Romualdo Part 13

1.4K 99 6
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 26, 2019

*******

STORY 3

Romualdo

Part 13

Makalipas ang dalawang araw ay bigyan ako ng permiso ng aking doktor na umuwi at mag pahinga sa bahay. Ang gastos sa ospital ay sinagot ng aming kapitan kung saan nag ttrabaho ang aking ama bilang Barangay Tanod. Syempre ay tumulong rin sina Rom at Beng para mabili ang lahat ng gamot na aking kailangan. Noong mga oras na iyon ay ramdam na ramdam ko ang hindi matatawarang suporta at pag mamahal ng mga tao sa aking paligid. Mga bagay na nag bibigay sa akin ng lakas at ibayong pananalig na ang lahat ng ito ay malalagpasan ko.

Simula noong bumalik ako sa bahay ay si Rom na ang nag alaga at umalalay sa akin. Mula sa pag kain, pag bibihis o kahit sa pag ihi ay kasama ko siya. May mga pag kakataon rin na pinapatulog niya ako sa gabi, niyakakap at saka hinahagkan bago siya bumalik sa pagiging mannequin. Kahit na may limitasyon ang lahat ay masasabi kong maswerte pa rin ako dahil nandito si Romualdo sa aking tabi at hindi siya lumilisan lalo na sa mga pag kakataong kailangan ko siya.

Nakakatawa lang isipin na kung dati ay siya lang ang aking ino-obserbahan, ngayon ay kapwa na namin tinitingnan ang isa't isa. May pag kakataon pa rin kasi na bumabalik si Rom sa pagiging mannequin na wala sa oras, at sa kabilang banda ay may pagkakataon rin na bigla na lamang akong nanlalambot at hindi maka hinga ng maayos. Pero gayon pa man ay kumukuha kami ng lakas at pananalig sa isa't isa kahit na kapwa kami mahina. Kumbaga sa laruan ay kapwa kami may depekto ngunit pilit pa rin itong umaandar.

Isang gabi, sinorpresa ako ni Rom sa likod ng aming bahay. Nag lagay siya ng isang lamesa at inayusan ito ng magandang set up. Ang isang malaking puno doon ay nilagyan niya ng mga running lights para mas maging maganda ang paligid. Halos hindi ko na makilala ang bakuran namin sa likod bahay dahil naging romantiko ito, isama mo pa ang malamig na hangin sa bukirin na nag bibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Nakangiti si Rom habang lumalapit ako sa kanya. Suot niya ang isang magandang polo na hapit sa kanyang katawan. Lalo siyang gumwapo sa aking paningin na wari'y isang anghel na bumaba sa kalangitan. "Surprise! Hindi kasi kita madala sa labas e, kaya heto. Dito nalang tayo mag date." ang wika sabay abot sa akin ng isang kumpol na pulang rosas.

Nag uumapaw na kasiyahan ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon, kitang kita ko ang effort ni Rom para pasayahin ako. Nakaka kilig at punong puno ng pag mamahal ang paligid, lalo na't ang aming lamesa ay naka harap sa magandang bukirin. Bagamat gabi ito ay nakikita pa rin ang paligid dahil sa liwanag ng buwan.

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon