Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 12, 2019
*******
STORY 2
Reyna
"Teka muna, unlimited na ba ito? Permanente na ba ito?" tanong ko naman na hindi maitago ang matinding saya
"Siyempre ay hindi noh, ang bisa ng bra na iyan ay mawawala sa dalawang bagay na ito. UNA: Kapag hinubad mo ito ay babalik ka sa dati. IKALAWA: kapag tumapat ang orasan sa alas dose ng umaga (12midnight) ay babalik sa pagiging chararat na maskuladong bakla. Nag kakaunawaan ba tayo?" ang tanong niya
"Hala e bakit may limit?" reklamo ko
"Dahil may limitasyon ang kaligayahan Alfredo.Kung ang bawat oras sa ating buhay ay parating masaya para saan pa ang lungkot? Mawawalan ito ng saysay. Ngayon kung gusto mo ng unlimited na kaligayahan na walang cut, mas mabuti pang patayin na kita para maging masaya ka sa feeling ni Lord! Baklang twoe, hindi ka naman babaihan talaga!! Bye!" ang wika niya at biglang nag laho ang kanyang imahe sa aking harapan.
Part 5
"Wag kana nga mag maganda ng damit. Sasamahan lang naman natin si Betty na mag pasa ng application form sa org." ang wika ni Larry habang abala sa pag bibihis.
"Syempre magaganda yung mga nandoon yung mga babaihang elite, kaya dapat hindi tayo mag mukhang basang tuta doon." ang sagot ko naman habang nag lalagay ng lipstick.
"Huwag kana nga mag lipistik, nag mumukha kang clown." ang wika ni Larry sabay agaw ng lipstick.
"Ready na ba kayo? Isinuot ko ang pinaka maganda kong casual wear at syempre kaunting penggay sa face." ang wika ni Betty. Mukha na talaga siyang babae at parang mag aaudition sa isang malakihang contest. Ang kanyang bewang ay hubog na hubog at mukhang mamahalin ang kanyang ganda.
"Japan japan ang peg diba? Tayo na. Pag kapasa ko ng application form mag selfie selfie tayo sa loob para makita ng mga bakla!." ang kinikilig na wika ni Betty.
Syempre ibayong excitement rin ang aming naramdaman, lalo na ako dahil ito ang aking first time na makakapasok sa gusaling aking lubos na pinapangarap. Sa palagay ko ay para itong isang kaharian para sa akin.
At iyon nga ang set up, alas 9 ng umaga noong mag tungo kami roon. Marami na agad bakla na naka pila dito at may dalang application form. Yung iba ay hindi naman talaga babaihan pero naroon pa rin ang tatag at lakas ng kanilang loob. "Sure ba kayo na mag papasa kayo? 43% lang ang babaihan powers niyo." ang wika ni Larry habang isa isang tinatapatan ng guider counter ang mga beki sa pila.