Twenty-Three

118 6 2
                                    

Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang isang malaking bar ng Hershey's White Chocolate at bouquet ng pink roses. Pero ang pinagbubuntong hiningahan ko talaga ay ang mga mapanuksong tingin at mga tukso ng mga kaoffice mates ko sakin.

"Uy Sam, this has been going on for days pero di mo parin sinasabi kung sino ang lalaki sa likod niyan."

"Oo nga Sam. Pakilala mo na kasi. Gwapo ba talaga iyon at ayaw mong maagaw?"

"Oo nga, huwag kang mag-alala, kahit friends niya lang okay na kami. Basta ba gwapo."

"Si Sam pasikreto-sikreto na ngayon."

I ignore them and took a seat on my workplace. Ilang araw narin simula nang huli naming pag-uusap ni Calbert. Pagkatapos nun ay nagulat nalang ako when he started to send me these things. Sabi niya para raw mafeel ko ang presence niya kahit wala siya sa tabi ko.

Busy raw kasi siya sa pag-aasikaso ng pinapatayo niyang new branch ng bakery niya. But then, he always finds time para ihatid sundo ako sa bahay at trabaho. And yeah, my parents know about us already except sa accident part.

Inaamin ko na sa bawat araw na lumilipas ay lumalambot ng sobra ang puso ko sa mga ginagawa niya. He's really persisent kaya ang hirap na pigilan ang sarili ko na mafall pa lalo sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na kaunti nalang at tatanggapin ko siya ulit sa buhay ko.

Break time at nagdecide akong magtimpla ng kape. Bigla nalang akong natuod ng makasalubong ko si Jashen at parang ganoon din siya nang makita niya ako. I smile at him and he did too pero mabilis din siyang umiwas at umalis. I sighed. Ilang araw narin na palaging ganito ang scenario sa pagitan naming dalawa ni Jash. Pero okay lang, para sa lahat din naman 'to.

Kakatapos ko lang sa pag-inom ng kape ko nang may nag-approach sakin na co-worker. "Pinapatawag ka ng head natin Sam."

"Oh sige. Pupuntahan ko nalang." Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Masama ang kutob ko dito. Why on earth would our Head call me all of a sudden?

Mabilis na nag-ayos ako at tumungo sa office ng head namin which is three floors higher mula sa floor na pinagtatrabahuan ko. I think this is the third time na makakarating ako dito. Una nang naga-apply palang ako, ikalawa nung tour and orientation nang natanggap na ako at ngayon ang ikatlo. Kumatok muna ako bago pumasok sa office at duon ko nakitang nakaabang ang head namin.

"Good morning po sir. May kailangan po ba kayo sakin?" Magalang na tanong ko sa kaniya. He only looked at me for a second before he finally cleared his throat.

"You are Miss Laison right? Come here and sit." Itinuro niya ang bakanteng upuan sa tapat ng kaniyang table. I went there and made myself comfortable.

"Is there any concerns sir?" Tanong ko ulit.

"According kay miss Kylene Bibanco, you are an excellent worker. Our company is in the notch of reaching something higher because of this proposed project by an ally company. But the shortage of money to be put in the project is a problem."

"Excuse me sir but what does it have to do with me here?" Nagtataka kong tanong. I don't care about his bussiness dahil wala akong alam kung paano ba nila pinapalakad ito. Editor lang naman kasi ako.

"Good question. Malaki lang naman ang magagawa mo rito. I'm not suppose to tell you this but the Sue Publishing Corp will merge with the Liberty Paper Company next month. They are a big company so I'm sure you have heard of them already."

Who wouldn't know about that company? Sa totoo lang ay wala talaga akong alam sa existence ng company na iyan not until nainvolve ako kay Calbert. Why so? Liberty Paper Company is managed by Amelyn. Yes, the Amy I've gotten into a cat fight.

"Sir, deretsuhin niyo na po ako. Bakit niyo ako pinatawag?" Nanginginig kong wika. Alam kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin ng head pero gusto kong wala nang paligoy-ligoy pa.

"As what I've said, magme-merge na kami ng Liberty Paper Company as one group. Iisang kumpanya nalang. And because of that, we will be firing some employees and you are one of the chosen. I'm sorry to deliver this bad news to you miss Laison." Bigla akong nambingi sa sinabi ng head.

"But I've been working here for years sir. Matino ako magtrabaho. Please keep me sir." I pleaded. Nagsimula na akong kabahan ng todo.

Paano na ang pamilya ko? Saan ako kukuha ng puhunan?

"I know miss Laison but this is necessary." Umiwas sakin ng tingin si head and I know it is useless to fight back. "Pack your things now and go."

Nagtataka ang mga katrabaho ko habang naluluha na kinukuha ko ang mga gamit ko. Tinatanong nila kung ayos lang ako, kung bakit ako nagliligpit, kung ano raw ba ang nangyari pero ang isip ko kasi ay nasa ibang dimensyon. I am thinking how can I find another job and how can I get money pansustento sa bahay. It's like I'm back to the start.

Paglabas ko ay nakita ko ang makulimlim na langit. Nakikisabay pa talaga sa nararamdaman ko ang langit. Narealize ko na parang baliw ako na nakatanga sa langit kaya nag-umpisa na akong humakbang.

Hindi pa man ako nakakarating sa sakayan ng taxi nang may huminto na sasakyan mismo sa harap ko. Iiwas na sana ako nang may bumaba sa sasakyan na babae na pula ang buhok tulad ko. Hindi ko pa ito nakilala dahil nakasuot ito ng shades but the moment she took it off, napahigpit ang hawak ko sa box na bitbit ko.

"Oh hi there!" Bati niya sakin. Para siyang kontrabida dahil sa pulang-pula na lipstick niya. Ang sarap punitin ng labi niya. "Working hours ngayon ah. Why are you out here? Kung ako ang boss mo malamang ay pinatalsik na kita."

"No need. I'm out of this place anyway." Naiinis kong tinignan siya dahil sa pula niyang buhok. Ano siya? Gaya-gaya sakin?

"Oh? So pinatalsik ka na? Then good. Ayoko kasi sa empleyadong tulad mo once na ako na ang may hawak ng kumpanyang ito." Nandilim ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang gusto kong ihampas sa mukha niya ang box na hawak ko.

"Are you admitting na ikaw ang may dahilan kung bakit ako pinaalis sa trabaho ko?" Galit na tanong ko sa kaniya.

"Malay ko ba. Do you have any proof?" I glare at her at parang mas nagustuhan niya pa ang reaksyon ko. "I need to go now. May important meeting pa ako eh and I don't want to waste my time on you."

Pakendeng-kendeng siyang naglakad papaalis sa harapan ko. Tinanaw ko siya hanggang sa makapasok siya sa building ng dating pinagtatrabahuan ko.

Pagdating sa bahay ay nagtaka sina nanay at tatay sa itsura ko na nanlulumo. They tried to make a joke when they asked me what's the problem. Imbis na sabihin sa kanila ang problema ay napahagulhol nalang ako sa kanila. It took me minutes to stop from crying at sabihin sa kanila ang problema.

"Tahan na Sam. We will help you to find a new job okay?" Pag-aalo sakin ni Juris. Lumapit din sakin si Ashley at niyakap ako.

I called the girls about what happened kaya naririto sila. Irina is not aroud dahil out of reach siya kanina but I think that's fine dahil alam kong sasabihin niya lang kay Calbert ang tungkol dito. I don't want to be a burden to him. Alam ko kasing proproblemahin niya ako.

"That Amy witch! Anong gusto mong gawin natin sa kaniya? Kalbuhin kaya natin?" Nagagalit na sabi ni Ashley.

"Huwag na Ashley. It's karma's work to do its thing." Though sa isip ko ay maganda ang sinabi ni Ashley. Tsk, nagpakulay pa talaga ng buhok na tulad sakin. Natulala ako saglit sa kalawakan bago tumingin pabalik sa kanila. "Tsaka, we're not sure kung siya nga ba talaga ang dahilan nang pagkawala ng trabaho ko kaya hayaan mo na."

Humanda ka talaga sakin Amelyn pag nalaman ko na ikaw ang dahilan kung bakit wala na akong trabaho. Lintik lang ang walang ganti.

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon