Twelve

194 6 0
                                    

Nilinga-linga ko ang ulo ko at kinusot pa ang mga mata. Inulit ko pa ulit yun pero hindi parin nagbabago ang itsura ng lugar. Nasaan ako? Kaninong kwarto to?

Tumayo ako sa kama ng dahan-dahan dahil nakakaramdam ako ng kirot sa baba. Hindi ko naman kasi alam na masakit pala yun gawin. Malay ko ba.

Nagulat ako nang makita na nakabihis ako ng mga damit ko na hindi ko pa nagagamit. Namula ako ng pumasok sa isip ko si Calbert. Siguro ay siya ang nagbihis sakin.  Sino pa ba kasi ang gagawa nun dahil kami lang dalawa ang nandito. Ang lalaking yun, baka pinagnasaan niya ang katawan ko habang natutulog ako. Pero ano bang pinuputok ng butsi ko? Nagawa na nga namin yung ano eh... yung ano. Ah basta.

Kung si Calbert nga ang nagbihis sakin at nagdala dito, ibig sabihin ito ang kwarto niya?

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. The room is simple with shades of white and grey, very manly tignan. Lumapit ako sa cabinet na may mga awards, lahat ng ito ay mga awards patungkol sa bakery niya at sa mga gawa niyang tinapay. He really is one amazing guy.

Napadako ako sa isang litrato kung saan may kasamang dalawang lalaki at isang babae si Calbert. Must be his mom and dad, and maybe his brother.  Oo nga pala, hindi ko nakita ang mga magulang niya, nasaan kaya sila? Nasa dagat ang kuha ng litrato at parehong may hawak na surf boards sina Calbert at yung lalaki.

Napatalon ako sa gulat nang bumukas bigla ang pinto. Iniluwa nito si Calbert kaya napanatag naman ako. I thought it was someone else like Irina, cousins kasi sila diba so there's a chance na makapasok siya dito so lagot na naman ako sa kanila.

"Calbert!" Tumakbo ako sa kaniya na pinagsisihan ko dahil biglang sumakit ang pagitan ng hita ko. Imbis na tumakbo, I chose to walk to him slowly. "Nakauwi na ba sina Irina?" I asked.

"Hindi pa. It's five-thirty palang naman." Tumango ako sa kaniya at nakaramdam ako ng awkwardness sa aming dalawa. Sam, anong gagawin mo ngayon?

"Are you hungry?" Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Calbert. Tutal ay ayokong manatili kami sa awkwardness ay tumango nalang ako sa kaniya at sumunod sa kusina.

Umupo ako hindi kalayuan kung saan naghahanda si Calbert. Nakatingin lang ako sa kaniya sa buong paggalaw niya at duon ko lang narealize na ito na ang ikalawang beses na pinaghandaan niya ako ng pagkain. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. No, hindi ito pwede. Tanggap ko pa na attracted ako sa kaniya pero ang magkagusto? Hindi, hindi pa ako handa.

"Penny for your thoughts?" Napaangat ako ng tingin ng makitang nasa harap ko na si Calbert. Namula na naman ako ng makita na nakaapron lang ulit siya at walang shirt sa loob. Ba't ba ang hilig nitong maghubad sa kusina?

"Don't mind me. I'm just... just nothing." Mahina kong bulong dahil nahihiya ako sa kaniya. Ba't ang pabebe ko ngayon? Umayos ka Sam!

"Still can't get over about our hot and steamy se-" napasinghap ako at walang ano-ano'y pinutol ang sasabihin niya.

"Food, Calbert! Hot and steamy food! Umayos ka nga! Pagkain ang nasa harapan natin okay? Bawal ang mga sinful words!"

Tumawa siya ng sobrang lakas at naghands up pa na parang sumusuko. Minsan ang sarap niya ring itapon at ilunod sa dagat.

"Alam mo, you can tell me if you want to do it again. Anytime babe." Nag-wink ang mokong bago hinubad ang apron niya. Naglaway naman ako hindi dahil sa pagkain kundi dahil sa abs niya. Gusto ko ulit itong himasin at halikan. I shook my head. No! Nasa hapag ako at bawal ang mga bagay na makasasala!

Buong oras ng pagkain ay naiwas lang ako sa kaniya. Bakit ba kasi kailangan nakahubad? Sinuway ko siya na magsuot ng pang-itaas na damit pero sabi niya nakasanayan na daw niya at nasa bahay lang daw naman siya. Bad manners kaya yun at isa pa, can't he see I'm uncomfortable? Oh baka naman sinasadya talaga ng unggoy.

"Bakit mo ko dinala sa kwarto mo ha? Binihisan mo pa ako. Minanyak mo ako no?" Kunwaring galit na sabi ko sa kaniya nang maalala ang sitwasyon ko pagkagising.

"Assuming ka naman. Hindi kita minanyak. Isa pa, I brought you to my room to change the sheets on your room. I know you don't want my cousin and your two other friends to put you on the hot seat when they'll arrive. Am I right?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nag-aalala rin pala talaga siya sakin. He could be sweet din pala.

Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Totoo nga talaga to, may nangyari nga talaga samin.

Medyo natuwa naman ako dahil akala ko talaga ay magiging awkward sa amin ang lahat pagkatapos ng nangyari, mabuti nalang at hindi. Though may part sakin na nalulungkot dahil di ko alam kung ano kami but I refer to believe na tawag ng laman lang iyon. At least that thought is safe.

"Uhmmm... nakita ko ang ilang awards mo dun. Ang galing mo pala talaga pagdating sa baking ano?" Pagpupuri ko sa kaniya.

"I know right." Nakangisi niyang sabi. Bigla naman akong naasar sa pagkamayabang niya. Hindi man lang itinaggi.

"Paano ka natutong mag-bake?" Tanong ko.

"My mom taught me how to." Napapalakpak ako at bigla naman siyang natawa sa ginawa ko. I know it's childish, right?

"You must be so close with your mom. Nakita ko rin pala ang picture niyo ng family niyo. Nasaan ang mga parents mo? Asaka, sino yung lalaki na kasama niyo? Is he your brother? Calbert?" Biglang naging intense ang atmosphere. Ang kaninang jolly na Calbert ay napalitan ng isang malungkot na Calbert. It's just a flash of sadness in his eyes na mabilis niyang naitago but I know na may mali. Maybe dapat hindi na ako nagtanong tungkol sa family niya. "May nasabi ba akong di maganda? Sorry."

"Wala. May naalala lang." Tumayo siya sa hapag at nilagay sa sink ang pinagkainan niya. "Sige, isasara ko pa ang shop. Magpahinga ka na."

I swallow a lump on my throat. Dapat hindi ko na sinabi ang topic tungkol sa pamilya niya. Mukhang may pinagdadaanan sila ng pamilya niya. Pero bakit ganun nalang kasensitive si Calbert sa topic ng pamilya niya? I want to know.

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon