PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 7, 2019
*******
STORY 1
Cinderella Boy
Part 15
Nag daan ang mga araw, patuloy ako sa pag ttrabaho bilang taga perya. Wala akong balita tungkol kay Jeffrey o sa aking mga kasama sa bahay. Mainam na rin na wala ako doon para matuto sila ng gawaing bahay at makatayo sarili nilang paa. Dapat ay matikman nila ang buhay na wala ako sa paligid para malaman nila ang kaibahan nito. Makabubuti na rin iyon para sa kanila. Maayos naman ang buhay ko rito sa peryaan, nakakatulog ako ng maayos, hindi pa ako napapagod ng husto at lalong hindi nagugutom. Hindi katulad doon sa bahay na impiyerno ang buhay ko at walang habas ang pang aalipin sa akin.
"Akala ko ba ay mabuti para sa kanila? Bakit nalulungkot ka ngayon? Anong drama iyan?" ang tanong ng diwatang si Wanda noong makita niya akong nakaupo sa tabing bukid sa likod ng plaza.
"Ikaw pala, hindi ko lang mapigilang mag isip ng sobrang. Patawad kung hindi ako nakasunod sa iyong patakaran. Hindi agad ako naka alis kaya nabuking ako." ang wika ko na hindi maitago ang kalungkutan.
"Ang lahat ng kaligayahan ay may limitasyon at hangganan, hindi pwedeng parating masaya, hindi maaaring parating perpekto ang lahat. Kapag nakasanayan natin na palagi tayong masaya ay baka hindi natin kayanin ang mga kalungkutang darating." ang wika niya habang kapwa kami naka tanaw sa kalayuan.
"Ano ang balita sa pamilya ko?" ang tanong niya
"Kumuha sila ng bagong katulong pero umalis rin agad dahil hindi kita ang pag uutos ng mga kapatid mong halimaw sa banga."
"Wala naman talagang tatagal sa kanila dahil sagad sa buto sila kung mag utos." ang sagot ko.
"Hay, kawawa ka talaga Eloy, ikaw ang santo ng mga alila at mga katulong. Winner na winner ka dyan. Pero hayaan mo dahil ang bawat sakripisyo ay katumbas na kaligayahan, tiwala lang. O siya, aalis na ako dahil may rehearsal kami ng Fairy Queen 2019." ang tugon niya at bigla nalang nawala sa aking paningin.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kalayuan..
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pag dating ng aking kasama sa peryaan. "Eloy, nandito ka lang pala. May humahanap sa iyo." ang wika nito
"Sino raw?" ang tanong ko
"Ako Eloy." ang wika nito at dito ay lumabas si Jeffrey sa isang puno.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?