One

379 10 0
                                    

Malaki ang ngiti ko na pumasok sa isang restaurant kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. It's been some years since we took different paths for the career we have chosen at ngayon ay magsasama-sama ulit kami. Very excited na akong makita sila.

"Hi girls," bati ko sa kanila when I spotted them. At first ay naningkit ang mga mata nila na wari'y sinusubukan akong kilalanin but later on ay nanlaki nang mapagtanto kung sino ako. "No other than Samantha Gabrielle Laison!" I presented myself.

"Goodie goodie gosh Sam! You've changed a lot!" That's Juris and her famous line. Sa lahat saming magbabarkada, she's I'm closest with. Tumayo siya para lumapit sakin at yumakap.

"Girl! It's been years! Ikaw rin, you changed a lot." I told her and she gave me another tight hug.

"Well, we all did change you know." Ashley interrupted. Pagkabitiw sakin ni Juris ay lumapit ako sa the rest of the gang at nakipag-beso. "Nagpakulay ka pala ng buhok. I like it. You look feisty." Sabi niya pagkatapos kong makipag-beso.

"Yeah, red hair looks good on you. Hindi ka namin kaagad nakilala." Irina, the silent type of all of us, complimented and I thanked her. Huwag kayo, tahimik lang iyan pero mabangis din. "Nakakamiss kayo ng sobra."

"May hinihintay pa ba tayo?" Pagtatanong ko and they all shook their heads.

"Ikaw nalang talaga ang hinihintay." Irina said while fixing her glasses.

"Naku girl umaasenso ka na pero late ka parin kapag may mga meet-ups. Try to change that habit ha?" Ashley commented and I just gave her a nod though alam kong hindi naman mangyayari. Actually palagi rin akong sinisita sa trabaho ko dahil daw sa tardiness ko. Oh well, like I care about that.

Umorder muna kami ng pagkain at bumalik sa kamustahan at kwentuhan. I'm glad to know that all of my friends are now successful on their chosen career and business. Parang nuon lang na nagrereklamo pa kami sa pag-aaral. Hayyyy... good old days.

"You know what guys," biglaang sabi ni Irina kaya napatingin kami sa kaniya. "Why don't we go for a trip. You know, tayo-tayo lang somewhere for a week."

"Hey nerdie, that's actually nice." Sabi ni Ashley na ikinairap lang ng isa. Ayaw kasi ni Irina na tinatawag siyang nerdy but they're good friends. In fact, silang dalawa ang pinakaclose saming apat. Mas matanda ang friendship nila kaysa sa grupo at samin ni Juris.

"I agree. Mukhang kulang pa itong girl bond na ginagawa natin eh." Added Juris kaya mas ngumiti sila. Lahat sila ay napatingin sakin sa huli. Hindi naman siguro nila iniisip na kokontra ako diba?

"You all agreed so why not? That's not a problem for me." They all cheered sa sinabi ko at nag-start nang mag-suggest ng mga lugar na pupuntahan namin.

I leave the planning to them at nanuod lang sa tabi. Natutuwa akong tignan sila na mag-suggest at magtalo because it brings me back to the old times. Sumasali lang ako sa kanila kung hinihingi nila ang suggestion ko, and before we know it, natapos ang lunch namin kasabay nang pagpaplano.

"Everything's settled na. I'm so excited!" Ashley excitedly said sabay punas ng bibig niya.

"Me too." Irina second the motion. Hindi lang ako nagsasalita pero kahit ako ay excited rin.

"Let's toast for our friendship!" Itinaas ni Juris ang kaniyang wine glass at sinunod namin ito.

"Cheers!" We said in unison as we enjoyed the rest of our time together.

We bid each other goodbye when it's time to go na. Dumeretso ako sa workplace ko kung saan nagtatrabaho ako bilang isang editor ng isang sikat na lifestyle magazine. Tinapos ko na ang lahat ng mga gawain para pagdating sa bahay ay mag-eempake nalang ako at wala nang poproblemahin pa.

"Hey Miss Kylene," pagbati ko sa aking boss nang makapasok sa opisina nito. "Here's the edited softcopy of the story."

"Wow, natapos mo agad?" I shrugged at miss Kylene's question and took a seat sa silya na nakalaan for visitors and employees pagkatapos iabot ang flash drive sa kaniya. "You're a very hardworking employee. Sana lahat ng katrabaho mo ay tumulad sa'yo."

"Uhh... miss?" Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin but she nodded as a message for me to go on. "Can I have a leave?"

Huminto siya sa pagtipa sa keyboard at napatingin sa'kin. "Bakit?" Nag-aalala niyang tanong.

"Nakakahiya but sabi niyo naman eh hardworking ako, can I go on a vacation." Nagpanic ako bigla sa vulgarity ko. I'm still just an employee and asking for a leave is something I just can't demand. "Ano lang naman eh, for one week lang naman. Tapos dadalhin ko nalang dun ang trabaho ko and you can lessen my payroll or add more work pagbalik ko bilang pambawi."

Nagkatitigan lang kami ni miss Kylene at sa huli ay natawa siya nang sobrang lakas na ikinagulat ko. What's funny?

"You know Sam, why worry? Papayagan naman kita eh." Huminto siya at tumawa ulit. "Sorry if I scared you. Kung gusto mong magbakasyon then it's fine, basta siguraduhin mo lang na bumalik ka ha? Baka mapasarap ka sa vacation mo at hindi ka na bumalik ulit." She joked and I suddenly felt okay.

"Okay miss. Thanks a lot." She hand me the flash drive at tinanggap ko ito. Tumayo na ako at aalis na sana pero bigla niya akong tinawag.

"No need for you to bring work or lessen your payroll or add more work. It's really fine."

"Great. Thanks." Muli kong pagsasalamat at tuluyan nag umalis. Mabuti nalang at mabait si miss Kylene. "Oh, I really love my work."

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon