Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Jan 30, 2019
*******
STORY 1
Cinderella Boy
Part 3
"Nakakainis talaga, biruin mo ay sampung beses akong nag slowmo turn sa harap ng anak ni Don Miguel ay wala pa rin. Halos mag kapali palipit na yung mga binti ko ah, ouch, feeling ko may kalyo na ang paa ko." ang iyak ni Orson habang nakahiga sa sofa
"Ako nga e, binuhat ko pa yung parol na naka display sa balkunahe at inilagay sa likod ko para mas mapansin ako pero waley pa rin. Nakaka imbyerna talaga! Mamaaaa!! Ang shaket shaket poew!!" ang iyak naman ni Olrac
Iyak silang dalawa na parang batang inapi..
"Girls, huwag na nga kayo umiyak. Alam nyo ba na parang nag papakipot lang ang anak ni Don Miguel kagabi, nakikita ko na natutuwa siya kapag dumaraan kayo sa harap niya at sigurado ako na ngayon ay nalilito na siya kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin niya lalo't stand out kagandahan nyo kagabi!" ang wika ng aking madrasta na punong puno ng pag asa
"Wa aring mama? Kung sa bagay feeling ko rin stand out ako kagabi, alam mo iyon, nung pumasok ako sa loob ay nag tinginan sila at inakala nila na ako talaga si Catriona Gray! Pati nga si Don Miguel na nashock noong makita ako." ang wika ni Orson
"Yeah, na shock si Don Miguel at inatake siya sa takot sa iyo. Mabuti nalang at dumating ako agad dahil nag bago bigla ang atmosphere sa loob, para silang dinuduyan sa heaven noong makita ako." hirit ni Olrac
"Oo mukha silang nasa heaven dahil mukha kang naka singhot ng katol! Heaven Pare! Gaga!!" ang sagot ni Orson
"Ahh ganon!"
Balibagan naman silang dalawa..
Ako naman ay umiwas nalang sa mga bagay na lumilipad sa paligid..
"Girls ano ba, wag na kayo mag away. Ang mabuti pa ay kainin nyo ang mga fresh na prutas na iyan sa lamesa para mas lalo pang gumanda ang kutis ninyo." ang wika naman ng aking madrasta
"Oo nga naman. Halika nga dito Eloy!" ang utos ni Orson.
Agad akong lumapit sa kanya. "Bakit?" ang tanong ko
Tumingin sa akin habang nakahiga sa sofa na animo si Cleopatra. "Subuan mo ako ng ubas!" ang utos niya.
Kaya naman kumuha ako ng isang piraso at inilagay sa kanyang bibig na noon ay naka nga nga na.