CB Part 13

3K 191 21
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019

********

STORY 1

Cinderella Boy

Pag bati mula sa ngalan ng Panginoong Lumikha.

Sa darating na Sabado ay inaanyayahan ang lahat na dumalo sa espesyal na kaarawan ni Ronnie San Sebastian. Ito ay isang pormal na pag diriwang dahil sa gabing iyon ay pipili na rin ito ng kanyang mapapangasawa. Ang lahat ay maaaring dumalo sa kasiyahan at kalakip ng sobreng ito ang inyong mga pangalan na naka sulat sa isang espesyal na papel. Ipakita ito sa tarangkahan upang kayo ay papasukin.

Maraming Salamat!

Part 13

"Ano kabog na ba ito? Epek ba? Parang dapat ay mas pinahabaan ko pa ang biyak nitong gown ko. Dapat hanggang puke e, para mas mapansin!" ang reklamo ni Orson habang isinusukat ang kanyang gown.

"Asa ka pang mag kaka pukelya ka, gagang to. Saka bakit kasi ganyan ang gown mo? Para kang porn star! Hindi mo gayahin itong gown ko, long sleeves at napaka fitted sa katawan ko. Ito ang Miss Venezuela inspired gown, with my long straight, silky and shinning shimmering splending hair na parang nirebond pero ang totoo ay shinampoo ko lang. Tiyak na mamayang gabi ay ako na ang magiging star of the night!" malanding wika ni Olrac

"Yuck, mukha kang suman dyan sa gown mo. Ito ang winning gown kaya mamayang gabi ay tiyak na luluwa ang mata ng Ronnie na iyan sa kagandahan ko." ang wika ni Orson sabay tawag sa akin. "Eloy, halika nga dito!"

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko

"Ipag ihaw mo ako ng isda, yung malaki at sariwa." ang utos nito.

"Sige, sandali lang at bibili ako sa palengke." ang sagot ko

"Sariwa ang gusto ko Eloy! Gusto ko yung buhay pa at galing sa ilog. Mang huli ka ngayon rin! At huwag na huwag kang mag kakamaling mandaya okay? Ipakita mo sa akin na naka kabit yung nguso ng isa sa pain! At pag katapos ay linisin mo yung bakod ng kapit bahay natin dahil madumi na iyon!" ang utos nito.

"Ako rin mag uutos, anong akala mo sa akin mag papatalo? Pag katapos mong linisin yung bakod ng kapit bahay ay buhatin mo ako hanggang doon sa sala. Hindi ako aalis dito hanggang di mo ko binubuhat! Kahit abutin ng year end!" ang hirit ni Olrac sabay higa sa kanyang kama.

Simula kaninang umaga ay tadtad na ang utos sa akin ng mga kasama ko sa bahay. Alam ko naman na pinapahirapan lang nila ako at tinatambakan ng trabaho para hindi ako maka tapos at hindi rin ako makakasama. Pero hindi naman ako papayag ng ganoon nalang kaya ginilisan ko ng husto ang pag sunod sa kanila. Mabilis kong tinatapos ang kahit na anong utos nila. Ewan, ngunit gusto kong makita si Jeffrey sa huling pag kakataon. Kahit nasa malayo lang ako o nakasilip lang sa bintana ay ayos lang, basta masilayan ko lang siya bago siya pumili ng mapapangasawa. Hindi ko naman na ninanais pa na magustuhan niya ako dahil napaka imposible noon, pero gayon pa man kahit ang isang huling pag sulyap lang ay masaya na ako.

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon