Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 10, 2019
******
STORY 2
Reyna
Part 2
Namuhay ako sa siyudad, namasukan akong isa taga walis sa parlor at taga buhat ng paninda sa palengke. Ngayon ay malaya na ako mula sa pananakit ng aking ama at kahit kailan ay hindi na niya ako makikita pang muli.
Sa kasalukuyan ay naging masaya ang aking buhay bakla. Nag karoon ako ng maraming kaibigan at lahat sila ay itinuturing akong kapamilya, sila halos ang kumupkop sa akin at hindi nila ako itinakwil katulad ng ginawa ng aking ama noon.
Kahit matagal na panahon na ang lumipas ay nanatili pa rin sa aking isipan ang sinabi ng aking ina na "sana ay maging isang tunay akong reyna." Pero paano mangyayari iyon e lumaki ako sa hirap at sa pag kakarga ng mga mabibigat na bagay sa palengke kaya't ang aking pinapangarap na babaihang katawan naging muscles, gumaspang at umitim pa ang aking mga balat. Waley, parating comedy ang labas ko sa mga Miss Gay na sinasalihan ko.
"Ayan, paano kang mananalo e mukha kang kargadora. Ang mainam pa ay ikaskas mo ito sa balat mo para kuminis ng kaunti." ang wika ni Larry sabay abot ng lotion sa akin.
"Syempre naman ay kumakayod ako araw araw pati panlalaking trabaho ay pinapatos ko na rin para kumita." ang tugon ko naman.
"Kawawa ka naman talaga Alfreda, pero di bale mag nenectar tayo mamaya. Mamili ka, bagets, borta o sekyu?" ang tanong niya
"Eh okay na yung bagets. Okay na rin yung sekyu. Ayoko ng borta kasi diba karamihan ng borta ay dating bakla na lumaki ang katawan? Sila yung mga hindi nag tagumpay sa buhay babaihan kaya nag pakaborta nalang para mas bumenta. Hindi ako kumakain ng pekeng kauri frend." ang tugon ko sabay upo sa harap ng telebisyon.
"Yang ganda mong iyan choosy ka pa? Ako Alfreda tigilan mo ha. Sige ikaskas mo na yang lotion sa katawan mo, baka sakaling mawala yung mga kurikong." ang wika niya sabay lipat sa isang channel
TV: Hi, Ako si Marga. Iniimbitahan ko kayo na sumali sa aming samahan ng mga babaihang hinahangaan sa buong bansa. Lahat tayo ay may purpose at iyon ang ating layunin.
Akala nila kapag sinabing bakla ay puro katatawanan lang ang alam. Pero panahon na para ibahin ang pananaw na iyon. Dahil sa aming samahan ay tuturuan kayong maging isang tunay na Reyna ng kagandahan na hinahangaan at tinitingala ng lahat.