PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 5, 2019
********
STORY 1
Cinderella Boy
Part 7
Tumingin ako sa kanya ng tuwid at huminga ng malalim sabay pakawala ng isang salitang tiyak na babago sa aming pag sasama. "IKAW. IKAW ang gusto ko." ang sagot ko
Napatingin siya sa akin. "AKO?" pag tataka niya
Tumango ako na may halong matinding pag kahiya na hindi mo mawari. "Oo Jeff, ikaw ang gusto ko."
"Ako talaga? Hahahahaha! Ako?" ang tugon niya sabay tawa ng malakas.
"Hahahahaha. Oo ikaw." ang tugon ko naman.
"Hahahaha. Bakit ako?" tanong niya ulit
"Hahahaha, hindi ko alam basta gusto kita." ang pag tawa ko bagamat namumula na ako sa matinding pag kahiya. Pero sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya ang aking nararamdaman.
Maya maya ay huminto siya sa pag tawa. "Alam mo Eloy, mag kaibigan tayo pero hindi mo pa ako lubusang nakilala. Marami ka pang bagay na hindi nalalaman tungkol sa aking pag katao. Mabait ka naman e, mabait, mabait, masipag, masipag, matiyag, matiyaga at mabait." ang tugon niya
Ngumiti ako. "Gusto mo rin ba ako Jeff?" ang tanong ko naman.
"Hahahahaha." pag tawa niya na parang pinag tatawanan niya ang aking tanong
"Hahahaha. Ano gusto mo rin ba ako?" pag tawa ko naman pero unti unti na akong nakakaramdam ng pag hiya. Basta mukha kaming tanga na tawanan ng tawanan..
Tumingin siya sa akin at saka tumawa ulit. "Hahahaha" sabay sambit ng katagang "Hindi."
"Ayoko na! Ayoko nang maalala pa iyon!" ang sigaw ko sa aking sarili habang naka nakatakip sa aking tainga. Tila ba naniniring ko pa rin ang boses ni Jeffrey na pinag tatawanan ang aking nararamdaman.
Iyon ang pinaka masakit na parte sa lahat, kahit paulit ulit kong iwaksi ito sa aking isipan ay bumabalik pa rin na parang isang sirang plaka.
Maliwanag ang buwan noong mga oras na iyon, mula sa pag kakaupo ko sa ilalim ng puno ay nag tungo ako sa katabing ilog para hugasan ang aking paang punong puno ng putik.
Maganda ang tubig sa ilog noong mga oras na iyon, malamig at kumikinang. Ito ang unang pag kakataon na makita kong ganito ka liwanag at kalaki ang buwan na siyang tumatanglaw sa paligid kaya naman ang tubig sa ilog ay nag mistulang salamin kung saan nakikita ko ang aking repleksyon.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?