Romualdo Part 15 (STORY 3 FINALE)

3.1K 181 62
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 27, 2019

*******

STORY 3

Romualdo

Nag liwanag ng husto ang kanyang katawan at dito ay kinuha niya ang kristal na nag lalabas ng kakaibang init. "Mabuhay ka Top, tuparin mo ang iyong pangarap." ang naka ngiting wika niya sabay dikit sa akin ng kanyang kamay na nag lalaman ng kristal. Pumasok sa aking dibdib ang liwanag na iyon at noong tuluyan ito mawala ay biglang bumagsak sa aking katawan si Rom.

Iyak na lamang ang aking isinagot. Marahang umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit at kasabay nito ang tuluyang pag tigas ng kanyang katawan.

Si Romualdo noong mga sandaling iyon ay bumalik sa pagiging isang mannequin at iyon rin ang pinaka huling beses na nakasama ko siya bilang isang tao.

Part 15

"Alam mo ba ito Beng? Alam mo ba ang tungkol dito?!" ang tanong ko habang nakayakap kay Rom.

Hindi sumagot si Beng at nanatili itong umiiyak..

"Alam mo ba? Sumagot kaaa!" ang sigaw ko na narinig sa buong simbahan.

"Oo Top, alam ko! At noong sabihin niya sa akin ito ay buo na ang loob niya kaya kahit anong gawin ko ay hindi na ito mababago pa. Noong isang linggo pa niya ito napag desisyunan dahil narinig niya ang sabi ng doktor na 25% lang ang tiyansa na makakaligtas ka sa operasyon! Kahit makahanap tayo ng donor o ng puso ay maliit pa rin ang tiyansa na mabuhay ka at iyon ang hindi matanggap ni Rom. Kaya naman nag maka awa siya sa diwata para tulungan at iyon nga ang kanilang napag usapan, susuportahan ng kristal na nasa puso ni Rom ang iyong buhay at aalisin nito ang karamdaman mo. Ngunit kapalit noon ay ang buhay niya!" ang umiiyak na sagot ni Beng.

"Wala na si Rom, at hindi na siya babalik sa akin. Wala naaaaa!" ang pag hagulgol ko ng iyak habang hawak ko ng mahigpit ang kanyang mannequin na noon ay nakasuot pa rin ng pormal na damit.

"Mabuhay ka at tuparin ang iyong pangarap Top, iyon ang tanging habilin ni Rom. Gawin mo ito bilang pag ala-ala sa kanyang sakripisyo." wika ni Beng.

"Sakripisyo? Bakit? Bakit paa?!" ang patuloy kong pag iyak na halos hindi na ako umalis sa aking kinalalagyan noong mga sandaling iyon.

Sa pag sibol ng bagong araw ay hindi ko na nakasama pa si Rom. Masakit iyon para sa akin, at ang kanyang ginawang pag salba sa aking buhay ay tila milagro ang naging resulta sa aking pag katao. Gulat na gulat ang lahat ng doktor na sumuri sa akin dahil sa isang iglap ay naging normal ang kondisyon ng aking puso, normal at maayos rin ang pag tibok nito. At wala ni isang problema ang kanilang nakita. Hindi nila maipaliwanag ang nangyari sa akin, lalo na ang doktor ko na kailanman ay hindi naniniwala sa milagro. Ang aking mga magulang ay halos lumuha sa matinding kaligayahan noong mga sandaling sabihin ng doktor na normal na ang aking kalagayan. Lahat ay umiyak, luha ng kaligayahan ang pumapatak sa kanilang mata noong mga sandaling iyon, kaibahan sa akin na luha ng pangungulila at kalungkutan ang nangingibabaw.

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon