Twenty-Two

139 5 1
                                    

Tinotoo nga niya ang sinabi niya na iuuwi ako sa bahay. Medyo nagtaka pa ako kung paano niya nalaman ang address kung saan ako nakatira but I remebered that he is Calbert Samson, mayaman at kayang magwaldas ng pera para pambayad sa isang impormasyon. Walang tanong-tanong ang mga guard sa kaniya sa Zacharias Subdivision, basta nalang siya pinapasok.

Wala siyang sinabi nung umalis siya. Basta-basta nalang niyang pinaharurot ang sasakyan niya papaalis. Mabuti narin iyon dahil as of now ay naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Masakit umasa at ayokong umasa.

Pasado alas dose ako nakatulog kagabi dahil sa trabaho at siyempre dahil sa mga sinabi ng damuho na lalaki nayun kahapon. Kaya nga inis na inis ngayon akong bumangon sa kama dahil panay ang tawanan ni nanay at tatay sa baba. May bisita ba?

Pumasok nalang ako sa banyo at naligo. Kailangan ko paring bumalik sa trabaho dahil urgent daw ang paglabas ng magazine namin ngayon kaya cramming kami ng sobra. Isa pa, ayokong isipin ang lalaking iyon kaya magpapaka-busy ako.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ay dumiretso na ako sa baba at tumungo sa kusina. Nadaanan ko pa sina nanay at tatay na inientertain ang bisita namin pero di ko nakita kung sino. Nagmamadali kasi ako dahil late na ako. Palagi pa naman akong napapagalitan dahil sa consistency ng pagkalate ko nato lalo na ni Ashley.

"Uy nak, gwapo ang bisita natin." Napatitig ako kay nanay nang umakto itong nakikilig. Ngeee, ang feeling teenager naman ni nanay. "Dahan-dahan ka nga sa pagkain mo!"

"Oh ano ngayon? Late na po kasi ako sa trabaho." Sabi ko habang lamon ng lamon.

"Naku namang bata ka. Mabulunan ka pa. Mabuti narin siguro pag natapos ni pogi sa pagpapatayo ang bakery niya para naman dumaan ka nalang doon at bumili ng agahan papuntang trabaho." Napaubo ako nang biglang mabulunan sa sinabi ni nanay. "Susko maryosep kang bata ka! Sabing dahan-dahan lang eh!"

"Nay, yung sinasabi niyong pogi na nagpapatayo ng bakery. Siya po ba ang bisita natin?" Pagtatanong ko kay nanay.

"Ay oo nak! Sa kaniya pa nga galing ang mga tinapay na iyan na kinakain mo eh! Sabi niya sample daw ng bakery niya." Nakangiti at natutuwang kuwento sakin ni nanay samantalang ako ay di malaman kung ano ang gagawin.

Shit na malagket! Totoo nga ang sinabi niya. Magpapatayo nga siya ng bakery dito sa'min tapos nagpapa-fc na siya kina nanay at tatay!

"Oh nak, hindi ka na kakain?" Sunod-sunod na umiling ako kay nanay at hinakot lahat ng gamit ko.

"Aalis na po talaga ako nay. Late na talaga ako eh..." Pagpapalam ko sa kaniya.

"Nak! Backdoor ang pinupuntahan mo. Nandun sa sala ang pintuan." Napamura ako sa isip ko nang mapansin iyon ni nanay. Si nanay naman kasi, plano ko talagang dito dumaan eh!

"Ah ano nay, dito na po ako dadaan kasi may naiwan akong importanteng gamit sa likod ng bahay nung isang araw." Pagdadahilan ko kay nanay. Tumingin naman siya sakin ng nagtataka pero tumango din.

"Oh sige." Sabi niya kaya mabilis na akong umariba papalabas pero bago iyon ay narinig ko pa siyang nagsalita. "Sayang naman at di kayo magkakakilala ni pogi. Di bale at may next time pa!"

Hay na'ko nay. Kung alam mo lang, nakasama ko na ang lalaking iyan sa bahay niya. Pati na sa kama!

Napabatok ako sa sarili ko nang dahil sa naisip ko na iyon. Kita niyo na ang influence ng gunggong na lalaking iyon? Pati ako ay nahawaan na ng pagiging manyakis niya!

"Trying to escape me?" Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng lalaking kanina ko pa minumura sa isip ko.

"Ano namang ginagawa mo diyan ah!" Pasigaw na tanong ko nang makita siya na nakatayo na sa labas ng bakuran ng bahay namin.

"Is it that time of the month?" He smile at me. Yung putek na ngiti na delikado. Pero hindi ko period. Inis lang ako sa kaniya. "I'm waiting for you obviously. Ihahatid kita sa trabaho mo."

"Kausap mo si tatay sa loob diba?" Pagsusungit ko.

"So you're aware. Balak mo ba kong takasan?"

"Buti alam mo." I rolled my eyes at him and started to walk fast. Gagawin ko talaga lahat para iwasan ang lalaking iyan.

"Kapag nanlaban ka, gagawin ko ulit ang ginawa ko sayo kahapon." Mabilis na napaU-turn ako sa sinabi niya at naghintay na pagbuksan niya ako ng kotse.

"Good girl." Sabi niya sakin sabay gulo ng buhok ko na parang nang-iinis.

Nakabusangot lang ako habang nagda-drive siya samantalang malaki ang ngisi ng damuho. He seemed to enjoy what's happening.

"Smile baby." He suddenly said. I felt my heart skipped a beat when he called me baby. It's been so long since the last time na tinawag niya ako sa endearment na iyon.

"Umamin ka nga. Ilang babae na ang natawag mong baby?" I glared at him kahit na sa daan lang ang kaniyang tingin.

"Why? Jealous?"

Ano daw?

"Anong jealous? Gusto mong makatikim ng sapak ha? Sabihan mo lang ako makakatanggap ka nang free taste."

"Pwedeng kiss nalang?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pinaghahampas sa braso. Siyempre wala lang iyon sa kaniya at tatawa-tawa pa. "I'm kidding Sam baby. I just want you to smile."

"Ano ba kasing ginagawa mo sa bahay at maaga ka pa sa tilaok ng manok?" Tanong ko sa kaniya when I finally stopped myself sa pagkagigil.

"Wala lang." He simply responded.

"Anong wala lang. Umayos ka nga!" Singhal ko ulit sa kaniya. Napipikon nako sa gunggong na'to!

"When did you become fierce baby? Pero yung totoo, namanhikan ako." Nanlaki ulit ang mga mata ko and this time ay hindi ko na siya tinigilan sa paghampas. "Sam I'm driving!"

"Anong namanhikan? Gago ka ba? Walang tayo!"

"Doon din naman tuloy natin ah?" He sheepishly smiled and once again ay pinatamaan ko siya ng mga hampas.

"Tigilan mo ko!"

"Ayoko nga." Natigil ako nang sumeryoso na ang pananalita niya. This man in front of me gives me confusion all the time, but that is something I love about him too. "Didn't I told you? I'll do everything to make you mine. That guy you are with yesterday is nothing better than me. Inunahan ko lang siya sa pamamanhikan."

Namula ako sa mga sinabi niya. Mahal ko siya at alam kong dahil sa mga ginagawa niya ay mas napapadali ang pagpapatawad ko. But he said he will do everything to get me, let's see how far can you get.

He took my hand and give a featherly kiss on it. "I love you Sam baby. Trust me this time."

#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon