PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 11, 2019
*********
STORY 2
Reyna
Part 4
"Bakit hindi mo gawing steppingstone iyang Miss Gay Bangungot 2019 para maachieve mo ang dream mo. Pwede ka naman sumikat bilang komedyanteng beauty queen katulad nila Elsa Droga at iba pa diba." ang wika ni Larry habang inaayos ang aking costume.
"Pero mas gusto ko yung babaeng maganda, yung desente. Yung premyo dito ay ipantuturok ko para mag karoon ako ng suso." ang wika ko naman.
"Gaga, hindi bagay sayo mag karoon ng suso dahil mag mumukha kang urangutang." sagot ni Larry.
Dumating ang gabi ng pa contest ng Barangay, ang lahat ay nasa gym para manood at matuwa. Syempre alam naman nila na kapag ganitong pa contest ay mga wirdo at mapapel na bakla ang mga laban. Yung iba nga ay may dala pang back up habang nag lalakad sa stage. Yung iba naman tumatambling pa at nag exhibition na parang isang payaso para mapansin.
"Malapit kana Freda, huwag kana mag maganda ha. Alalahanin mong papangitan ang labanan dito!" ang paalala ni Betty
Maya maya ay tinawag ang aking numero. "Candidate number 12."
"Ikaw na, kaya mo iyan!" ang wika ni Larry.
Ngumiti ako ng ubod ng ganda at magilas na lumabas sa stage. "Pak! Palong palo ang ginawa kong pag pose! Pak! Isang pose pa sa gilid! Tuwad dito at tuwad doon para lang mapansin. Nagawa ko pang mag slide sa hagdanan kaya natawa ang lahat.
Hindi mag kamayaw ang tawanan na may halong pang lalait at pangungutya. Halos hindi na ako makapag salita dahil sa lakas ng kabilang tawanan na talagang pang comedy nalang ang ganda ko at hanggang dito nalang iyon.
Maayos kong nairaos ang national costume, ang swimwear at ang talent portion, pati pag buga ng apoy na naisagawa ko rin ng maayos katulad ng aking napag practice-san namin nila Larry kaya naman manghang manga ang lahat sa aking pag buga ng apoy. "Galingan mo Godzilla!" ang pag tatawa ng host pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makatapos ang aking katutubong sayaw.
Alas 11 ng gabi, noong inannounce ang top 5 naturang patimpalak. Tinawag sina Candidate number 8, 9, 10, 11 at 13.
Sa sunod sunod na number iyon ay nilagpasan ang aking numero kaya napa busangot na lamang ako habang pumapalakpak. Sayang ang effort at hindi rin ako makakapag paturok dahil nga wala naman akong cash prize. Nga nga lang aking inabot at ang iuuwi ko ay isang kahong tawanan at panlalait.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasiTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?