Eight

202 5 0
                                    

Hindi ko mapigilang pandilatan ang tres maria ng mga mata dahil sa mga tingin na ipinupukol nila sakin. Nagsiiwas naman sila kaagad at binigay ang attensyon sa loob ng kwarto ng lobby ng spa.

Bwisit kasi na Calbert. Kanina kasi nang makaahon si Calbert ay dumeretso na siya sa loob at syempre makakasalubong niya ang tres maria. Ako naman ay naiwan sa pool kaya siyempre manghihinala yung tatlo at magtatanong nang 'magkasama ba sa pool sina Calbert at si Sam?'.

Kahit naman na nanghinala sila ay di sila nagtanong. Hindi nga nagtanong pero kung makatingin at makapag-usap naman mata sa mata ay very makahulugan.

"Magtanong na kayo." Sabi ko sa kanila at yung tatlo ay mabilis pa sa alas kuwatrong lumapit sa kinaroroonan ko.

"So may nangyari?" Panguna ni Juris sa pangungusisa.

"Oo." Walang alinlangan kong sagot and they gasped. Malamang ay may nangyari talaga kanina at wala akong pakialam kung anong isipin nila. Them and their dirty minds.

"Kamusta? Is he good?" Nakangisi namang tanong ni Ashley na halatang may kung anong iniisip.

"Good in what?" Tanong ko pabalik.

"Gaga! Siyempre mag-sex!" Bulalas niya na parang kami lang ang nasa loob ng lobby. Nakangising napatingin sa amin ang ibang mga customers at staffs sa narinig kay Ashley. Binatukan lang siya ni Irina.

"Hindi." Mabilis na sagot ko at napanganga ang tatlo sakin.

"Goodie goodie gosh! Ang gwapo niya at oozing pa sa hotness then you're telling us no! Bakit? Maliit ba?" Bulyaw ni Juris kaya siya naman ang binatukan ni Irina.

"Sam! Pinsan ko iyang iniinsulto mo kaya parang ako narin ang iniinsulto mo." Nakasimangot at crossed arms na sabi sakin ni Irina.

"You are so unbelievable girl!" Napapailing na sumandal si Ashley sa sofa.

I rolled my eyes at them. "Paano ko namang sasabihing oo eh hindi naman kami nag-sex." Pag-aamin ko.

Nagulat ako ng biglang hinila ni Irina at Ashley ang ilang hibla ng buhok ko bigla kaya napadaing ako.

"Gaga ka talaga! Ba't di mo sinabi kaagad!" Singhal ulit ni Juris.

"You never asked!" Bawi ko naman in a 'duh' tone. Hindi naman kasi sila nagtanong diba? "Atsaka, kayo lang naman ang nag-assume."

"Pero seryoso, wala talagang nangyari?" Paninigurado ni Irina.

"Wala nga. Ano ba?"

"Weak." Irina added at bigla namang umeksena si Ashley. Naisipan nanaman sigurong asarin si Irina.

"Makaweak ka diyan eh diba virgin ka pa?" Biglang namula si Irina at humalakhak naman si Ashley. Tumigil lang ang halakhak niya nang may lumapit samin na staff ng spa.

"Excuse me..." hinarap namin iyon at tinarayan. Minutes later, naglalakad na kami papuntang bahay ni Calbert. Yes, pinatapon kami sa labas ng spa ng staff nayun.

"I want to get a foot massage pa naman." Maaarteng sabi ni Ashley habang naglalakad na parang namatayan.

"Hayaan niyo at pag nakita ko ang babae na iyon ulit, ingungudngod ko siya sa paa ko." I said na ikintawa naming lahat. I sighed. Paano na'to? Nasira na ang plano namin ngayon.

"Why not dumeretso nalang tayo sa next to do list natin?" Juris suggested habang selfie ng selfie. We shrugged our shoulders at kinuha naman ni Irina ang list.

"Sa Kussimi tayo guys," sabi ni Irina. Syempre kaming tatlo na walang kaide-ideya kung ano iyon ay napakunot ng noo. Irina explained that it is a videoke bar opened twentyfour-seven. Not bad narin.

We headed to the place at napadpad kami sa medyo narrow na lugar na may mga hagdan pataas baba na kung titignan mo ay mapapagod ka sa kakaisip kung ilang steps iyon. Ang mga kabahayan naman at iba pang structures ay magkakadikit. If you went or saw Israel, that's what the place looks like but the houses here are in a much classic and fancy way nga lang.

Medyo natagalan kami sa paghahanap ng lugar dahil Wednesday ngayon and Wednesday is market day sa lugar kaya medyo siksikan. Nung naglilibot nga kaming apat ay nakahawak kami sa laylayan ng damit ng bawat isa para di kami mahiwalay. It was sure fun.

"Finally!" Ashley said sabay taas pa ng dalawang kamay na parang nagkaroon ng himala.

Tumingin ako sa harap ng pintuan na may tag sign na nakasulat na "Kussimi Videoke Place." The name kind of sound Japanese or Korean.

"What are we doing? Tara na!" Naunang pumasok si Juris na halatang excited sa mangyayari. Sumunod narin kami sa loob at isang babae ang naghihintay sa reception table na tumambad samin.

"Hello! Welcome to Kussimi! How can I help you?" Grabe kung makangiti yung babae, nakakahawa. Maganda rin siya ng sobra.

Si Irina na ang nakipag-usap sa receptionist at kumuha kami ng kwarto na good for five persons. Medyo nagtaka pa ako kasi inakala kong parang restaurant ito na may videoke diba? So nasaan ang mga tables at music?

Hindi ko namalayan na may sumulpot na lalaki sa kung saan at iginiya kami sa double doors. Pagbukas nito ay nalula kaming apat nang makita ang mga disco lights at transparent na cubicles kung saan may mga kumakain, kumakanta, masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan dito. And guess what? Wala kaming marinig na kung ano mula sa mga cubicles. They are sound proof and this is so amazing!

Pumasok kami sa isa sa mga cubicles. Pagsara ng waiter ng pinto ay agad kaming nag-order sa menu na nakalagay sa mesa. Umalis ang waiter nung maibigay na namin ang mga order namin sa kaniya.

"At dahil energetic ako ngayon, ako ang unang kakanta!" Sabi ni Juris na hawak hawak na ang mike.

"Ang daya! It's supposed to be me!" Angal naman ni Ashley na nagsisimula nang agawin ang songbook kay Juris. Irina and I rolled our eyes at them.

Masaya lang kaming apat na nag-bond. At least kahit pinatalsik kami sa spa, we still end up having fun. Bumalik ang waiter dala ang mga order namin when we noticed that mayroong sobra.

"Waiter," pagtawag ko sa waiter na paalis na sana. Bumalik naman ito at tinanong kung may kailangan ako. "We didn't order these."

"Ah mam, free po iyan galing sa owner." Sabi ng waiter at ngumiti.

"Oh, anniversary?" Tanong ko dito pero umiling siya. "May special occasion? Free taste lang? Bonus?"

Sa lahat ng tanong ko ay iling lang ang sinagot ng waiter. Okay so bakit ito nandito? Sumaludo ang waiter samin ni Irina at umalis na.

"Para saan 'to?" Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko man sinasadya ay napatingin ako sa labas at nakakita ng isang pamilyar na mukha na nakatingin sakin. Ngumiti siya at kumaway bago umalis.

So siya ang nagbigay ng extra food? Siya ang owner ng Kussimi? Si Lawrence?

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon