Ang "Cinderella Boy" ay hango kay Cinderella, obvious naman diba? Hindi kompleto ang pagiging BXB writer ko kung hindi ko magagawa ang isang ito. Gustong gusto ko talaga ang gumawa ng mga bxb na base sa mga sikat na kwento. Pero syempre mayroon tayong mga trademark o tatak kaya masasabi kong hindi ko pa rin totally ito ginaya. Sana naman wala na akong mabasa sa comment ninyo na "parang si Cinderella" kasi given na nga mula sa title diba? Ang hahanapin mo nalang dito ay yung mga istilo ko bilang isang manunulat.
Kwento ito ni Eloy at kung paano niya hahanapin ang kanyang kaligayahan sa kabila ng kalupitan ng kanyang madrasta at dalawang anak nito. Magical lang ito, walang aksyon o kahit na anong alien na susulpot. Smooth lang at nakakarelax, walang stress sa kwentong ito at tiyak na mag eenjoy kayo.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasiTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?