Twenty-One

123 5 1
                                    

Siguro ang lunch na nangyari sa pagitan namin ni Jash ang pinaka-awkward moment na nangyari sa tanang buhay ko. Pareho kaming walang masabi at naiilang sa isa't isa. Kung kailan kasi plano ko nang sabihin sa kaniya ang lahat ay doon pa nangialam ang tadhana. I really feel bad about it. Kailangan niya pang malaman sa ganoong paraan.

Pagkatapos ng lunch ay nag-offer sakin si Jash na ihatid ako sa bahay but I decline. He insisted pero sa huli ay pumayag din. I know Jash needs time and space away from me. Mabuti na iyon para mas mabilis siyang makamove-on sakin. Alam ko kasing sa tuwing nakikita niya ako ay mas lalo lang siyang masasaktan.

Naglalakad ngayon ako papunta sa pinakamalapit na loading area. Magcocommute ako pauwi.

Nabigla nalang ako nang bumusina ang isang kotse sa tabi ko. I glare at the owner pero napalitan iyon ng gulat nang ibaba nito ang bintana ng kotse.

"Free ride home?" He offered smiling but his eyes are dark.

Ba't siya andito?

"No thanks Mr.Samson. I can manage alone." Inignora ko siya at nagsimula nang maglakad ulit. Kung ganun ay tama nga ako, siya ang nakita ko sa restaurant kanina. So nakita niya kami ni Jash?

"Miss Laison come on. Ayaw mo ba ng free ride? Di ka pa gagastos." Pag-aaya niya ulit sakin. I can't help but to frown at him but I need to play nicely.

"Hindi na talaga Mr.Samson. Besides, I'll be wasting your precious time." Manigas siya diyan. Ano na naman ba kasi ang pakulo ng gunggong nato? Tsaka natural lang na tumanggi ako kasi napakadelikado kung magsasama kami sa loob ng isang kotse.

"Please drop the formality and please don't be shy Miss Laison. You are much precious than my time."

"Hindi na talaga. Okay lang ako. Kaya ko nang mag-isa." Malamig na tugon ko dito. Ba't di nalang kasi umalis? Alin ba sa sinabi ko ang di niya maintindihan? Kaya ko nga diba?

"Sam nauubos na ang pasensya ko." Halata nga sa boses niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan pa nang matanaw ang loading area.

"Sasakay ka ng kusa o sasakay ka ng sapilitan?" Hindi ko parin siya pinansin. Nag-iba narin ang tono ng boses niya na parang sobrang galit. "Damn it! I'm done playing nice with you Sam! Ba't ka ba lumalayo sakin?"

"Ba't di mo tanungin sarili mo? I didn't ask you to be nice at me so stop!" Singhal ko sa kaniya habang hinihingal na sa paglalakad. Naramdaman kong huminto na ang sasakyan niya. Edi mabuti, huminto rin siya sa wakas.

Sakto pagdating ko sa loading area ay may dumating na jeep kaya mas nagmadali ako. Ilang habang nalang ay makakasakay na ako ng biglang may bumuhat sakin at sinampay ako sa balikat niya.

"Calbert ano ba? Let go of me!" Pinaghahampas ko ang likod niya at pinagsisipa ang mga paa ko but what do you expect from a guy like him? Hindi niya iyon pansin. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?"

"Binubuhat ka." Pamimilosopo niya sakin atsaka ako tinapon sa passenger seat at nilock ang pintuan. Napatanga nalang ako. Nakakainis talaga siya!

"Ibaba mo ako Calbert, isa!" Singhal ko pagkapasok niya sa kotse.

"Dalawa, tatlo, apat, oo marunong ako magbilang."

Asar diba?

"Ibaba mo ako. Kailangan ko nang umuwi!"

"Iuuwi naman kita." Sagot niya na parang wala siyang katabi na nagagalit.

Padabog na sumandal nalang ako sa upuan. Wala akong choice kundi ang manahimik. I can't win against a guy like him na dinaig pa si pilosopo tasyo. Ang ginugulo lang ng isip ko ay kung bakit biglaan ang pagsulpot niya? Bakit niya ako hinahabol?

Bumabalik na naman tuloy ang confusion at hinanakit sa puso ko. Naalala ko yung araw na nagising ako sa hospital pagkatapos ng aksidente. Masaya akong nagising nang makita ang pamilya at mga kaibigan ko naruruon pero napansin kong may kulang. Hinanap ko ang presensya niya.

Umasa kasi ako na naroroon siya. Umasa ako na hinihintay niya akong magising. Umasa ako na mahalaga para sa kaniya ang mga pinagsamahan namin. Umasa ako na espesyal din pala ako para sa kaniya. Umasa lang pala ako sa wala.

I can't help to cry everytime I remember our memories. Ang lahat nang yun ay wala lang sa kaniya.

"Damn Sam! Are you crying?" I feel panic in his voice. Naramdaman kong inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.

Shit naman! Bakit sa lahat ng oras ay ngayon ko pa iyon naalala? Ba't ngayon pa ako umiyak? Ayokong makita niya akong ganito. Hindi pwedeng makita niya ako sa ganitong estado.

"Sam..." He called at hinigit ako sa kaniyang dibdib para yakapin nang mahigpit. He started to comfort me pero mas napahagulhol lang ako ng iyak. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ng isang Calbert Samson pero alam kong panandalian lang to.

"Sam, I just want the two of us to talk. I just want to clear everything." Itinulak ko siya nang malakas papalayo sakin.

"Hindi mo kailangang ipamukha sa'kin Calbert. Alam kong may Amy ka na kaya pwede ba? Pakiusap, mo na akong saktan."

"Bakit ka ba nasasaktan Sam? Ano ba ako sayo?" Nanghihinang tumingin ako sa kaniya at napailing. Handa na ba ako? Handa na ba akong umamin na mahal ko siya?

"Ikaw? Ano ba ako sa'yo Calbert?" Mahinang tanong ko sa kaniya. The answer is so obvious. Isang pampatanggal boredom lang ako at fling ng isang linggo. Pero gusto kong manggaling iyon mismo sa bibig niya.

"I'm a filthy man Sam. I maybe a billionaire and a respectable businessman but I don't deserve that respect. I treat girls as tools to satisfy and pleasure me and never interact with them after. They are my plaything and they are willing to be one for me. They want my riches, I want their body." Umiling-iling ako at tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. "Listen to me Sam!"

"Ayoko!"

"I don't give a damn about them as long as they pleasure me but you came okay? You seduce me and I played your game. We both played thinking it was you to be the first one to be seduced but I fell for it first. Fuck me I got attached to a girl I've been with for just a week! Fuck me I fell in love with you!"

Nabigla ako sa rebelasyon na pinakawalan ni Calbert. I stared at him wide eyed. I can't believe it, he did just said he loves me!

"Really? You're saying that now? Wala na akong maibibigay sa'yo kaya tigil-tigilan mo ako sa kasinungalingan mo." Naiiling na sabi ko sa kaniya. He caught my hand and hold it tightly.

"I'm not lying Sam. I really love you and I know I made a mistake for letting you go. Alam kong hindi mo parin ako napapatawad sa nangyari at alam kong gusto mo kong ipagtabuyan pero Sam, I will give you time to see how much I'm in love with you. I will court you Sam. I will take the risk." A lone tear fell from his eye hanggang sa sunod-sunod na itong bumagsak sa mukha niya.

Parang mababaliw ako ngayon sa nangyayari. It's too overwhwelming. Napaiyak ko ang isang Calbert Samson sa harap ko. Kung alam mo lang Calbert, matagal na kitang pinatawad. Pero hindi ko alam kung kaya kong sumugal ulit. Mahal kita pero natatakot ako.

"I don't care if kayo na ng lalaki na'yon. I will make you mine Samantha. You're only mine."

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon