Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 26, 2019
*******
STORY 3
Romualdo
Part 12
Kinabukasan, pag mulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa aking papag. Katabi ko rito si Rom na noon ay abala sa pag tingin sa mga larawan sa kanilang magasin. Nakaunan ako sa kanyang braso habang ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin sabay bati. "Magandang umaga."
Muli akong sumubsob sa kanyang braso malapit sa kanyang kili kili na parang isang bata. "Hmmm, anong oras na? Ang aga mo yatang naka balik?" ang tanong ko.
"Alas 10 na ako nakabalik sa katawang tao. 10:45 na at halos ilang minuto kana ring naka unan sa akin. Napuyat ka siguro kagabi sa pag hihintay sa akin. Pasensiya kana, sobra akong napagod kahapon kaya maagang nawala ang aking katawan tao. Basta ang alam ko lamang ay nag dilim ang aking paningin at wala na akong naalala pa." wika niya
"Masakit ba? Anong pakiramdam?" ang tanong ko na may halong pag kaawa.
"Ang ano?" tanong niya
"Yung bigla kang bumabalik sa pagiging mannequin." ang tanong ko rin.
"Hindi masakit, para ka lang nakatulog ng mabilis. Kung minsan ay nanaginip ako na kasama kita, ang lalakad tayo sa isang magandang lugar, maraming bulaklak, maraming puno at walang hangganan ang ating kasiyahan. Minsan ay naiisip ko na lumayo tayo mag tungo sa isang lugar na hindi matatagpuan ng kahit na sino, kahit oras ay hindi maaaring gumambala sa atin. Sana ay may ganoong lugar, sana ay madala kita doon." ang wika niya.
"Ang lugar na malayo sa limitasyon at sa mga bagay na pumipigil sa ating kaligayahan. Sana ay may lugar na ganoon." ang wika ko sabay yakap sa yakap sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang kanyang isinukli sa akin, maya maya ay bigla siyang pumatong sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay. "Bakit?" ang tanong ko na natatawa, ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan habang nakadagan sa akin.
"Wala, gusto ko lang mag lambing sa iyo." ang naka ngisi niya tugon sabay siil ng halik sa aking tainga. Kaya naman nakiliti ako ng husto sa kanyang ginagawa sa akin. Natawa ako at hinalikan ko rin siya sa kanyang labi.
Ang araw na ito napuno ng lambingan sa aming dalawa ni Rom. Halos tumagal kami ng ilang oras sa higaan. Mag kayakap kami at hindi mapag hiwalay. Hanggat maaari ay ayokong umalis sa kanyang tabi, gusto kong maramdaman ang kanyang katawan na nakadikit sa aking katawan, ang kanyang mabangong hininga na umiihip sa aking mukha sa tuwing kami ay mag kkwentuhan o mag tititigan. Napaka sarap sa pakiramdam at ito ang mga bagay na hinding hindi ko kayang bitawan. Mga bagay na ayokong matapos o mag wakas pa.