PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 25, 2019
*******
STORY 3
Romualdo
Dati pa rin ang estado ng kondisyon ni Rom. Nag babalik siya sa pagiging mannequin kapag tumatama ang kamay ng orasan sa alas dose at muling nagiging tao pag dating ng alas diyes ng umaga. Marahil ay nag loko lamang ang kristal noong mga sandaling nag bago ang rotasyon ng kanyang pagiging tao pero gayon pa man ay naka handa pa rin kaming yakapin ang kahit na anong pag babago na magaganap sa aming relasyon.
Batid kong mula ngayon ay mag bubukas ang panibagong kabanata ng aming samahan.
Part 11
Muling bumukas ang bagong kabanata sa buhay namin ni Romualdo, dumaan ang mga tag ulan at tag araw, ganoon kabilis ang pag daloy ng panahon at hindi ko namamalayan na halos ilang buwan na pala kaming mag kasama at namumuhay na parang mag asawa. Sa mga nag daang araw ay kapwa kami naging abala sa pag ttrabaho. Ako ay tumutulong sa aking ina sa tahian at siya naman ay sa pag momodelo. Naka suporta sa kanya si Beng na tumatayong manager niya. Ayoko naman ipag katiwala sa iba si Rom dahil na nga sa kondisyon nito na limitado lamang ang kanyang pagiging isang tao. Kapag may extrang oras ay nanonood ako sa mga pictorial niya, may isang portion pa nga doon na nag cover sya sa isang magasin kung saan ang suot lang niya ay pantalong sira at naka bukas pa ang zipper nito. Naka buyanyang ang kanyang perpektong katawan isang propesyonal na modelo.
Medyo naramdam ako ng pag seselos dahil tiyak na maraming mag papantasya sa kanya ngunit inunawa ko na lamang na ang lahat ay trabaho lamang. Kahit paano ay nakakatulong si Rom sa amin kaya malaki rin ang utang na loob namin sa kanya. Sino ba naman ang mag aakala na ang isang katulad niya ay mag kakaroon ng lakas ng loob para makipag sabayan sa mga tunay na tao, bagamat para sa akin ay hindi naman talaga siya naiiba sa amin. Maliban nalang kapag tumatapat ang kamay ng orasan sa alas dose, ang lahat ay tumitigil para sa kanya.
Minsan ay nag woworry rin ako sa kalagayan niya kapag wala ako sa kanyang tabi, may pag kakataon kasi na nakakaramdam siya ng panghihina o pag kapagod sa kanyang dibdib kaya hindi ko maiwasang mag alala lalo na sa mga oras na wala siya sa aking tabi.
"Eto na ang second issue ng magasin kung saan cover si Romualdo, napaka gwapo oh, parang hindi tao!" ang pag mamalaki ni Beng habang ipinapakita ang larawan ni Rom na nakaupo sa isang pulang silya na parang isang hari, ngunit wala itong pang itaas na damit. Kitang kita ang kanyang magandang katawan at ang abs na perpekto ang pag kakahubog.
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantezieTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?