Nine

185 4 0
                                    

"Sandali lang girls," sabi ko sa kanila na palagay ko'y hindi naman nila napansin. Si Irina na ang may hawak ng microphone habang nagback-up dancers naman sina Juris at Ashley.

Sinundan ko ang pinanggalingan ni Lawrence. Pagkalabas ko sa reception are ay wala nang tao duon bukod sa receptionist. Ang bilis naman nun, hindi ko naabutan. Babalik na sana ako sa loob ng cubicle area nang pag-atras ko ay may nakabunggo akong tao.

"God! Sorry- Lawrence?!" Nakangisi siya sakin habang hawak-hawak  ang dalawa kong balikat.

"Hi there pretty." Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Kumawala narin ako sa kaniyang pagkakahawak.

"He-hello din." He chuckled at me and I felt myself blush even more. Bigla kong naalala ang ginawa niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Para saan yung pagkain ha? Tsaka ikaw ba talaga ang my ari nito?"

Tumawa siya ng malutong and all I could do is admire him. "Wala lang, gusto ko lang kayong ilibre and yeah, I'm the owner of Kussimi."

"Ikaw ha! Bigtime ka pala!" Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Hindi naman." Ngiting sabi niya sakin. Ang humble naman this guy. "So those are your friends?"

"Yeah. Wanna meet them?"

"Huwag na." Nahihiya niyang saad sabay kamot sa batok. Hinawakan ko siya sa braso at hinigit.

"Okay lang iyan."

Pagpasok namin sa cubicle area ay hinigit ko siya papuntang cubicle namin. Nung una ay hindi pa kami napapansin ng tres maria pero napatingin sa gawi ko si Juris na hawak ngayon ang microphone at lumaki bigla ang mga mata niya.

"Goodie goodie gosh!" Napatakip kaming lahat ng tenga sa biglaang pagsigaw ni Juris.

"Juris naman! What's wrong with you girl?" Tanong ni Irina na may inis sa mukha. Sumigaw kasi si Juris sa harapan ng microphone kaya parang nabasag ang eardrums namin dahil dun.

"Oo nga at ano iyang tinitignan mo- oh damn." Nakuha na naming tuluyan ni Lawrence ang attensyon ng tatlo. Napayuko nalang ako sa hiya kay Lawrence samantalang natatawa naman siya sa tabi ko.

"Hi girls!" Bati niya sa tatlo na hindi parin natitinag sa pagtitig sa kaniya. Okay, so he's that handsome to make that to my friends. The three girls are damn checking him out.

"Ehem." Napatingi sakin ang tatlo at sabay silang nagtaas ng kilay. May choreo kaya yun? "Girls, meet Lawrence."

"Hi. It's nice meeting all of you." Sabi niya na nakangiti parin ng sobra.

"Geez! Hindi tayo nasabihan na pwedeng dumala ng kadate. Kung nainform ako edi sana nagdala din ako ng akin. Ashley by the way." Sabi ni Ashley with a normal smile. What I mean is, hindi seductive like the usual.

Ashley is flirty but she knows where to stand. At sa tingin ko ay iniisip niyang may something samin ni Lawrence ngayon.

"Irina nga pala." Pagpapakilala ni Irina ng maikli pero may malisya sa tingin mula kay Lawrence papuntang sakin.

"And I'm Juris. I'm Sam's bestfriend." Hyper naman ang approach ni Juris. She's like that already anyway.

Nanatili samin si Lawrence and the very good thing about it is free na lahat ng pagkain samin. Isn't it fun? Nung una ay nahihiya pa kami at tumanggi pero wala eh, lahat kami foodie at binusog niya talaga kami. We talked about anything, kahit mga nonsense na bagay at sa kwentuhan ay nalaman namin na close friend pala siya ni Calbert.

Natanong ko nga ang sarili ko if nakita niya yung embarassing moment ko noong first night namin. But he mentioned he was not able to attend it because something came up and I thank God for that. Nagsample din siya sa pagkanta samin and I can say he got a very good voice. Nag-click naman kaagad ang grupo namin sa kaniya dahil madali siyang pakisamahan.

"That was fun. I hope I can spend time with you again. Next time ay magdadala na ako ng company." Nakatayo na kami sa exit ng Kussimi and it's around two narin in the afternoon.

"That's nice! The more the merrier right?" Ashley said. Alam ko namang kung ano-ano lang ang iniisip niyan.

"Oo nga. Sana hindi ito ang last time na magkakasama tayo." Ani ni Irina.

"I'm sure it's not." Some electricity travel on my body when he said that while staring at me.

"Ah sige Lawrence," putol ko na sa usapan. "We need to go now."

"Sure. Balik kayo ah?"

"Oo naman ano!" Masiglang sabi nung tatlo at umalis na kami. I give a one last wave kay Lawrence bago namin tuluyang nilisan ang lugar.

Malayo na kami sa Kussimi ng bigla akong pinagitnaan ni Juris at Ashley. I'm on hot seat na naman.

"So..." Ashley started. "How did you meet that Lawrence guy?"

"Oo nga. Tell us!" Pamimilit ni Juris sabay kuyog sakin.

"I met him last night sa bar." Maikli kong sagot.

"Goodie goodie gosh! Kaya ka pala nawala!" Hinampas niya ako sa braso kaya sumimangot ako.

"Kayo kaya ang biglang nawala! Iniwan niyo ako at sinamahan niya lang ako kagabi!"

"Oh? Sorry naman." Ashley muttered.

"Guys, hayaan niyo na si Sam okay? Atsaka ayoko dun sa Lawrence." Napatigil ang dalawa sa tabi ko kaya napatigil din ako. Tumingin sila kay Irina.

"At bakit naman? He's Gorgoeus!" Ashley debated.

"Oo nga! Bakit? Gusto mo sayo lang siya?" Mataray namang sagot ni Juris and I rolled my eyes. Ang big deal naman nun sa kanila.

"I don't like his vibe and Sam has kuya Calbert." Biglang pumintig ang puso ko sa sinabi ni Irina. "Though honestly, I both don't like them for you. Magkaibigan sila ni kuya Cal and they both have a history ng pagiging playboy."

"Oo nga ano. Alam natin ang reputasyon nila noong college," sambit naman ni Juris. Kumawala ako sa hawak nila ni Ashley.

"Alam niyo, walang kwenta ang pinag-aawayan niyo. Mauwi na nga." Nauna na ako sa paglalakad at iniwan sila.

Malapit na kami sa bahay ni Calbert nang biglang bumuhos ang ulan. Tumitili at tumatawang tinakbo namin ang bahay ni Calbert. Humahalakhak na naupo kami sa lapag dahil sa basang-basa na kami.

"Bata pa ako nung last time na naligo ako sa ulan!" Natatawang ani ni Juris habang niyayakap ang sarili upang di lamigin.

"Aww basang-basa nako!" Ngumuso si Ashley dahil sa itsura.

"Akyat tayo sa taas. Kukunan ko kayo ng towel." Naunang maglakad si Irina kaya nagsitayuan kami at sumunod.

"Bihis na tayo!"

"Let's go!"

Bago tuluyang makaakyat ay napalingon ako sa likuran ko at nakitang titig na titig sakin si Calbert. I can see desire in his eyes tulad nung nasa isla kami at nung nasa pool. Umiwas nalang ako ng tingin at naglakad na papaakyat.

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon