Seven

199 5 0
                                    

Nagising ako sa humihilik na tunog ni Juris. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa mukha ko. Tinignan ko siya, nakahilata at nakanganga ito na mukhang sarap na sarap sa tulog. Napailing nalang ako at umalis ng kama.

Hindi ko pala namalayan kagabing umuwi na sila. Kung bakit ba kasi biglang naglaho ang tatlo. Ayan tuloy, napaaga ang uwi ko tapos nakita ko pa ang ginawa ni Calbert kagabi. Umasim ang mukha ko sa naalala at iwinaski ito sa isip.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ng kusina. In fairness, hindi halatang may naglaplapan dito kagabi. Ay letse, ayoko na ngang maalala eh.

Naghanap ako ng easy to cook na pagkain pero wala akong nakita. Nagpasya nalang ako na sa labas kumain. Nasa pinakababa na ako ng stairway nang biglang tumambad sa'kin ang mukha ni Calbert.

"Good morning." Napalunok ako nang makita na topless lang ito at tanging apron ang suot-suot. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya at nakangisi na siya. Umirap nalang ako sa kawalan at lalampasan sana siya nang  humarang siya sa dadaanan ko.

"Ang aga-aga, saan ka pupunta?" Sabi ulit niya sabay sandal at halukipkip.

"Kakain sa labas." Sabi ko at nameywang sa kaniyang harapan.

"Hindi na kailangan. Nagluto na ako." Umalis na siya sa harap ko at tumungo sa kusina pero huminto siya sa pintuan at hinintay ako. "Halika na."

Kahit inis ako sa kaniya ay sumama nalang ako. Ayoko rin namang gumasta ng marami dahil bibili pa ako ng pasalubong para kina nanay at tatay. Mas mabuti na kung libre.

Agad akong umupo sa lamesa na maraming nakahandang pagkain. Nilagyan ako ni Calbert ng egg sandwich at muffins sa pinggan pagkaupo ko. Psh, pagentleman ang unggoy eh nakita ko naman iyan kagabing may kinakalanting babae. Bwiset na Calbert Samson.

"American breakfast?" Tanong ko dito.

"Yup. I hope okay lang." Sagot naman niya habang umupo sa harapan ko at ipinaghain din ang sarili niya.

"Okay lang. Cool nga eh." Sumubo na ako at in fairness, panghigh class ang lasa.

"Hello peeps─ goodie goodie gosh." Lumapit samin si Juris na halatang kakagising lang. Tumingin siya mula sakin papunta kay Calbert. Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagdedate ata kayo eh. Sige, alis nalang ako."

Tatawagin ko pa sana siya pero mabilis siyang naglaho. Ang bilis naman niya. Siguradong itsitsismis niya to sa dalawa. Napatingin naman ako kay Calbert when he chuckled.

"Anong tinatawa mo?"

"Nothing. Mabuti sana kung nagdedate nga tayo eh." May kung anong sumikdo sa puso ko. Pero hindi, inis ako sa kaniya dahil sa nakita kong nangyari kagabi. Psh, tulad lang siya ng ibang lalaki. "Magdate kaya tayo mamaya?"

Napahinto ako sa pagkain at tumitig lang sa kaniya. Agad naman akong nakabawi at binilisan ang bawat subo ko ng pagkain. I drank the water beside me so fast. Pinigilan naman niya ako. "Hey! Slow down!"

"Date mo mukha mo unggoy!" Sigaw ko dito. Binato ko pa ang isang table napkin sa mukha niya.

"Ba't ayaw mong makipag-date sakin? Gwapo naman ako ah?"

"Tse!" Sumubo ako ng malaki sa muffin at inirapan siya. Tumawa naman siya sa ginawa ko. "O-oy! Anong ginagawa mo?!"

Patuloy niya paring hinubad ang apron niya at ngumingising tumingin sakin. Topless na siya ngayon sa harapan ko at hindi ko mapigilang mapalunok sa nakikita kong mga pandesal. Akala ko ba american breakfast? Ba't may pandesal?

Napamura nalang ako sa naiisip ko. Naiinis na ako. Akala ko ba ay iseseduce ko siya pero ba't ako pa ang naseseduce?

"Like what you see?"

"Tse!" Tumayo na ako sa hapag at nagmamadaling umalis kahit na hindi pa ako tapos kumain. Feel ko kasi ay nabusog ako sa nakita kong pandesal─ wala! Walang pandesal!

I locked the door behind me once I entered Juris' and my room. Mabilis na tumungo ako sa closet at inilabas ang isang bikini. Humanda ka talaga sa'kin Calbert. Pinainit mo ang ulo ko kaya paiinitin din kita.

Dali-daling pumasok ako sa banyo at sinuot ang pinakadaring na bikini na meron ako. I instantly grab a towel and went to the pool. Saktong pagbaba ko ay nakasalubong ko siya sa pintuan palabas papuntang pool area. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy.

Ramdam kong sinusundan niya ako ng tingin kaya nanayo ang balahibo ko sa batok pero di ko ito pinansin at nagderetso lang sa paglakad. Pagdating sa gilid ng pool ay agad kong hinubad ang robe na tinatago ang aking katawan. I let down my long, wavy, red hair na nakapusod kanina.  I smirk. Let's see kung hanggang saan ang kaya mo.

Lumusong na ako sa pool at nagsimulang lumangoy. Nakailang laps narin ako, I mean, langoy-langoy at sisid-sisid lang kasi di naman ako marunong lumangoy diba? Naiinip na ako kung bakit hindi parin sumusunod si Calbert. Nakakaasar ah.

Hindi ba siya naaakit sakin? Am I not that pretty? Parang nung isang araw lang eh sinusuyo niya ako. What happened now? Sobrang galing ba noong babae na kaniig niya kagabi?

Umahon ako at tumingin sa doorway. There's nobody there. Great. So I'm doing this for nothing at all. Walang kwenta.

Lumangoy nalang ako patungo sa gilid ng pool nang biglang may yumakap sa likod ko kaya napatili ako.

"Damn you! Kinabahan ako dun! Baliw ka ba?" Imbis na sagutin ako ay tumawa lang siya ng sobra. Hinampas ko siya sa dibdib and damn, it's body is sculpted perfectly to perfection. Wala bang flaw sa katawan ang lalaking to?

"Pretty, kung alam mo lang." Sabi niya na medyo natatawa parin. Kumawala siya sa pagkakayakap sa'kin na pinanghinayangan ko ng kaunti. Teka, wala akong sinabi ah? Akala ko ay paaalisin na niya ako but he suddenly turned me around and snake his arms on my hips. "Baby you're such a tease. Alam mo bang matagal na akong nagpipigil sa'yo?"

Napalunok nalang ako at biglang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Eto na ba 'yun? Mawawala na ba ang virginity ko?

"U-unggoy ka." Nauutal kong sabi na ikinatawa niya. Walang ano-anong sinunggaban niya ang mga labi ko and I scream inside my mind.

For God's sake! This is our second kiss already!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nag-iinit narin ako dahil sa kamay niyang hinihimas ang mga dibdib ko at sa mga halik na binibigay niya sa'kin. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nadadala. I return his kisses with the same intensity. Bumaba ang kaniyang mga labi sa leeg ko.

"Hey! That hurts!" Angal ko when he bite me somewhere in my neck. Ngumiti lang siya sa leeg ko at pinagpatuloy ang ginagawa niya. This guy is really enjoying it.

"Sinungaling ka rin pala Juris?"

"Hindi nga sabi eh! Nagdedate nga yung dalawa!"

"Ba't wala sila rito?"

Napahinto kami ni Calbert at napatingin sa isa't isa. Bigla akong pinamulahaan at yumuko. Tumawa lang siya at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"As much as I want to take you right here, I have to stop myself. Don't worry, I'll find a way." Mabilis siyang lumayo at umahon sa pool samantalang ako ay naiwang wala sa wisyo.

This seduction plan is really not cool at all.

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon