Two

259 7 1
                                    

"Ahoy friend!" Sigaw ni Juris pagkalabas ko ng bahay. Half ng katawan niya ay nakalabas sa bintana ng kotse at kumakaway sakin. Napailing nalang ako ng ulo. Minsan naiisip ko na mas kailangan pa ni Juris ng psychiatrist at hindi ng mga pasyente niya. Yes, Juris is a psychiatrist and may pagkaisip bata siya. Siguro dahil narin sa one month advance siyang inire ng nanay niya which means she's a premature baby.

"Get back to your seat pwede ba?" Dinig kong saway ni Ashley kay Juris pagkalapit ko. Sumaludo sa kaniya si Juris at umayos na nga ng upo. "Hey girl, since loaded up na yung trunk, ilagay mo nalang diyan sa tabi mo yung baggage mo."

"Sure." Tinulungan niya ako na ipasok ang bagahe ko sa kotse niya at pumasok na sa loob.

"Hi," bati sakin ni Irina na nakaupo sa shotgun seat. Of course, siya lang naman kasi ang nakakaalam ng directions ng lugar. "Excited?"

"Yep." Masaya kong sagot dito.

Ashley entered from the other side of the car and Juris, na nasa driver's seat na ngayon, put the car into life. "Buckle up everyone. It'll be a long ride."

Since two hours ang biyahe at sina Ashley at Juris lang ang marunong mag-drive, nagset-up kami na hatiin ang oras ng pagda-drive sa kanilang dalawa. We stopped by sa ilang mga passenger's lounge at mini marts for food, refreshment and toilet. All in all ay naenjoy namin ang biyahe.

Sa huli ay nakatulog si Juris dahil sa pagod sa pag-drive at tanging si Irina na nagbibigay directions, si Ashley na nagda-drive at ako na tinitignan lang na lumipas ang mga puno ang natirang gising. Medyo malayo na kami sa kabihasnan at pawang mga palayan, burol at puno na ang nakikita namin but we're still on the national road.

"Oo nga pala, we will be staying at my cousin's house and may pool party siya mamayang gabi so I need you to enjoy there, okay?" Tumango kami ni Ashley sa sinabi ni Irina. That's actually nice. Parang nagkaroon na kami ng opening party para sa girl's bond namin.

"Who cousin of yours?" Pagtatanong ni Ashley. Sa pagkakaalam ko kasi ay medyo maraming cousins si Irina. Hell, they're one big family. I hope someday ay hindi pahihirapan si Irina ng magiging asawa niya.

"Oh, si Calbert. The one when we were in college remember?" Nagsuggest kasi si Irina na sa bahay ng pinsan niya kami tumuloy dahil free ang pagkain, accomodation at beach fee daw namin if duon nalang kami dahil narin sa malapit ang bahay nito sa dagat. But she never told us kung sinong pinsan ba ito.

Now that she mentioned, sa totoo lang, hindi na lingid sa kaalaman namin ni Ashley ang tungkol kay Calbert because we entered the same college as him and he was a bit popular. We often saw him with Irina too but we never talk to him that much.

"Okay, okay. This Calbert..." Ashley trailed off and gave us a naughty smile. "Is he still single?"

"Why yes." Mabilis na sabi ni Irina nang nakangiti but later ay pinaningkitan niya ng mga mata ang katabi. "Huwag mo siyang gagapangin mamaya ha. Ashley, I know you."

Natawa nalang ako. May pagkaplay girl kasi si Ashley kaya mabuti nalang at naririyan si Irina para sawayin ang kaibigan. Kung gaano kabait at kamasunurin kasi si Irina, ganun naman ang pagkabratinella at pagkapasaway ni Ashley. Maybe it's true that opposite attracts, even in friendships.

"Relax girl, I won't do anything like that. Hmm..." Mas ngumiti pa si Ashley habang nakatingin sa daan. "Maybe seduce him a little."

"Whatever Ashley. Just behave." Tumawa lang si Ashley sa kaibigan at pinagpatuloy ang pag-drive. Naalala ko kasi na medyo marami rin ang may crush kay kuya Calbert nung college. Siguro ay mas gumwapo yun ngayon.

A few moments later ay nakita na namin ang dagat at doon lang nagising sa pagkakatulog si Juris. "Oh goodie goodie gosh! Look at this Sam! Ang ganda ng view!"

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon