Twenty-Five

111 6 1
                                    

Calbert's POV

Sobrang lapad ng ngiti ko habang nagtatabraho dahil sa pinadala kong bulaklak at chocolates for my baby, Samantha. I know na kaunting tiis na lang at mapapasaakin na siya. Ramdam ko iyon sa pakikitungo niya sakin sa mga nagdaang araw.

I'm already fixing myself dahil ilang oras nalang at uwian na nina Sam. I need to fetch her. Inayos ko na ang mga papeles about the construction of my bakery before getting my car keys and going out of my door. Nagulat nalang ako nang makita si Amy sa labas ng kwarto ko.

"Hi Calbert!" She sweetly smiled at nagtaka ako kung bakit siya nandito. "Hindi mo ko papapasukin?"

"No. I'm going to fetch someone." Sabi ko at umiwas sa kaniya. Pumasok ako sa elevator at ganun din ang ginawa niya.

"Si Samantha ba iyan? You'll not find her there." Napatingin ako sa kaniya na pinaglalaruan ang kaniyang buhok. Tumingin siya sakin na nagtataka. "What?"

"What do you want Amy? I told you to stay away." Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

"Dahil ayaw sakin ni Sam? Ipagpapalit mo ako sa kaniya? Baka nakakalimutan mo ang sinabi ni Calvin."

I breathe out a harsh breathe. How dare she use my brother when he's already gone. Matagal nang putol ang koneksyon nila lalo na nung gabi na hinalikan niya ako sa yate. That was a big mistake. "I didn't forget okay? But you're an adult now and he's gone. I'm no longer connected to you and I don't need to babysit you!"

"So all this time ang tingin mo sakin ay isang bata na dapat bantayan?"

"Because you're acting like you are!"

Bumukas ang elevator at nagmamadaling lumabas ako dito. I know we will just argue about nothing again and I'm tired of it.

"Calbert!" Pagharap ko sa kaniya ay may binato siya na envelope. I look at her, confused. "See for yourself." She said bago lagpasan ako at naunang lumabas sa hotel na tinutuluyan ko ngayon.

I took the envelope with me. Pagdating ko sa pinagtatrabuhan ni Sam ay agad ko siyang hinanap. Masyado pa namang maaga so I waited. But damn, ilang oras na akong nakaupo ay wala parin siya hanggang sa may dalawang babae ang lumapit sakin na halatang kinikilig pa.

"Ikaw si Mr.Samson diba? May hinahanap po ba kayo?" One of the girls asked. Buti nalang at may nakapansin sakin. Maybe because I'm featured in their magazine this month which si Sam pa ang nag-interview sakin.

"Do you know where's Samantha?" I asked nicely na nagpakilig sa kanila and at the same time nagpataka.

"You mean Samantha Laison? Siya po ang nag-interview sa inyo diba? Balita namin pinaalis siya kanina ni boss sa trabaho." The other girl told me and I froze. Natanggal sa trabaho? Why didn't she told me anything?

Nagpasalamat ako sa dalawa at mabilis na umalis. Kinuha ko ang envelope at binuksan ang laman nun and I didn't expect what I would see. I clenched my jaw when I saw the pictures. It was Sam kissing Lawrence. Nakatalikod si Sam but Lawrence is facing the camera kaya kitang-kita ang mukha niya.

Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Sam but Amy's name immediately flashed on my home screen. "What?!" Singhal ko dito.

"I know where she is. Pumunta ka dito." Amy told me the address of the bar and I don't know if I should really believe her pero damn! Bahala na!

Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa bar. Malalaking hakbang na sinulong ko ito at hinanap si Sam. May nakita akong babae na pula ang buhok so I pulled her but Amy's face greeted me instead.

"Ang bilis ah. Andito ka na agad." Nakangisi niyang bati. Medyo magtaka ako kasi kailan pa naging pula ang buhok niya?

"Where is she?"

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon