PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Facets
AiTenshi
Feb 19, 2019
******
STORY 3
Romualdo
Hindi masusukat ang kaligayahan ko noong mga sandaling iyon. Ang galit at sakit sa nakaraan ay para bang bula na nag laho sa aking puso't isipan. Habang abala kami ni Rom sa pag kain ay napatingin ako sa gilid ng kainan kung saan naroon si Joe. Dito ko napag tanto na ang lumang pag mamahal ay napapalitan ng bago kapag oras na nitong matakpan ng iba. At habang nakatingin ako sa kanya ay sumagi sa aking isipan na handa ko na siyang patawarin, at sa mga sandaling ito ay naka move on na rin ako sa mga sakit at kirot na kanyang dinala sa aking nakaraan.
Part 6
Sinulit naman ang pag lilibot, okay lang kahit maubos ang ipon ko basta makita ko lang na masaya si Rom sa kanyang mga bagong karanasan. Ang bawat bagay na kanyang nasisilayan ay talagang labis na nag papangiti sa kanya, kahit ang simpleng ilaw sa mall ay hinahangaan niya. Sana ay ganito ang lahat ng tao sa mundo, naappreciate nila ang ganda ng mga simpleng bagay na nabibigay ng kaligayahan sa kanilang pag katao. Ngunit iba na kasi ang pag iisip ng nakararami ngayon, ang mga tao sa panahong ito ay hindi marunong makontento at tiyak na mag hahanap at mag hahanap ng bagay na mag papasaya sa kanila sa kahit anong paraan. Wala appreciation at walang simpleng saya na katulad ng ipinakita ni Rom.
Matapos kumain ay nanonood kami ng sine, namili ng mga damit at nag laro sa arcade. Pag katapos noon ay nag lakad kami patungo sa plaza kung saan mas marami pang magandang makikita. Ang nakapag pasaya lang sa amin ng lubos ay ang pag bati ni Rom sa mga mannequin sa damitan. Ang iba dito ay kinawayan pa niya at inayos na para bang mga kakilala niya ang mga ito.
"May dumi yung labi mo." ang wika ko sabay punas sa labi ni Rom. Abala ito sa pag kain ng minandal.
"Sayo rin may dumi." naka ngiti rin niya tugon at ginawa rin niya ang ginawa kong pag punas sa kanyang labi.
"Eh yung labi ko may dumi ba?" ang tanong ni Beng
"Wala, malinis ang labi mo." ang tugon ni Rom kaya naman isinubsob ni Beng ang nguso niya sa sauce ng fishball. "Ano may dumi na ba ang labi ko?" pag uulit niya
"Oo meron. Heto ang panyo, linisin mo dahil baka ka langgamin." ang tugon ni Rom
Nag maktol si Beng at napanguso. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang kanyang bibig. "Sa inyo ay punasan ng dumi gamit ang mga hinlalaki samantalang sa akin ay self service. Nakaka inis naman." pag mamaktol niya
BINABASA MO ANG
Facets (BXB Fantasy Collection)
FantasyTatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?