PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 14, 2019
Happy Hearts Day Mga Ka Alter! Choz
*******
STORY 2
Reyna
"Syempre ay hindi, isang malaking karangalan na maging escort mo. Tiyak na kaiinggitan ako ng mga kakalalakihan doon." ang naka ngising wika niya.
"Gusto ko sana kaso ay wala naman akong isusuot na damit."
"Hindi problema iyon, sasamahan kita sa kaibigan ko. Akong bahala sa damit mo Prey. Tara naaa!" pag yaya niya sabay hila sa akin sa kanyang sasakyan.
"Teka Mister Brad Ford, saan mo dadalhin si Miss Precious? Hindi pa siya pwedeng umalis!" pag pigil ng guard
"Pahiram muna! Iingatan ko ito! Promise!" ang wika ni Brad sabay start sa kanyang sasakyan.
Part 10
Ang "Babaihan Night" ay isang welcome party para sa mga bagong applicant ng QofQ org. Karaniwan ay ginaganap ito 2 weeks pag katapos ng mabibigat na training sa pag rampa. Isang acquaintance party iyon na may mga escort at nag gagandahan ang mga damit ng mga kasali. Mamimili rin sila ng Face of the night at kung ano ano pang surprise na awards para sa aming miyembro ng QofQ org.
"Saan mo ba ako daldalhin?" tanong ko
"Doon sa designer na kaibigan namin ni Marga. Hindi kita maaaring dalhin sa ibang pipitchuging designer dahil hindi iyon deserve ng kagandahan mo." wika niya habang naka ngiti
Tinapik ko ang kanyang bilugang braso habang nag ddrive at saka ako tumawa na naka takip ang kamay sa bibig. "Ang hinhin mo talaga. Para kang si Maria Clara." biro pa niya
"Sayang naman yung mga bulaklak mo. Pwedeng sa akin nalang?" ang tanong ko
"Hmm, o sige." ang wika niya
"Ipamimigay ko ito sa mga girls pag uwi ko mamaya." ang wika ko habang binibilang isa isa ang mga oras. "12 lang? Kulang pa ng 7 kasi ay labing siyam silang pag bibigyan ko."
Natawa si Brad. "O sige, bibili pa ako mamaya. Talagang iniisip mo pa yung mga kasamahan mo?"
"Oo naman, parang mag kakapatid na kami. At kanina noong mag patawag ng prescon ay sila mismo ang tumulong sa akin."
"Mabuti ka pa marami kang kaibigan, si Marga? Kaunti lang, yung mga friends lang niya from the upper upper."
"May kanya kanya kasi talaga tayo ng circle of friends, siguro ay depende iyon sa uri ng status mo sa buhay. Lumaki kasi ako sa hirap kaya lahat ng uri ng tao ay napapakisamahan ko ng maayos." naka ngiti kong tugon
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasíaTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?