PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 16, 2019
********
STORY 2
Reyna
"Tutulungan ka namin. Kaming bahala sa iyo." ang tugon ni Betty
"Nababaliw na ba kayo? Ang gusto ni Marga ay gawin akong katawa tawa! Huwag nyo akong ganyanin at tiyak na pag tatampulan lang ako tuwa doon!"
"Listen darling, narito kami para tulungan ka at gagawin namin ang makayaya namin para hindi ka mag mukhang katawa tawa. Mag tiwala ka sa amin." ang wika ni Justine
"Ayoko! Umalis na kayo! Ayoko na ng gulo." ang tugon ko sabay talikod sa kanila
Nasa ganoong posisyon ako ng bigla may mag salita sa aking likuran..
"Pwede bang gawin mo ito para sa akin." ang pamilyar na boses ng isang lalaki.
Humarap ako sa kanila at dito ay nakita ko si Brad na nakatayo sa likod nina Betty. "Nag byahe kami dito para lang tulungan ka. Sana ay pumayag ka." ang wika ni Larry
Ngumiti sila sa akin..
Maya maya nakita kong lumabas ng bahay ang aking ama, hawak niya ang kanyang tungkod at halatang hirap ito sa pag lalakad. Ngumiti siya sa akin at sinabing "Maganda ka para sa akin anak, alam kong kaya mong harapin ang mga bagay na iyan. Tanggapin mo ang aking suporta." ang wika niya
Part 14
Noong una ay ayokong tanggapin na hamon, ngunit dahil sa suportang ibinibigay sa akin ng aking mga kaibigan kahit papaano ay lumalakas ang aking loob. Tungkol kay Brad, nang hingi siya ng tawad dahil sa kanyang naging reaksyon noong malaman niya ang katotohanan, ngunit sinabi niya sa akin na mas mahalaga pa rin ang aking pag katao dahil iyon talaga ang nagustuhan niya sa akin. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang estado ng aming relasyon, basta ang alam ko lang ay naka focus ako sa pinaka mahalagang laban sa aking buhay. Ang labanan si Marga Delfin ay napaka imposible, para akong papel bumangga sa isang malaking bato. Walang tiyansa kung aking iisip, ang tanging habol ko lang ay huwag maging katawa-tawa sa kanilang paningin katulad ng kanyang nais.
"Gusto mo bang imagic ko nalang ang pez mo para mawala iyang mga kurikong?" ang wika ni Fairy Fairy habang naka upo kami sa tabing ilog
"Parang ayoko na yata ng magik, okay na sa akin yung kaligayahang ibinigay ng mahiwagang bra. Sorry ha, naisira na ito." ang wika ko naman.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantastikTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?