Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 18, 2019
********
STORY 3
Romualdo
"Top, ang sabi ng doktor ay maaari kana raw lumabas bukas. Sa ngayon ay mag relax ka muna dito." ang naka ngiting wika ni Beng ang aking matalik na kaibigan.
"Si Joe? Wala ba siyang balak dalawin ako?" ang tanong ko
Nag kibit balikat si Beng, wari'y hindi alam ang isasagot. "H-hindi ko alam, sinubukan kong iMessage si Joe sa social media ngunit naka off ito. Friend, alam mo hindi makabubuti sa iyo ang labis na pag iisip dahil baka sama nanaman ito sa katawan mo."
"Hindi ko lamang maiwaglit sa aking utak yung mga bagay na ginawa niya. Kahit sa pag tulog ko ay paulit ulit pa rin itong nag babalik sa akin isipan, na parang isang makamandag na sumpa." tugon ko.
"Hindi maka bubuti ang labis na pag iisip, mag relax ka muna ngayon." wika niya
"Tila ayaw makisama ng aking katawan, ayoko nang isipin pa ang mga pang yayaring iyon, pero heto at parang pinaparusahan ako. Bagamat wala naman akong kasalanan diba?" ang wika ko na halong matinding kalungkutan
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakaramdam nanaman ako ng kirot sa aking puso at kasabay nito ang pag sikip ng aking pag hinga kaya naman agad kong hinawakan ang aking dibdib at dinakot ito..
"Ayos ka lang ba Top? Nurse! Tulong!" ang sigaw ni Beng at kasabay noon ang unti unting pag bigat ng aking pakiramdam, parang nag didilim ang aking paningin at bumibigat ang talukap ng aking mga mata..
Wala na akong natandaan pa..
Part 1
Ang pangalan ay Kristopher, ako ay nasa 21 taong gulang at may taas na 5'8. Pansamantala akong tumigil ng pag aaral dahil sa kahirapan ng aming buhay. Hindi ko rin naman kasi kayang mag trabaho ng todo dahil may dipernsiya ang aking katawan bagamat maayos naman ito kung iyong pag mamasdan. Ang aking ina ay isa mananahi at aking ama naman ay barangay tanod. Kapwa sila kumakayod ng husto para mapag aral ulit ako sa darating na pasukan.
Alam ng aking mga magulang at kaibigan ang aking pag katao, ang ibig kong sabihin ay alam nila na ako ay isang silahis. Bagamat hindi mo naman ito mahahalata dahil lalaki akong kumilos at walang bakas ika nga nila.
Ang una kong naging kasintahan ay si Joe, siya ay 22 taong gulang at nag aaral pa rin bilang isang nurse. Noong una ay maayos ang aming relasyon hanggang lumabo ito ng lumabo at kami ay mauwi sa pag hihiwalay. Nakakalungkot lamang kapag sumasagi ito sa aking isipan.