PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 6, 2019
******
STORY 1
Cinderella Boy
Ang kinang nito ay kumapit sa aking mukha at mula dito ay ng liwanag ang aking katawan. Kusang pumikit ang talukap ng aking mata..
Tahimik..
Noong imulat ko ito ay tumambad ang aking repleksyon sa salamin. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil ang sa hindi maipaliwanag na pakiramdam noong makita kong nag bago ang aking anyo.
Part 9
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mata, ang aking anyo ay talagang nag bago ng husto. Pumuti ako, kuminis at naging maganda ang katawan. Nadagdagan rin ng kaunti ang aking taas at ang aking dibdib ay pumintog na parang naging matipuno.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata. Nagawa ko pang sampalin ang aking sarili o kurutin pa ang aking pisngi pero masakit ito kaya tiyak kong hindi ako nanaginip, ngunit kung panaginip man ito ay mamaya na ako gigising. Kailangan kong mag punta sa plaza para manood ng programa doon.
Habang bumaba ako sa hagdan ay parang hindi ako makapaniwala, iba ang aking pakiramdam na para bang nawala ang hiya sa aking buong pag katao. Lumakas ang tiwala ko sa aking sarili at kakaibang sigla ang aking nararamdaman.
Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon, malamig ang gabing iyon at nakasakay lamang ako sa kariton at hindi pa iyon alam ng taga bukid na aking sinakyan kaya naman isinuot ko ang hood na nakatambak sa attic panlaban sa lamig.
Nag tungo ako sa plaza at dito ay nakisiksik sa maraming tao. Dito ay nakita ko ang aking madrasta at mga kapatid na nakaupo sa harapan ng entablado at sa di kalayuan naman ay nandoon rin ang magarabong upuan ni Don Miguel kaya naman abot ang pag papaganda ng aking mga kapatid, nag papa pansin pa ang mga ito sa pamamagitan ng pag tayo habang pumapalakpak sa mga nag tatanghal sa entablado.
"Hala, eto pa yung isang kalahok. Ano pang ginagawa mo dyan sa labas. Halika nga dito." ang wika ng beki noong makita ako at hinila niya ako sa likod ng entablado.
"Teka hindi ako kasali. Ayoko." ang wika ko at noong makapasok ako dito ay napansin kong ang mga kalahok ay naka suot rin ng mga hood.
"Anong hindi kasali e naka hood ka nga. Kaloka ka. Ayan ang number mo. Pag tinawag ka ay umakyat ka doon at lumakad lakad lang, saka bumaba dito. Walang sali-salita okay? Literal na pagwapuhan ang labanan dito. 100% pogi points walang percentage ang utak kaya kahit boplax ka basta gwapo ka ay panalo ka. Goodluck sa iyo number 37!" ang wika ni Beking organizer sabay pakat ng numero sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasíaTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?