PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 2, 2019
*******
STORY 1
Cinderella Boy
Part 5
"Eloy! Bumangon ka nga diyan! Anong oras na! Tatamad tamad kana naman! Mag balat ka ng patatas doon sa kusina at gawin mong pringles! Mabilis ka!!" ang sigaw ni Orson na gumising sa akin.
Halos hindi ako makabangon sa tindi ng papanakit ng aking ulo. At ramdam na ramdam ko rin ang mainit na singaw sa aking katawan. Nag kasakit ako dulot ng pag kakabasa ko kahapon sa malakas na ulan. Nanghihina ang aking tuhod at pati na rin ang aking kalamnan sa braso.
"Eloy! Anong arte ba iyan? Mamalengke kana! Heto ang mga bibilhin mo at huwag kang babalik kung hindi ito kompleto. Naunaawan mo ba? Api apihan pa ang peg mo!" ang utos ng aking madrasta sabay abot ng listahan ng mga gulay
"At pag katapos mong mamalengke, buhatin mo ako doon sa kabilang sofa! Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ko binubuhat!" ang wika ni Olrac
Kinuha ko ang basket at napa buntong hininga nalang ako. "Huwag ka ngang umarte na parang may sakit ka. Ang katulad mong maitim, panget at hindi babaihan ay walang karapatang mag kasakit! Hala, sige larga ka bago tayo maubusan ng fresh veggies!" ang maarteng wika ni Orson sabay tulak sa akin sa labas.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, kahit hilong hilo ako at nang hihina ng husto ang aking katawan ay nag tungo pa rin ako sa palengke para mamili ng mga gulay. May pag kakataon na napapaupo na lamang ako sa isang tabi para kumuha ng lakas at kapag nakaramdam ng kaunting ginhawa ay muli akong mag lalakad para ipag patuloy ang pamimili. "Oy, Negi bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?" ang tanong ni Jeffrey noong makita ako.
"Ikaw pala dakilang man loloko. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Eh may hinakot lang akong paninda doon kabilang pamilihan. Ayos ka lang ba? Parang namumulta ka, ang ibig kong sabihin ay parang mamumuti ka ng kaunti." ang pag tataka niya sabay hipo sa akin. "Hala! Nilalagnat ka ah! Siguro mas makabubuti kung umuwi ka na lamang at mag pahinga." ang wika niya.
"Pero kailangan ko pang mamili, baka magalit ang madrasta ko kapag hindi ko nakompleto ang mga gulay sa kantang bahay kubo." ang tugon.
"Akin na nga, ano pa ba ang kulang mo?" tanong niya sabay tingin sa listahan. "Labanos, mustasa, patola, upo at linga nalang pala. May balak bang lumaban sa nutrition month iyang madrasta mo?" pag tataka niya sabay alis at siya mismo ang humanap nito. Ako naman ay pinaupo lang niya sa fountain area kung saan kami madalas tumambay.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?