PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 18, 2019
********
STORY 3
Romualdo
Part 2
Araw ng Lunes, habang dala ko ang mga damit na idedeliver ko sa mga nag patahi kay Inay ay hindi inaasahang makita ko ang aking nakaraan. Ang nakaraan na nag bigay ng ibayong sakit at takot sa aking pag katao. Ito yung parte ng kahapon na hinding hindi ko malilimot, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot lalo na noong makita ko ang kanyang mukha..
Hindi pa rin nag babago ang kanyang mukha, dati pa rin ito. Ang kanyang anyo noong unang beses na makilala ko siya ay ganoon pa rin ngunit ang aking pakiramdam ay nag bago na..
FLASHBACK
Nakilala ko si Joe sa isang social site kung saan kami unang nag chat, biruan lang tapos kung ano anong topic ang pinag uusapan namin hanggang mag pakita kami ng sweetness at care sa isa't isa.
Yung mga simpleng salita na "kumain ka na ba?", "Anong ginawa mo buong araw?", "Ingatan mo ang sarili mo". Mga bagay na nag papangiti sa akin hanggang sa tuluyan na nga kaming mahulog sa isa't isa. Mutual ang feelings at walang ligawang naganap. Siya rin ang aking unang pag ibig, sa kanya ko naramdaman ang pag ka adik sa pag mamahal na paminsan minsan ay talagang nagiging seloso ako.
Nag aaral si Joe noon sa kolehiyo samantalang ako naman ay nag ttrabaho bilang promodiser sa isang mall sa siyudad. Nag uusap kami sa pamamagitan ng text o kaya ay sa pag tatawagan. Halos tumagal kami ng ilang buwan sa ganoong set up hanggang sa mag pasya kaming mag kita. Dahil nga may kalayuan ang distansiya namin sa isa't ay nag pasya kaming mag kita sa siyudad. Ito yung pinaka masayang araw sa buhay ko noon. Kumain kami, nag date at umupa ng isang silid para sa aming pag tatalik.
Ang aming pag kikita ay nasundan pa ng nasundan hanggang sa isang summer ay nag pasya siyang mag bakasyon dito mismo sa aming bahay. Halos tatlong linggo siya dito, namuhay kami na parang mag asawa at wala kaming ginawa kundi mahalin at alagaan ang isa't isa. Wala naman akong inamin sa aking mga magulang tungkol sa samahan namin ni Joe at hindi na rin sila nag tanong marahil ay alam na rin nila iyon. Sino ba naman ang kaibigan tatagal ng ilang linggo sa bahay at halos kulang nalang ay mag live in kami ng tuluyan.
Noong matapos ang tag init ay bumalik si Joe sa pag aaral at ako naman ay nag hanap ng ibang malilipatang trabaho na may mas magandang sahod. Gusto ko lang mag ipon para sa amin ng aking kasintahan, para makapunta kami sa mga lugar na aming nais. Halos sa lahat ng bagay na aking ginagawa ay siya pa rin ang aking iniisip.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasíaTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?