PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 24, 2019
********
STORY 3
Romualdo
Habang nasa ganoong pag aayos ako ay bigla na lamang akong may narinig na kumalabog sa hagdan, malakas ito at talaga maririnig kahit saan. Binalot ako ng matinding kaba dahil sa pag kagulat kaya dito ay naisip ko na baka nawalan nanaman ng lakas si Rom at nahulog ito sa hagdan. Kaya naman agad akong nag tatakbo sa labas ng pintuan.
Nag tungo ako sa hagdaan at dito nga ay laking gulat ko noong makita ko si Rom na bumalik sa pagiging mannequin. Halos alas 9 palang ng gabi at wala pa sa usapang limitasyon ng oras ang kanyang pag babalik sa dating anyo!
"Rommmm!" ang pag sigaw ko habang bumaba.
Ang kayang katawan ay nag lagas lagas, ang ulo ay humiwalay sa kanyang leeg at ang mga braso ay naalis. Halos sumikip ang aking dibdib sa aking nakita. Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit nag bibigay ito ng hindi mapapantayang sakit at pag aalala sa aking pag katao.
Part 9
Ibayong kaba ang aking naramdaman noong bumaba sa hagdan, hawak ko ang aking dibdib dahil ang pag kabigla o sobrang emosyon ay tiyak na makakasama sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari, wala pang alas dose ngunit bumalik na si Rom sa pagiging mannequin. At ang labis kong kinatakot ay ang lasag lasag na katawan ni Rom, ang kanyang paa ay humiwalay sa kanyang mga binti at pati ang ulo niya ay naputol. Halos mapasigaw ako ng impit habang isa isa kong kinukuha ang mga parteng iyon.
Hindi ako maka hinga ang maayos habang iniaakyat ko sa hagdan hawak ang kanyang pira pirasong katawan. "Rom, please.. huwag.." ang bulong ko habang umiiyak.
Kumuha ako ng tape at kung ano anong pandikit upang pag sugpong-sugpungin ang kanyang katawan at habang ginawa ko iyon ay hindi maiwasang manginig ng aking kamay. Pakiwari ko ay tatangayin ako ng labis na kalungkutan at takot. Nangangamba ako na baka hindi na siya bumalik sa dati kung sira ang kanyang katawan sa pagiging tao kung ganitong sira na ito at wala na sa ayos.
Halos mag halo ang uhog at ang aking luha, tumatangis ako noong mga sandaling iyon na parang namatayan. Wala akong magawa kundi ang yakapin ang kanyang katawan habang nag darasal ng isang milagro na maaaring tumulong sa akin.
Tahimik..
Patuloy ako sa pag hikbi noong makaramdam ng isang mainit na bagay na lumulukob sa aking katawan. "Yung atungal mo ay naririnig ko hanggang doon sa fairy land. Ang panget panget ng iyak mo at hindi babaihan." ang wika ng isang tao sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?