I woke up with all the white things greeting me all round the room. Nasa hospital ba ako? Then I remembered, nahimatay nga pala ako habang kasama ko si Calbert kanina.
Napunta sa pintuan ang attensyon ko nang bumukas ito. Bumungad sakin ang maaliwalas na mukha ni Calbert kasama ang isang lalaki na may suot na lab coat, he must be a doctor.
"Misis," nangunot ang noo ko when the doctor called me misis. I look at Calbert and he just shrugged his shoulders. "You need to take your vitamins daily. I hope umiinom nga po kayo. You have to also take care not just your physical but also your sipiritual and mental health-"
"Wait lang doc? Bakit po ba ako nahimatay in the first place?" Tanong ko sa doctor at nakita ko namang mas lumawak ang ngiti ni Calbert sa gilid ko.
"Misis inatake po kayo ng red flash." Sagot ng doctor kaya nagsimula akong mag-alala. Red flash? Ano iyon?
"Red flash po doc? Ano pong klaseng sakit iyan? Malala po ba iyan? Sobrang delikado ba?" Natatakot kong tanong. Hindi ko mapigilang mag-alala lalo na't wala kaming panggastos nina nanay at tatay dahil nga nawalan na ako ng trabaho. Ayoko namang humingi kay Calbert.
Nagkatinginan muna si Calbert at ang doctor bago bumaling sakin si doc na may malapad at makahulugan na ngiti. "Misis, ang red flash po ay nangyayari tuwing first and second semester ng pagdadalang tao ng isang babae. Congratulations po misis. You are going to be a mommy."
I look at Calbert na naluluha. He smiled at me before caging my hands with his. Hinagod niya lang ang likod ko all throughout sa explanation at advice ng doctor dahil iyak ako ng iyak.
"Baby tahan na. Sige ka, malulungkot din si junior natin." Sabi niya sabay halik sa noo ko nang umalis na ang doctor.
"I'm pregnant Calbert and I don't have a job! Paano to?" Siniil niya ako ng halik at tinitigan ako ng mariin.
"Alangan naman na magtrabaho ka habang buntis ka diba? I would never let that happen you know." Malambing niyang sabi sakin.
"But Calbert, wala akong pinanghahawakan sayo!"
"Pinanghahawakan na ano? I love you Sam, isn't that enough?"
Napayuko ako. "Pero di ko alam kung ano ba tayo." Mahina kong sabi habang naluluha parin. Wala kaming label ni Calbert. Hindi ko alam kung ano ba kami.
I heard him sigh and I felt the bed shifted. Maybe he got tired and realize something from this. Siguro naisip niya na mas bagay sa kaniya si Amy lalo na't pareho silang mayaman. Mas napahagulhol ako dahil dito. Ang sakit, hindi ko kaya na wala siya.
"Sam," Tawag niya sakin pero di ko siya pinansin. Natatakot akong tumingin sa mga mata niya. "Sam look at me." Umiling-iling ako.
"Oh her eyes, her eyes makes the stars look like they're not shining.
Her hair, heir falls perfectly without her trying.
She's so beautiful and I tell her everyday."Napaangat ako ng tingin dahil sa kanta niya at duon nakitang nakaluhod siya sa harapan ko. "Wala ka sa tono." Sabi ko sa kaniya habang umiiyak parin samantalang tumawa lang siya sa sinabi ko.
"You give me no choice so I have to do it." Nagtaka ako bigla sa sinabi niya. What is he saying? Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakaluhod parin. "When I see your face Sam, there's not a thing that I would change. Because Sam, you are amazing just the way you are. Oo, chorus yun ng kanta ni Bruno Mars na kinanta ko rin kanina because I'm not prepared for this moment. Ikaw kasi eh, kung sinagot mo na ako dati pa edi sana matagal na tayong natali. Kidding aside, you know I love you so much and that I'm willing to wait. But since Calbert junior is here, I will take responsibility. Alam kong sobra kong gago noon but you came and changed me."
He take a pause and sighed. "I'm a surfer Sam and I know how to play with waves, but you are a different kind of wave because you took control of my surf board. You took control of my life. Will you take control of my life forever? Will you marry me Samantha Gabrielle Laison?"
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nangyayari ngayon. The love of my life just proposed. Nasa hospital kami at alam kong sobrang epic but the words he said is more than enough to make everything romantic.
Pero gago siya ah, anong Calbert junior?! Babae gusto ko!
Matagal akong umiyak at di makasagot kaya medyo nag-alala na siya sa isasagot ko. Silly, mahal ko nga siya diba?
"Alam kong this is not romantic pero huwag kang mag-alala dahil may second proposal pa and I promise you na babawi talaga ako." He started blabbering in a panic. Hindi ko mapigilang matawa sa isip ko.
"I love you so much Calbert. Yes, I will marry you." Natulala siya sa mukha ilang saglit bago napahilamos sa kaniyang mukha.
"Sam baby thank you! Thank you!" Umikot-ikot siya sa loob ng kwarto na parang di mapakali at paulit-ulit akong pinasalamatan. He went to me and shower my face with his kisses. "I'm so in love with you Sam. I love you."
"I love you more Calbert." Buo na ang desisyon ko. I am willing to spend the rest of my life with him at alam kong wala akong pagsisisihan because this guy proved everything to me already and I love him just like that.
#EndOfHunt
BINABASA MO ANG
Surging Waves
RomanceTAGALOG-ENGLISH Rated /SPG/ For adults eyes only. Samantha Gabrielle Laison just wanted to take a short break from work for a while and be with her friends. Nagplano sila ng isang perfect vacation na ieenjoy nila and she seemed to enjoy it... not un...