Sixteen

156 5 0
                                    

Pinaglalaruan ko lang ang baso na may lamang alak habang patuloy na sumasagi sa isip ko ang nakita ko kanina. Mag-isa lang ako sa nag-iisang kwarto dito sa yate dahil ayokong makipagsalamuha sa kanila. I clearly saw Calbert kissing that party crasher girl. I didn't know that it could hurt so much.

Napatawa ako sa kagagahan ko habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Kakaamin ko lang sa sarili ko na mahal ko na siya pero eto at sakit kaagad ang sumalubong sakin. Maybe I was just an instrument to keep away his boredom. Masakit mang aminin pero pampalipas oras lang ako sa kaniya.

Tinungga ko ang lahat ng laman ng baso ko. Kailangan ko na siyang iwasan. Kung sabagay, one week lang naman ang stay namin dito. Kapag nakabalik ako sa Manila, I know I will forget about him eventually.

Bumukas bigla ang pintuan at duon ko nakita si Irina. Nagkatinginan pa kaming dalawa pero ako kaagad ang umiwas. I brush away my tears dahil ayoko namang makita ako ng isa sa mga kaibigan ko sa ganitong sitwasyon.

"You're crying. It's suppose to be me." Inagaw ni Irina ang baso sakin at nilagyan ito ng alak. Hindi ko alam kung bakit siya raw dapat ang umiiyak ngayon but the event earlier must have something to do with it. "Anong problema mo?"

"Wala akong problema." Sagot ko sa kaniya habang pinanuod ko siyang tumungga sa baso.

"Sa lagay mong iyan wala kang problema? At bakit ka ba nandito?"

"Wala nga akong problema. Nandito lang ako dahil ayokong makisama duon. They're too noisy."

"Same. But actually, may ayaw lang akong makita duon." Inisip ko na siguro yung lalaki na kabugbugan niya kanina ang tinutukoy niya. "As long as I want to stay here though, kailangan nila tayo duon. They're playing a game."

Tatanggi pa sana ako pero mariin niya kong hinawakan sa braso at hinila papunta sa deck.

"Hey Sam!" Kumaway si Juris sakin at kumaway din ako pabalik. Sana lang ay mukha akong matino ngayon gayong kakagaling ko lang sa pag-iyak.

Inilibot ko ang paningin ko at duon ko nakita ang nakahubad na si Calbert habang nakapulupot parin ang babae na kasama niya kanina. I can't help but to roll my eyes at them habang umuupo sa tabi ni Juris.

"So what's the game?" Tanong ko sa kanila. Naramdaman ko bigla ang mga tingin ni Calbert at di nga ako nagkamali nang mahuli ko siyang nakatingin sakin. I rolled my eyes at him before looking at somewhere else.

"We decided to play truth or dare with a twist." Lawrence explained. Medyo nanibago ako na sumasali pala siya sa mga ganito because he's not the type. "Kung sino ang tinamaan ng ulo ng bote, siya ang taya. Kung sino naman ang natamaan opposite ng bote, siya ang magtatanong para sa truth."

"And the dare?" Tanong ni Irina.

"We prepared some paper strips na may laman ng iba't ibang dare. Bubunot kayo sa sports cap na hawak ni Ash at kung ano ang makuha niyo ay ganun ang dare na gagawin niyo." Nakangising sabi ni Lawrence.

Tumango-tango kaming lahat sa bilog para ipakitang naiintindihan namin siya. Damn, nakakakaba ang game nato. For sure ay maraming mga kalokohan ang nakalagay duon.

"Let's start!" Juris get the bottle in front of us at ngumisi samin ng nakakaloko. "Ako na ang mauuna okay?"

She spinned the bottle at lahat kami sa bilog ay tahimik na nakatuon ang pansin sa bote. The bottle slowed down hanggang sa huminto ito sa isang babae, kay Ashley.

"Yown! So Ash, truth or dare?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Lawrence o Calbert o ewan lang sa dalawa.

"Tinatanong pa ba iyan? Dare!" Ipinasa na nila ang sports cap papunta kay Ashley kung saan nakalagay ang mga paper strips. Tumungga si Ashley sa shot glass bago bumunot. "Okay.... so ang nakuha ko is... what?!"

Nagsilapit pa lalo ang mga katabi niya at humalakhak ng malakas nang makita kung ano ito. "No! This is so gross! Sht! I will never do this!"

"Na-uh Ash, no turning back." Tukso ni Juris at lahit si Irina ay ngumisi din.

"Pwedeng mag-truth?" Ashley asked.

"Nope. You chose dare." Lawrence said and Ash pouted. "Bakit, ano ba ang nakuha mo?"

Nakapout na pinakita niya samin ang dare and we all burst out laughing. Totoo kasing napaka-gross ng dare niya.

"Ash just do it! Hahalikan mo lang naman pala ang paa ng katabi mo eh!" Juris exclaimed sa tabi ko na sinabayan pa ng pag-torture sa braso ko.

"Anong hahalikan lang?! Yuck!" Nandidiring sabi pabalik naman ni Ash.

"Come on Ash! Hahalikan mo lang naman eh, hindi didilaan." Nanunuksong sabi ni Irina sa bestfriend niya.

"Okay!" Pagsuko niya. Hinubad nang katabi niya ang sapatos nito at inilapit kay Ash ang paa habang tumatawa. "I'll really kill that person who put the dare."

"Owwwwwwwww...."

Mabilis na hinalikan ni Ash ang paa nung guy at nandidiri na nasusuka siyang tumungga sa shot glass. Humahalakhak parin ang iba dahil sa dare.

"Next victim here it goes!" Ipinalibot na ni Ash ang bote para sa susunod na biktima. Unfortunately, sa akin ito tumama. At dahil alam ko na ang mga kalokohan nila ay pipiliin ko ang truth.

"So Sam, what's it gonna be?" Lawrence asked.

"I choose truth."

Ngumisi si Lawrence sakin at dahil katapat ko lang siya, it means siya ang magtatanong. "Okay? If ever na manligaw ako sayo, may pag-asa ba?"

"Yoooown!"

"Ulol mo pare! Galawan ka!"

"Haha meron iyan!"

Napangiti nalang ako sa kanila. Well, Lawrence is handsome at may sariling bussiness na maunlad. He's also a nice guy so I don't see any problem with that.

"Oo naman." Nagsihiyawan ang mga lalaki ang kaso, "But I already like someone so maybe some other time?"

"Awwwww..." Nanghihinayang na sabi nila at tinapik-tapik pa si Lawrence.

"I know. Good luck." Sabi niya sakin na nagpakagat sa labi ko. Alam ni Lawrence? Bakit? Sobrang obvious ko ba?

Inalis ko na muna iyon sa isip ko at pinaikot ang bote. Hindi ko na alam kung sino man ang tinamaan nun dahil nagpaalam akong pupunta ng comfort room. Kakalabas ko lang dito nang may nakita akong babae na nakasandal sa harap ng comfort room. Siya yung babae na kasama ni Calbert.

Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at lumapit sakin. "You're Samantha, right?"

"Bakit?"

"I'll get this straight to the point, leave Calbert alone."

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon