PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 22, 2019
*******
STORY 3
Romualdo
Part 7
Sa pag daan ng mga araw sa buhay namin ni Romualdo, mas maging malalim pa ang aming relasyon. Sa loob ng aking munting silid ay nabubuo isang mundong punong puno ng hindi mapapantayang pag mamahalan. Kahit halos maraming araw na ang nag daan mag buhat noong dumating siya sa aking buhay ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, masyadong perpekto ang mga bagay na nagaganap sa akin at tila kay hirap bang paniwalaan ng mga ito.
Namuhay kaming dalawa na parang dalawang taong may sariling mundo, kapag mag katabi kami ay madalas na nagyayakapan, nag hahalikan, lambingan at nauuwi ito sa pag tatalik kung saan patuloy kong binibigay ang aking sarili sa kanya bilang simbolo ng aking pag mamahal. Bagamat may limitasyon nga aming samahan ay pilit pa rin naming sinusulit ang bawat minutong nag daraan sa aming pag sasama.
"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Rom habang hinihimas ang aking dibdib.
"Okay lang, masyado lang akong napagod sa pag dedeliver ng mga gawang damit ni Inay. Hinabol pa ako ng aso doon sa kanto kaya heto hinihingal ako." natatawa kong tugon.
"Ang mabuti pa ay mag pahinga ka muna. Kung may natira pang gawain ay maaari naman ako nalang ang gumawa basta ituro mo lang sa akin kung papaano." naka ngiti niyang tugon.
"Tapos na, teka nasaan si Beng? Ang sabi niya ay dito sya mag hahapunan?" pag tataka ko.
"Umalis sya kanina, ang sabi nya ay tumawag raw yung kasintahan niya at may emergency."
"Kasintahan? Siguro ay pinatulan rin niya yung lalaking nanliligaw sa kanya doon sa social media. Kung ganoon ay ako na lamang ang mag hahanda ng pag kain para sa atin." ang naka ngiti kong tugon sabay yakap sa kanyang likuran.
"Sandali, tutulong ako. Hindi kompleto ang pagiging tao ko kapag hindi ako natutong mag luto." ang biro niya dahilan para matawa ako.
Katulad nga ng set up ay tinuruan kong mag luto itong si Rom, habang nasa kusina kami ay yumayakap pa ito sa akin o kaya ay inililingkis ang kanyang dalawang kamay pagapang sa aking bewang. Para kaming mag asawang nag lalambingan noong mga sandali iyon. Damang dama ko naman ang kanyang kakisigan habang nakalock ang kanyang bilugang braso sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang sandong suot na nag papasexy ng husto sa kanyang katawan. Kaya minsan ay talagang nang gigigil ako sa kanya dahil kahit pawisan ang loko ay mabango pa rin at masarap yakapin ang kanyang mga braso at dibdib.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasíaTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?