Ang kwentong ito ay inihahandog sa mga babaihan dyan. Para sa inyo ito. First time kong gumawa ng ganitong kwento, sana ay magustuhan ninyo. salamat po.
*******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 8, 2019
******
STORY 2
Reyna
"Ibuka mo iyang hita mo, titingnan natin ngayon kung isa ka bang tunay na bakla o isang babaeng nag papanggap." ang wika ng landlady ng dormitoryo
"Mader, bakla talaga ako. Mukha lang talaga akong babae. Babaihan nga e." ang sagot ko naman at laking gulat ko noong kapain niya ang aking ari.
"Hmmm, may bukol nga. Medyo jutay lang kaya hindi halata." ang wika nito
"Sabi ko naman sa inyo e isa akong bakla na mukhang 100% na babae. Taas ang kilay nyo no? Ganda lang!" pag yayabang ko naman sabay hawi sa aking mahabang buhok.
"Ang swerte mo naman mader, jutay iyang etits mo. Siguro kapag nag susuot ka ng swimwear sa mga contest ay wala kang worry na sumilip si junjun." ang naiingit na hirit ng isang boarder.
"Syempre naman. Siguro lahat kayo ay mga daks kaya inggit na inggit kayo sa akin. Anyway tapos na ang meeting na ito. Napatunayan na ang dapat patunayan kaya babush!" ang pag papa alam ko naman sabay panhik sa aming silid.
Pag pasok ko dito ay agad kong hinubad ang aking bra at dito ay unti unting nag balik sa pagiging chararat ang aking anyo. Hindi ko alam kung paano nag simula ang lahat ito, basta ang alam ko lang ay dapat akong maging isang Reyna ng mga babaihan.
Iyon ang naka takda.
At ito rin ang dapat maganap..
Part 1
TV: And the Miss Universe is Philippines!!
"Ayyyyy! Nanalo tayo! Nanalo tayo mga baklaaaa!" ang sigaw ng Larry noong tawagin ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray. Halos himatayin ito noong pinuputungan ng korona ang naturang kandidata. Ako naman ay naka upo lang sa isang sulok na maluha luhang pinag mamasdan ang tagumpay ng bansa.
"Umiiyak ka talaga Freda? Ikaw ang nanalo teh? Itigil mo nga iyan lalo kang chumachaka!" ang wika nito sabay hampas ng unan sa aking ulo.
Hindi ko lang talaga maiwasang maging emosyonal lalo na kapag ganitong pageant ang usapan. Ito kasi ang pinaka boxing naming mga bakla. Kung ang tunay na lalaki ay holiday kapag laban ni Pacman, kami naman ay nag kakaisa kapag may ganitong event katulad ng Miss Universe.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?