Cover by: John Lloyd Berzuela
******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Jan 23, 2019
*******
STORY 1
Cinderella Boy
Marahan kong binuksan ang pintuan, halos kumakabog pa rin ang aking dibdib dahil sa pinag halong kaba at pananabik na muling makasayaw ang taong pinapangarap ng lahat.
Hindi na ito isang panaginip, ang lahat ng ito ay talagang nagaganap, sa tamang oras at maging sa tamang pag kakataon. Mula rito sa aking kinatatayuan ay maririnig mo ang musika na ang mumula sa orkestra, nakakapanabik at nakaka indak.
Noong buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin ang isang malakas na liwanag, nakakasilaw ito kaya't panandalian akong pumikit. At noong imulat ko ang aking mata ay aking nasaksihan ang isang magarbong pag diriwang kung saan ang lahat ng tao ay napahinto at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mali, o kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko lamang ay kusang humakbang ang aking paa suot ang pinaka magandang sapatos sa lahat.
Habang nasa ganoong pag hakbang ako ay isang malakas na sigaw ang aking narinig dahilan para mapahinto ako. "Ellwood!!! Anong ginagawa mo dito? Akala mo ba ay hindi ka namin makikilala?! Kahit mag damit ka pa ng maganda ay makikilala at makikilala ka pa rin namin, panget! Hindi ka maganda at hindi ka babaihan!" ang sigaw ng aking kapatid.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba..
Napaatras ako at dito ay nakita ko ang aking madrasta sa aking likuran, nanlilisik ang mata nito at nag aapoy sa galit. "Eloy, anong ibig sabihin nito? Umuwi ka at mag mag linis ng bahay! Hindi ka nababagay sa ganitong lugar! Alis!"
"Mama, paalisin mo siya! Nakakahiya na!! Alis!!" ang pag mamaktol pa ng isa kong kapatid sabay kaladkad sa akin paalis sa bulwagan.
Nag tawanan ang lahat at bago ko pa makita ang mukha ng taong nais kong maisilayan ay sumara ng malakas ang pinto nito. Kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon sa aking higaan dahil sa malakas pag tawag ng aking madrasta.
Part 1
"Sobrang tagal mo naman bumangon Eloy, wag kana kasi nag sasalamin bago ka matulog para hindi ka kinabangungot sa gabi! Huwag ka nga lumapit sa akin ng hindi nasisira ang umaga ko. Sige, kunin mo na yung mga labahin doon." ang utos ni Orson.
Agad kong kinuha ang mga labahin upang dalhin ito sa labas ng bigla akong hilahin ni Olrac. "Hep hep, lalabhan lahat iyan gamit ang mga kamay mo. Hindi pwedeng gumamit ng washing machine dahil hindi ka naman babaihan!"
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?