Bumaling ngayon yung tingin niya sa akin, hindi ko alam kung ano bang iniisip niya ngayon, nakatingin lang kasi ako sa kanya.

"Why are you here? Who are you?"

I was stunned when I have heard what he said, parang gusto ko na lang umiyak ng umiyak at magpakalunod sa mga luha ko.

"Tim, she's your friend Christine. Binantayan ka niya hanggang sa magising ka."

Ngumiti siya sa akin at nagsalita.

"Even though I can't remember you, I am very thankful na nandiyan ka para bantayan ako."

Kumikirot yung dibdib ko, ayoko ng ganito ka Timothy. Ayoko! Bumalik ka na!

Nagkwento pa siya ng nagkwento at mamaya natulog na agad siya, nilapitan ako ni tita Stella. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Christine, wait for him to recover. Maaalala ka rin niya, for the mean time kailangan muna natin siyang alagaan."

Unti-unting tumulo yung mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak, halos wala na akong madinig sa pinagsasasabi ni tita Stella, ang gusto ko lang ngayon, maalala na niya ako.

Timothy's POV

Masaya akong andito na sa tabi ko si Vanessa, after living inside the jail sobrang naging malungkot ako. Pero ngayong nakita ko na uli siya, masaya na ako. No matter what happen mahal na mahal ko pa rin siya.

Sinusubuan niya ako ngayon ng pagkain, sobrang sweet niya sa totoo lang parang ayoko ng matapos 'to. Ang mga pinagdaanan naming pagsubok hindi yun naging hadlang para maging masaya kami ngayon.

"Eh hindi ka naman nabalian ng buto sa kamay ah? Bakit ka nagpapasubo?"

Sumimangot ako bigla at humiga na sa kama, syempre kunwaring nagtatampo ^____~

"Susubuan ka na! Sorry na, eto na oh. Bumangon ka na diyan Tim."

Hindi ako bumabangon at patuloy lang akong nakatalikod sa kanya, natatawa na ako sa itsura niya kahit di ko pa nakikita.

"Namiss lang naman kita. Masama ka bang mamiss ha? Edi wag na."

Hinawakan niya yung braso ko, nadinig ko ang pagtunog nung plato at ng kahoy na lamesa sa gilid ng kama, ibinaba niya yung plato sa lamesa.

I stood and sat facing her face.

"I love you."

Pagkasabi ko nun ngumiti ako ng napakalawak. Napangiti rin siya, hindi ko alam kung bakit yung ngiti niya parang nasasaktan siya na hindi ko maintindihan, I know her.

"I will always love you too."

Pagkasabi niya nun kahit may bandage ako sa ulo, I grabbed her head and kissed her passionately. Walang kahit anong halong ibang emosyon, pagmamahal lang at nararamdaman ko yun.

Naramdamamn ko ang patak ng mainit na tubig na nagmula sa mga mata niya. I suddenly stopped and looked at her intently.

"W-why?"

Tanong ko sa kanya, I wiped away her tears and kissed her on her cheeks.

"Masaya lang ako because you are okay. Sana wag ka nang magkakasakit Tim, sana ganyan ka na lang forever, sana ganito na lang tayo. I regret all the things I've done to you sana mapatawad mo ko."

Hinila ko siya at niyakap ng sobrang higpit, this woman. I have promised to my God that I will love her, kahit di kami sa simbahan kinasal. I love her.

"Shhh. Baby, stop crying. Whatever you have done to me, trust me! Pinapatawad na kita, wag kang mag-alala magiging ganito tayo forever, masaya. Wag kang mag-alala, as long as mahal kita, walang magbabago."

Hinalikan ko siya sa pisngi niya at pati sa noo. Wala akong pakialam sa kahit anong bagay ang mahalaga si Vanessa.

Hinawakan niya yung buhok ko at ngumiti sa akin, I feel that her smile is weak. Parang hindi siya masaya, I see pain in her eyes.

His Desired Woman (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon