Eighteen

146 5 2
                                    

Malakas na pinindot ko ang enter at nag-unat pagkatapos. Napangiwi nalang ako pagkatapos marinig ang tunog ng buto ko na naiunat. Four hours straight ngayon ako sa opisina nagtrabaho at hindi na nag-break. Ipapasa ko nalang ang soft copy then pwede na akong umuwi. I can sigh a breath of relief now.

"Bobo lang na tao ang ganiyan."

"Makabobo ka ah! Hindi naman niya yun kasalanan kung nainlove siya kaagad!"

"Mainlove? For one week? Bilis ata ah!"

Nahigit ko ang hininga ko dahil sa dalawa kong katrabaho na nagtatalo. Minsan ko na nga lang ginugustong matahimik at makalimot pero may mga panahon talaga na pinapaalala parin sakin ang mga nangyari sa nakaraan. It sucks.

"Sam? Uy Sam!" Napatingin ako sa dalawa kong co-worker na kanina pa ata ako tinatawag.

"Huh? Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Tinatanong ka namin kako kung okay lang ba mainlove ang isang tao sa isang linggo. Ano sa tingin mo?" Kita mo naman, sakin pa talaga tinanong. Nakabalik na nga ako sa Manila pero hinahunting parin ako ng gabing iyon.

"Bakit ba?" Tanong ko ulit.

"Kasi ang panget naman! Nainlove ka? Agad-agad? Ano yun? Isang linggong pag-ibig ang peg?"

"Eh bakit ba? Hindi basehan ang panahon ng pagmamahal. It just comes unexpectedly! May mga magjowa na ten years na magkakilala but see? Break din sila!"

"No, makinig ka sakin. Kung sabi mo nainlove ka for a week, then that's not love. Infatuation lang iyon!"

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Hindi ko mapigilang matamaan sa mga sinasabi nila kasi ako na mismo ang nakaranas ng isang linggong pag-ibig na iyan. Buti nga sana kung infatuation lang ang naramdaman ko but it's been months at eto, minamahal ko parin siya.

I know I should be hating him for what he did but I realized something, may magbabago ba pag nagalit ako? Wala.

"Sam, anong sa tingin mo?" Nakatingin lang silang dalawa sakin at naghihintay sa sagot ko. I turned off my PC at hinablot ang flash drive.

"Mas bobo ang nalove at first sight." I leave them and never bother at their opinion anymore. Tinatamad akong makinig.

"But Sam! Hindi mo naman sinagot ang tanong namin eh!"

"In fairness, tama rin siya. Mas bobo ang nalove at first sight kesa sa naisang linggong pag-ibig."

Kumatok ako sa office ni Miss Kylene, our management boss, bago pumasok sa office niya at pabagsak na umupo sa mahaba niyang couch. She doesn't mind, parang magkaibigan narin kasi kami.

"Pagod much?" She eyed me for a second before going back to what she's doing.

"Yeah. Tatlong araw rin ang ginugol ko diyan and I hope final na ang soft copy na iyan. I'm so drained." Nagrereklamo kong sabi pero di ko lang masyadong pinahalata. She's still my boss duh. Yung iniedit ko kasing article ay tungkol sa isang business tycoon na wala naman akong pake. It's so boring at nakakawalang gana ng sobra.

"Don't worry, this is the last." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Atleast may new topic na naman akong gagawin at hindi na ako mabobore. "But this time, you will be doing an interview."

Ano daw? Interview?

"Huh? Hindi naman iyan sa line of work ko ah?" Iniligpit ni miss Kylene ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang lamesa bago ako hinarap.

"Oo nga. But the other management is hands full kaya walang gagawa ng interview. You're the best employee I can think of na ipadala. Okay lang ba sayo?" She eyed me hopefully. Mukhang gusto niya talagang tanggapin ko ang offer nato.

"Importante ba talaga?" I asked out of my mind.

"Sobra. Siya kasi ang susunod na icocover ng magazine natin. So?"

"Eh wala naman akong experience sa pag-iinterview, miss Kylene."

"Come on, parang normal conversation lang iyan nang bagong magkakilala na magkaibigan. You're going to ask him about some things in order to know each other more. Atsaka, Jash is going too." Biglang naging mapanukso ang tinig niya pati ang kaniyang mga mata. I sighed.

Jashen's been courting me for a year now, bago pa ako mapunta sa bakasyon na iyon. He's a good looking and nice guy. Sa totoo lang, kung hindi ko siguro nakilala si Calbert ay baka nasagot ko na si Jash.

But things happen unexpectedly...

"So it's settled! Dalawa kayo ni Jash ang magiinterview okay?" Napatayo ako ng biglaan sa sinabi niya.

"Wha-what?! I never said yes!"

"You never said no." I grunted at her. Naman, this is so going to be awkward. The last thing that I want to do is to be with Jash. Ayoko siyang paasahin at saktan. Hindi ko pa kasi nasasabi na may iba akong nagugustuhan. He's too nice to be hurt. "Sige na, minsan lang akong humingi ng favor sayo. Isipin mo na lang din na kapalit ito ng mahabang bakasyon mo noon."

Yeah, ang bakasyon na sana hindi nangyari.

"Sam? Are you okay? Did I bring back a bad memory?" Hinarap ko siya at umiling bago ngumiti. Ngumiti din siya pabalik but it's a smile na naaawa sakin, isang ngiti na ayokong makita.

My bosses learned about the accident nung muntik na akong malunod but my co-workers aren't informed about it. So in short, ang mga boss ko lang ang nakakaalam nang pagkahospital ko. I also chose to hide the story behind the accident from them. It's better that way.

So in short, alam ni Miss Kylene ang tungkol sa muntikan nang pagkalunod ko pero nanatiling sekreto ang dahilan nun.

"Kailan ba iyon?" Pag-iiba ko ng topic para gumaan ang atmosphere saming dalawa ni Miss Kylene.

"Bukas." Mabilis niyang sagot. Sumandal siya sa desk niya sa harap ko at humalukipkip.

"Bukas na talaga? Agad-agad?"

"Mmm."

Wala namang mawawala kung tatanggapin ko ito eh. Ngayon lang naman dahil kailangan lang talaga. I sighed as a sign of defeat. "All right."

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon