Seventeen

154 6 0
                                    

Matagal ko siyang tinitigan like she just said something weird and out of this world. That, she really did. Anong sinasabi niya? Pinuntahan niya ako para lang sabihan ng ganiyan?

"Miss I think nagkamali ka ng taong pinuntahan. I'm not-"

"Huwag mo nang itanggi pa." Nagulat ako sa pagputol niya sakin. Her voice sounds harsh. "Alam kong ikaw ang naglalandi sa kaniya habang wala ako. News fly dear."

"Look, kung sino ka man, there's nothing going on between me and Calbert so you should stick out your face while I'm around. In the first place, party namin to and I don't remember we invited someone like you. Pwede kitang patalsikin." Nagtiim ang bagang niya sa sinabi ko. Iyan kasi, edi natamaan ka.

"This is Calbert's yatch."

"Yes, this is his yatch. Ano namang kinalaman mo dun? You're not his wife nor his girlfriend and I've never heard him talk about you or saw a picture of yours in his house. You know what? Back off." Tumalikod na ako at umalis nang biglang sumudsod sa railings ng yatch ang mukha ko. I groan in pain. Tinulak niya ako.

"You bitch! Para kang kung sino umasta when you're just a tourist here! Hindi mo ako kilala!"

"Ano bang problema mo?!"

"You are my problem!"

Hinihila na niya ang buhok ko at pinagkakalmot ng mga daliri niya. Itinulak ko siya at aalis na sana when she caught some strands of my hair. Kahit na sobrang nasasaktan ay pinilit ko siyang harapin at sinipa ng malakas sa tiyan. Napasandal siya sa pader habang hawak ang tiyan niya.

"Tigilan mo ako-"

"What the fuck did you do Sam?!" Napatulala ako sa taong biglang dumating. His eyes are frustratedly looking at me na parang susumbatan niya ako anytime but when she look at the girl with no name ay bigla nalang itong napalitan ng pag-aalala.

Lumapit siya dito at hinaplos-haplos ang braso nito. "Are you okay Amy?"

"Calbert, she hurt me!" Naiiyak na sabi nung Amy at tinuro ako. Calbert look at me at biglang nagtiim ang bagang niya.

So he hates me now? Well I hate him more!

"What did you do Sam?" Tanong niya sakin habang akay-akay sa mga bisig niya si Amy at pinapatahan at hindi ko mapigilang masaktan. I wish I'm the girl in his arms. I wish I was the one he's comforting.

"I didn't do anything. I just defended myself." Walang putol-putol na sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Talaga? Defended? Wala siyang kalaban-laban sayo tapos sinipa mo siya! Kitang-kita ng mga mata ko." Napalunok ako nang sigawan niya ako. Ramdam ko na malapit nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"How can you say that?! Wala ka naman nung oras bago nangyari yun! Siya ang nauna saming dalawa!"

"Amy can't do something like what you're telling me! And it doesn't matter kung sino ang nauna, sinaktan mo siya!" Naninikip ang dibdib ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. It hurts to see him defend another girl.

"Sigurado ka na hindi niya kayang gawin yun? Then you don't know her well! If she can't do something like that then do you think I can?! Hindi mo ako kilala!"

"Which is why na mas paniniwalaan ko siya." He coldly said and it hit me, never akong magiging special sa kaniya gaya nang pagkaspecial niya para sakin. It's a one sided love and I'm a fool for letting myself fell in love with him for just a week.

Napailing nalang ako sa kaniya. "I hate you so much Calbert."

Sabay nang pagtalikod ko ay ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. I've never been hurt like this so much in my entire life. Ang nakakatawa pa ay nasasaktan ako ng dahil lang sa isang lalaki.

Ilang hakbang na ang layo ko sa kanila nang may humila sa braso ko para iharap ako sa kaniya.

"Bitawan mo nga ako! Bakit mo pa ako hinabol?!" Pinaulanan ko siya ng mga suntok at mga hampas para makawala pero hindi yun nangyari. Kitang-kita na niya ngayon ang pag-iyak ko and his eyes shows his guilty.

"Sam I... I..." I glared at him. Kung hindi niya naman pala alam ang sasabihin niya, sana hinayaan niya nalang ako!

Tinapakan ko ang paa niya at napadaing siya sa sakit. He let go of me and I took the chance to go away pero di pa ako nakakalayo ay may bumuhat sakin. He really is persistent pero sa ginagawa niya ay mas lalo akong naguguluhan at nasasaktan.

Ayoko na! Tama na!

"Ano ba?! Just let me go!" Nagwawala kong sigaw sa kaniya.

"No Sam! I won't let you go! I can't let you go!" Pagtatanggi niya na mas nagpahagulhol sakin. Ano ba kasing gusto niyang mangyari? Sobra sobra na akong nasasaktan.

Naglaban kaming dalawa dahil sa kagustuhan kong kumawala. Hindi namin alam na may malakas pala na alon na paparating. Malakas ko siyang siniko sa mukha niya kaya nabitawan niya ako but then, I regret what I did because the moment he let me go, dinuyan ng malaking alon ang yate na kinaroroonan namin and the yatch throw me out to the sea.

Bumulusok sa dagat ang katawan ko at naramdaman ko na bawat parte ng systema ko ay nanigas. My heart missed a beat, my brain tantrum in a panic and my ears hears nothing but white noise. Gulat na gulat ako na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Should I be doing something?

Hindi ako marunong lumangoy. Never akong natutong lumangoy. So is this the end? Mamamatay na ba ako?

Hindi, hindi! There should be something to be done! Mabilis na ginalaw ko ang aking mga paa at kinumpas ang mga kamay ko. Kahit di ko alam kung paano, kahit nahihirapan ako, I should be trying. Bigla akong nakaramdam ng tuwa nang maramdaman ko ang unti-unti kong pag-akyat. For the first time in my life, nasubukan kong lumangoy.

Ang kaso...

Nawawalan na ako ng hininga. I gasp for air but instead, water came running down to my throat. Bigla kong nakalimutang lumangoy. I put my hands around my neck. I'm trying to breath but how can I? Pinapalibutan ako ng tubig. I know I'm going to lose my consciousness any second.

I'm slowly drifting to sleep. Tuluyan nang sumuko ang katawan ko but I know I saw somone reaching for me. Someone's there to save me and I can't help but to hope it's him.

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon