Ten

179 5 2
                                    

"Oh no girl," nag-aalalang sabi ni Juris habang sapo-sapo ang noo ko. Kanina pa niya ako kinakausap at kanina pa ako hindi makasagot sa kaniya ng maayos dahil mabigat ang pakiramdam ko. "You have fever."

Deep inside ay medyo nainis ako. Bad timing kasi itong lagnat nato eh. Sana naman ay pinatapos niya ang bakasyon namin. Bakit kasi ngayon pa of all times?

Walang ano-ano ay pumasok si Ashley at si Irina sa kwarto namin. Nagulat sila nang makita na hindi pa kami bihis.

"Hey girls, ba't di pa kayo ready?" Nakapikit ang mga mata ko pero alam kong si Irina iyon.

"Girls, may lagnat si Sam." Pagiinform ni Juris sa kanila na hindi parin umaalis sa gilid ko.

"No way." Sabi ni Ashley. Naramdaman kong gumalaw ang kama na parang may umupo dito at isang kamay na dumapo sa noo ko. "She's hot. Maybe dahil sa ulan kahapon."

"Oo nga pala, madali palang magkasakit si Sam. Naku Sam, we're sorry." Pagsosorry naman ni Irina. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang mga nag-aalalang tingin nila sakin. I smile at them.

"It's fine. Nag-enjoy pa nga akong maligo sa ulan eh. Minsan lang kaya tayo magkasama." Pagpapagaan ko sa loob nilang tatlo.

"It's not fine. Hindi ka tuloy makakasama sa outing natin ngayon." Giit ni Ash.

"Eto nalang, no one's going out. We will take care of you." Irina declared at nagsitanguan naman ang lahat. Nahiya naman ako dahil hindi matutuloy ang outing dahil lang sa nagkasakit ako.

"Listen girls, lagnat lang 'to okay? I don't want to ruin this trip just because I'm sick. Since hindi ako makakasama, just do me a favor. You should go okay? Bilhan nyo nalang ako ng food para may kwenta ang pag-alis nyo." The three rolled their eyes at me pero tumawa din.

"How about you?" Nag-aalala paring tanong ni Juris.

"Dito lang ako. As if naman na pupunta ako sa kung saan."

Nagtalo pa kami kung dapat ba silang umalis o hindi pero napilit ko ring paalisin sila. May nakalaan kasi kaming activities everyday for our trip at ayokong may mamiss sila. Kahit wala ako ay okay lang. There's always a next time.

Eto ngayon ako sa kwarto at naglalaro ng candy crush. Ilang minuto narin nakaalis ang tres marias at nabored ako kaagad. Wala kasi akong magawa eh. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya aalis na sana ako sa kama ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. I panic.

Mabilis na kinuha ko ang lampshade sa gilid at pumwestong ibabato ito sa taong papasok. Syempre sino ba naman ang matitira dito dahil ako lang mag-isa diba? Bukod saming apat ay wala ng tao-

"Hi Sam." Nagpakita sakin ang mukha ng isang gwapong nilalang. Nakaapron lang ito at topless. Kung mainit na kanina ang pakiramdam ko, pwes, mas mainit ngayon. "I brought you breakfast."

Oo nga pala, ang tanga kong isipin na wala ng ibang tao dito bukod saming apat eh bahay nga pala ito ng pinsan ni Irina. Ang bobo ko naman. At teka? Bakit naman niya naisipiang dalhan ako ng breakfast?

"Ba't mo ko dinalhan niyan?" Tanong ko sabay baba ng lampshade  na kunwari inaayos lang ito. Inilapag naman niya ang tray sa side table ng kama at inusog ito sa gilid ko na sakto lang para maabot ko.

"Ng breakfast? Irina told me you are sick. I'm worried." Buti nalang ay busy siya sa kakahanda ng pagkain dahil kung hindi ay nakita na niya ang sobra kong pamumula. Namumula ako dahil inisip ko na magnanakaw siya at dahil ano... dahil sa sinabi niya ngayon lang.

"Hindi na kailangan. Lagnat lang naman to eh, hindi ako napilayan." Tumayo ako sa kama para idemonstrate sa kaniya. Ang kaso, nakaramdam ako bigla ng hilo kaya natumba ako pabalik sa kama. Inalalayan naman ako ni Calbert pero natatawa pa.

"Oo nga, lagnat lang iyan." Inirapan ko siya pero di niya yun pinansin. Inayos ko nalang ang sarili ko at sumandal sa headboard ng kama. Nakita ko na croissant ang nakahain at isang tea ata. "Here, eat."

Lumapit ako at kumain. Pero naaasiwa kasi ako sa topless na si Calbert. Sinubukan kong alisin sa isip ko pero paano ko nga ba yun maiiwawala kung nasa harapan ko mismo ang hubad na katawan ni Calbert?

"Oy," tawag ko sa kaniya.

"Ano yun?"

"Pwedeng magsuot ka ng shirt? Hindi ako makakain ng maayos. Bawal kaya iyan sa hapag."

"Wala naman tayo sa hapag ah? Sa kwarto mo tayo." Eto na naman siya sa pamimilosopo niya. Sarap kutusan eh. Hindi niya ba naiintindihan na hindi ako mapakali dito dahil sa eight pack abs niya?

"Kumag ka talaga. Kahit na no, pagkain kaharap natin."

"Gusto mo lang makita na hubarin ko tong apron at magbihis sa harapan mo eh."

"Huy! Wala akong sinabi ah!"

"Defensive mo naman."

Pagkatapos nun ay hindi narin naman niya ako kinulit pero in fairness maayos na kaming mag-usap na dalawa. Minsan may asaran parin pero mas matino na. Nagulat din ako nung magpabalik-balik siya sa kwarto ko. Ang sabi niya ay chinecheck niya lang kung maayos ang pakiramdam ko, bilin daw ni Irina. Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil chinecheck niya ako o malulungkot dahil bilin lang yun ni Irina pero mas nangingibabaw ang saya.

Mga bandang hapon na nung makaramdam ako ng init. Hindi pa pala kasi ako naliligo para magkapawis ako at mabawasan ang lagnat sabi ni Juris. Medyo nakaramdam pa ako ng hilo pagtayo ko sa kama but I managed to go to the bathroom.

Nagsimula na akong hubarin ang mga damit ko at nagtimpla ng maligamgam na tubig mula sa shower adjustor. Mabilis din akong natapos at tsaka lang maalala ko na wala pala akong tuwalya na dala. Napasapo ako sa noo dahil sa pagkatanga ko. Hay naku Sam, bobo mo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo at nakitang walang tao. Okay, clear.

Lumabas ako ng banyo na hubo't hubad at dahan-dahang pumunta sa closet kung saan share kami ni Juris. Mabilis na kumuha ako ng tuwalya sa loob pero sa sobrang pagmamadali ay nahulog ito. Yumuko ako para pulutin ito pero nagulat nalang ako nang may mga mainit na palad ang yumakap mula sa likod ko pagkatayo. Hindi pa ito nakuntento at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

Sumipol siya malapit sa tenga ko. "Nice ass there babe."

Hindi ko maiwasang manginig at pamulahan sa sinabi niya. "A-ano Calbert, magbibihis pa ako."

"Why bother? You're beautiful even when you don't have clothes." He seductively bit my ear at naramdaman ko na naman ang mainit na sensasyon na nararanasan ko lang sa kaniya.

Mas nag-init pa ako ng naramdaman ko na wala pala siyang suot ng damit sa likod ko. Kumabog ng sobra ang dibdib ko. We're both naked.

"Calbert..." Bago pa ako matapos ay pinaharap niya ako sa kaniya and I confirmed that he has no clothes. Kailan pa siya naghubad?

"Shh Sam, didn't I told you? I will find a way to take you." And with that, he take me on the lips.

***
The next chapter is intended for adults only pero kung mapilit ka, bahala ka. Don't say I didn't warn you.😈


#BoyHunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon