CB Part 14

2.8K 189 11
                                    

Cover by JohnLloyd Berzuela

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by JohnLloyd Berzuela

*******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 7, 2019

******

STORY 1

Cinderella Boy

Wari'y slow motion ang pag lakad ng kamay nito at pag tapat sa alas dose, hudyat ng pag kasira ng mahika..

Tatangkain ko pang umalis ngunit hinablot ni Jeffrey ang aking braso dahilan para ako mabuwal, naalis ang aking sapatos ngunit hindi ako binitiwan. "Bitiwan mo ako!" ang sigaw ko.

"Hindi! Hindi ka aalis paki usap!" ang sagot niya

Niyakap niya at dito ay kapwa kami nahulog sa hagdan na ikinagulat ng lahat..

Kasabay noon ang huling pag tunog ng orasan at dito nag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa pagiging si Eloy na nakasuot ng sirang damit na siyang ikinigulat ng lahat..

Kung si Cinderella ay naka alis bago sumapit ang alas dose, ako ay nabigo..

Part 14

Hindi makapinawala ang lahat sa kanilang nakita. Kitang kita ko rin ang pag kabigla ni jeffrey at halos lumuwa ang kanyang mata sa panlalaki. "Eloy?" ang tanong niya.

Natahimik ako at napaatras, hindi ko alam kung ano gagawin ko lalo't nag bubulungan na ang mga tao sa paligid. Ang iba ay talagang nabigla sa aking pag babagong anyo. "Eloy?! Anong ginagawa mo dito? Bakit tumakas ka sa bahay?!" ang sigaw ni Orson sabay lapit sa akin.

"Kilala nyo siya?" ang tanong ilang bisita sa aking mga kapatid.

"Ah e, oo. Kasambahay namin ito at mayroon siyang sakit sa pag iisip. Pasensiya na po kayo kung nasira niya ang gabi ninyo." ang wika ng aking madrasta sabay hila sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mukha ni Orson at Olrac. "Ellwood, ano ang nag udyok sa iyo para ipahiya kami ng ganito? Anoooo!!?? Walang hiya ka talagaaaaaa!" ang sigaw nila sabay sabunot at tadyak sa akin.

"Tama naaa! Masakit! Tama na pooooo!" ang sigaw ko habang gumugulong sa sahig.

"Tama na, hayaan nyo siya! Layuan nyo siya!" ang utos ni Jeffrey

"Pero master Ronnie, sinira niya ang inyong kaarawan, kung gusto niyo siyang patawan ng parusa o kaya ay bitayin ay hindi kami tututol." ang nahihiyang wika ng aking madrasta

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon