PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 23, 2019
********
STORY 3
Romualdo
Natawa ang taga bantay at itinuro ang mga parte nito na lumulubog na kumukulong likido at unti unting natutunaw. Kasabay nito ang pag hawak ng gwardiya sa aking braso para ilabas. "ang tigas ng ulo mo, sinabi nang bawal dito e, gusto mo bang tumawag ako ng pulis?" tanong niya sabay kaladkad sa aking palabas.
"Hinde! Kukunin ko yung ibang parte! Paki usap hayaan nyo akong manatili kahit ilang saglit pa."pag susumamo ko
"Huwag matigas ang ulo mo bata. Halika na, labas!" ang wika nito
Mahigpit kong hinawakan ang natitirang bahagi ng katawan ni Rom habang kinakaladkad ng gwardiya palayo sa planta, ang aking mga mata ay nakatitig pa rin sa mga kamay at braso nito na unti unti lumulubog sa tunawan at humalo sa iba pang natunaw na plastic.
Part 10
Para akong lantang gulay noong makalayo sa planta, hindi ko lubos maunawaan ang aking dapat maramdaman habang hawak ko ang katawan ng mannequin ni Rom. Para akong isang baliw na nag lalakad sa kanto habang wala sa sariling humahakbang. Wala na rin halos direksyon ang aking pag iisip, para bang nabuang na ako sa tindi ng pinag halo halong emosyon sa aking dibdib. Tuwing pumipikit ang aking mata ay nakikita ko kung paano matunaw ang mga parte ng katawan ni Rom at ang tanging naiwan lang ay ang kanyang katawan at ulo. Parang isang manikang pinutulan ng mga kamay at paa.
Ni hindi ko na nagawa sumakay ng trisikel, basta ang alam ko lang ay humahakbang ako at pilit na lumalayo sa kakaibang sakit. May mga ilang tao na pinag titinginan ako, ngunit hindi ko na sila pinansin pa, wala naman silang ideya kung ano ang pinag daraanan ko ngayon at walang maitutulong ang kanilang kakatwang tingin sa akin.
Halos alas 12 ng tanghali noong ako ay makarating sa aming compound. Hindi ko alam kung ilang oras akong nag lakad, basta ang alam ko lang ay hindi ako nakakaramdam ng pagod at para bang manhid na rin ang aking dibdib sa matinding emosyon na hindi ko tuluyang mailabas.
Pag dating ko sa bahay ay agad kong inakyat ang mannequin at kumuha ako ng pandikit para mapag sugpong ang mga crack nito. Halos lumipas na ang alas 10 ng umaga, hindi na siguro magawang makabalik ni Rom sa pagiging isang tao dahil wala na ang kanyang mga kamay at paa.
"Top, bakit dala mo pa iyang lumang mannequin? Huwag kana malungkot dahil darating na sa isang linggo yung mga bago, mas maayos iyon kaysa diyan sa luma." ang pag tawag ni Inay.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasiTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?