Fifteen

180 6 0
                                    

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang inaalala ang mga nangyari samin kahapon ni Calbert. Since that event ay parati na itong nakangiti at di na ako sinusungitan. Since that event, narealize ko din na nahulog na pala ako kay Calbert. Halos iumpog ko ang sarili ko sa pader para mahimasmasan at baka nagkakamali lang ako pero hindi, I'm really in love with Calbert Samson.

It's only been five days since nagkasama kami at nakakagulat talaga na nahulog ako sa kaniya nang mabilisan. Siguro nilagyan niya ng gayuma ang mga pagkaing hinahain niya sakin kaya ganun. But that is impossible dahil kahit maupo lang siya sa tabi ay babae na mismo ang lalapit sa kaniya at sino ba ako para gawin niya yun?

It's not like we have the same feelings.

"Tapos na ako." Lumabas na ako ng banyo kung saan ako nagbihis para sa farewell party na inihanda namin. The girls are all waiting outside dahil nauna na sila sa pagbihis kanina pa.

"Ang pretty mo talaga Sam." Bati sakin ni Irina paglabas ko and I can't help but to feel flattered. Minsan lang kasi may pumupuri sakin. Pero mas masaya kung sana ay iyon din ang magiging tingin ni Calbert sakin mamaya. Napangiti nalang ako nang makita na hindi pala suot ni Irina ang glasses niya.

"You too Irina. Sana tanggalin mo nalang palagi ang glasses mo because you look prettier without them." Huminto siya sa paglalagay ng mascara at inirapan ako sa sinabi ko.

"Ilang beses ko na iyang sinabihan Sam but as usual, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga kaming dalawa." Pagrereklamo ni Ashley na nasa harapan ng salamin at nagtatanggal ng mga curlers sa buhok niya. Umupo naman ako sa kama at nagsuot ng sapatos. "You know what Irina, sayang ang ganda mo dahil sa glasses na iyan. Sirain ko kaya?"

"You try." Irina threatened. For a moment, mukhang ninerbyos si Ashley sa sinabi ng kaibigan.

"I'm just kidding? Damn girl, nakakatakot ka talaga kapag walang glasses." Sabi ni Ashley na biglang naging uncomfortable. Irina just shrug her shoulders at itinago na ang mascara niya. "So girls, ready na ba kayo?" Ashley asked us three.

We all nodded at her and she smiled sweetly bago niya kami inaya na lumabas na sa kwarto. Paglabas namin ay bumungad ang malawak na dagat, christmas lights at ang music sa speakers kaya nafeel ko kaagad ang party vibe. Dumeretso kami sa deck at natagpuan doon sina Calbert at Lawrence kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Mabilis na lumapit ako kay Lawrence.

"You came." I said to him as he gave me a hug. Nagbeso-beso rin kami.

"Syempre naman. Malapit ka nang umalis eh so bakit ko palalagpasin?" Ngumiti siya sakin bago ako iginiya sa mga kaibigan niya at ipinakilala dito isa-isa. Nalaman ko na sa iisang circle of friends lang pala sila ni Calbert, pero bakit kung magalit ito sa kaniya wagas? I rolled my eyes. What am I expecting? That monkey is so bipolar.

"Hey Lawrence, kuha lang ako ng drinks ah?" Sabi ko sa katabi ko nang makita na wala nang laman ang bucket.

"Let me help you." He offered and I declined instantly.

"Huwag na Lawrence, kaya ko na. Atsaka isa pa, you're a guest so lay back and enjoy okay?"

"Come on Sam, I can't let a pretty lady like you do it alone."

"Lawrence ang kulit eh. Basta kaya ko na okay?"

"Oo na. May magagawa pa ba ako?" He admits with his defeat at nagpatuloy na sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila.

I took big steps papuntang mini kitchen ng yate at sumilip sa mini refrigerator. Kumuha ako ng ilang canned beer at inilagay sa bucket namin. Napasinghap nalang ako nang mukha ni Calbert ang bumungad sakin pagkatalikod.

"What the hell are you doing scaring people!" Pigil na sigaw ko at baka marinig kami ng iba. Nagulat talaga ako nang makita siya dito. Pero mas nagulat ako nang lumapit siya sakin at niyakap ako bigla. Ano nanaman ang nangyari at naging ganito 'to ngayon?

"Sam..." he called. Napairap ako sa inaasal niya.

"Anong nakain mo?" He chuckled at what I said bago humiwalay at hinawakan ang pisngi ko.

"Wala lang." He stared at my eyes for some seconds before giving out a pout. Yung totoo, nabagok ba ang ulo ng lalaking 'to? "I'm jealous. Mas inunahan mo pang puntahan si Lawrence."

Napataas ako ng kilay. So this guy is jealous? Kaya pala naglalambing.

"Tigilan mo ko Calbert. That won't have an effect on me." Lalampasan ko na sana siya pero inagaw niya sakin ang bucket tsaka nilagay sa sink. Hinila niya ako at sinubsob sa dibdib niya. "Bakit ka ba ganiyan Calbert? Yung totoo?"

"Nagtatampo nga kasi ako. Suyuin mo ko."

Namula nalang ako sa mga pinagsasabi niya. "Baliw." We stayed on that position for some minutes when we suddenly heard something outside. Parang may nag-aaway.

Nagkatinginan kami ni Calbert and it's like nagkaintindihan kaming dalawa. Magkahawak-kamay kaming lumabas at nagulat ako nang makita si Irina na nakapaibabaw sa isang lalaki habang pinapaulanan ito ng suntok. It was back in college when I last saw her like this, not the nerd but the bad ass Irina.

I'm too stunned to notice na wala na si Calbert sa tabi ko at tumutulong na pala duon sa mga umaawat. Nang maawat sila ay lalapit na sana ako kay Irina but Ashley get on the way.

"Girls, let me handle her. Just manage the party okay?" Mabilis siyang umalis habang umaalalay kay Irina pero si Irina ay pilit namang iwinawaksi si Ashley. Ano kayang nangyari at nagkaganun siya?

Napatingin ako sa lalaking kabugbugan ni Irina. A frown crossed my face to see a handsome face wrecked. Ang lalaki naman ay parang natuwa pa na binugbog ni Irina dahil nakangisi ito. The guy even stood up and raise both his hands on the air. "Get wild everyone! The party's starting! Wooh!"

Kung ano man ang nangyari, alam kong hindi si Irina ang nauna. Kinalimutan ko muna sandali ang nangyari at hahanapin na sana si Calbert but on the second thought, huwag nalang pala. Nakita ko na kasi siya at may kasama pa.

Hindi ko mapigilan ang paglabas ng mga ugat sa sentido ko. Ang walang hiyang lalaki! Nawala lang saglit sa tabi ko at may babae nang nakapulupot sa kaniya! And to think that we didn't invited someone like her! Yung malala ay natutuwa pa ang gago sa pagdikit nung babae ng boobs niya sa braso niya! Edi bahala siya!

"Tss... kung makalambing kanina..." I murmured while walking away from them.

"Uy Sam! Where's the bucket na ba?" Oh shit! Napatingin ako kay Lawrence na biglang sumulpot somewhere. Nakalimutan ko pala iyon sa kitchen. "I notice you murmuring something? Bakit? Ano iyon?"

"Nevermind Lawrence. Sige kukunin ko lang yung bucket." Dali-dali akong umalis para makaiwas sa interrogation. Pero sana di ko nalang pala ginawa.

Because the moment I entered the kitchen, it's the moment I felt my heart shattered into pieces.

#Boyhunter

Surging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon