Recorder, check.
Notebook, check.
Pen, check.
Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko. My heart is beating rapidly. I didn't know na nakakakaba pala ang pagi-interview. Siyempre I don't want to mess up lalo na't sikat na businessman ang iinterviewhin ko at sakin nakasalalay ang pangalan ng kumpanya na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko pwedeng ipahiya ang company namin.
May narinig akong bumusina sa labas ng bahay, it must be Jashen. Dali-dali kong niligpit lahat ng gamit ko at nilagay sa bag bago patakbong lumabas sa kwarto.
"Oh anak, hindi ka man lang ba mag-aagahan?" Tanong ni tatay nang maabutan niya ako sa sala.
"Hindi na po tay. Sa labas nalang po ako kakain kasi late narin po kami ng kasama ko." Mabilis na nagmano ako at humalik sa kaniyang pisngi. "Alis na po ako. Pakisabi nalang din po kay nanay ah."
"Sige anak, mag-ingat ka."
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at duon nadatnan si Jashen na naghihintay na sakin.
"Pinaghintay ba kita ng matagal?" Tanong ko habaang pinaagbubuksan niya ako ng pinto.
"Nope. Sakto lang." Umikot siya at sumakay na sa tabi ko bago pinaandar ang sasakyan patungo sa hotel kung saan kasalukuyang tumutuloy ang iinterviewhin ko. "So, okay na lahat ng mga tatanungin mo?"
"Oo naman." Kabado kong sagot sa kaniya.
"He lightly chuckled. "Relax lang okay? Andun naman ako. I'll help you."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya "Thanks Jash. Maaasahan ka talaga."
"So kamusta naman ang iinterviewhin natin?" He asked and I paled. Oo nga pala! May ipinadala si miss Kylene na isang brown envelope sakin na naglalaman ng general information tungkol sa iinterviewhin ko. Kinuha ko iyon at umuwi sa bahay pero...
"Uhh Jash, hindi ko kasi natignan ang general information niya." Gulat na napatingin sakin sandali si Jash pero napatawa din kalaunan. "Napagod kasi talaga ako kahapon sa trabaho. Hindi ko namalayan na nakatulog ako pagkauwi ko sa bahay."
"That's fine, Sam. It's not that necessary." He laughed. Napatitig ako saglit sa mukha niya. I feel bad tuloy dahil mamaya mawawala na ang saya na iyan sa kaniyang mukha.
"Errr... sana nga."
"Tsaka nga pala, can I ask you out?" This time ay ako naman ang nagulat at napatingin sa kaniya. Eto na nga ba ang sinasabi ko, hindi pa ako handa na saktan siya.
"Sige ba Jash." I smiled though nanginginig ang mga kamay ko. Jash is really nice, if there's a much easier way to lessen his pain ay gagawin ko talaga. Pero confrontation lang ang kaya kong gawin. Pero mas mainam narin yun dahil mas matagal na umaasa siya sakin ay mas masasaktan siya.
"Cool." He muttered.
Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive papunta sa destinasyon namin. Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya sa mga mangyayari mamaya. But it's for the better.
We stop by sa isang drive thru para sa breakfast ko bago nagpatuloy. Pinagalitan pa nga ako ni Jash dahil pinapabayaan ko raw ang health ko.
"Andito na tayo." He announced and I look outside the window. Mukhang sobrang yaman talaga ng iinterviewhin ko dahil ang hotel na hinintuan namin ay isa sa mga mamamahaling hotel. Sabagay, businessman nga diba? Tas icocover pa namin sa next issue. Malamang bigatin ang tao nato. "Let's get to work first, Sam."
Sabay kaming bumaba ng kotse niya gayundin pagpasok sa loob ng hotel. Jash offered na siya nalang ang kakausap sa receptionist so I let him. Naiwan ako sa lobby na naglilibot at nagtitingin.
"Sam?" I looked around when someone called my name. Nagulat ako nang makita si Irina at mukhang ganun din siya.
"Irina! Hi!" Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Mukhang hindi parin siya nakakaget over so I snapped in front of her. "Why are you here?"
"Ah ano, business related. Ikaw?" Mukhang gulat talaga siya nang makita ako dahil sa mukha niya.
"Same. Business related din. So pauwi ka na ba?"
"Ah yes. Dinaanan ko lang naman eh. Are you with someone?" She asked and as if on cue ay dumating si Jashen na nagtatakang nakatingin kay Irina.
"Ah Irina, this is Jahsen, katrabaho ko. And Jash, this is Irina, friend ko and classmate nung college." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Nagbatian naman silang dalawa then Irina faced me. "So what exactly is your business here if you don't mind."
"May kailangan lang kaming iinterviewhin para sa next issue ng magazine namin." Nakangiti kong sagot though medyo nagtataka ako dahil nakangisi na siya ngayon.
"Ganun ba? Kilala mo?"
"Hindi nga eh. Nakalimutan kong tignan yung general information niya but it's okay. Hindi naman yun ganun kaimportante." I explained at mas lumapad pa ang ngisi niya. Parang may binulong rin siya pero di ko lang narinig.
"Okay." Her phone beeped in her pocket kaya kinuha niya iyon at tinignan. All of a sudden ay nangunot ang noo niya. "Uhh Sam I think I need to go now. Good luck sa interview niyo okay? Sana may magandang mangyari, bye!"
Mabilis na naglaho siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit but I think there's more to Irina's last message. "Your friend is kind of weird. Anyway, let's go?"
"Let's go." Sumakay na kami ni Jashen sa elevator. Sa di malamang dahilan ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro kinaabahan lang talaga.
Huminto kami sa floor ng rooftop ng hotel kung saan nakalocate ang isa pang pool for VIP's. Hindi ko mapigilang mamangha. Siguradong big time talaga tong businessman nato. Maybe it took him years to have this much money. Baka sa sobrang workaholic at stress ay mataba na ito at panot.
Natawa nalang ako sa iniisip ko habang humahagikhik sa iniimagine kong itsura ng business tycoon na kahaharapin ko. Baka pandak rin ito.
Dumiretso kami ni Jash sa isang mini bar sa gilid ng pool dahil sabi ng isang staff ay duon daw naghihintay si Mr.Businessman. sige parin ako sa pagiimagine ng mukha ni Mr.Businessman nang huminto kami sa isang lalaking nakatalikod.
"Hello sir, we are the interviewers from the magazine and Sue Publishing Corp. Sorry for the wait and for the time we wasted sir. Bibilasan nalang po natin ang interview." Pagpapaumanhin ni Jash sa iinterviewhin namin. Hindi ko ito masyadong makita dahil nasa harapan ko si Jash at ang likod lang niya ang nakikita ko.
We heard him clear his throat at bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. "It's okay. I have plenty of time."
Naunang umupo si Jash sa harapan niya kaya mas kita ko na ang mukha nito. I know that gulat na gulat ang itsura ko ngayon but he isn't. Gulat na gulat ako dahil hindi pala siya mataba, pandak at panot. Higit sa lahat, gulat din ako dahil siya lang naman ang lalaking kinaadikan ng puso ko noong magbakasyon ako.
#BoyHunter
BINABASA MO ANG
Surging Waves
RomanceTAGALOG-ENGLISH Rated /SPG/ For adults eyes only. Samantha Gabrielle Laison just wanted to take a short break from work for a while and be with her friends. Nagplano sila ng isang perfect vacation na ieenjoy nila and she seemed to enjoy it... not un...