Romualdo Part 14

1.4K 118 12
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 26, 2019

********

STORY 3

Romualdo

Tila ba lalong sumikip ang aking pag hinga noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay hindi ko pinahalata kay Rom ang aking nararamdaman. Patuloy pa rin ako sa panonood sa mga naturang paputok bago marahang pumikit ang mga mata at lukuban ng matinding liwanag ang aking sarili.

Naramdaman ko nalang na unti unting bumabagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag sigaw ni Rom at Beng habang tinatawag ang aking pangalan.

Part 14

Natagpuan ko ang aking sarili na naka upo sa isang magandang lugar, maaliwalas ang paligid at maraming mga magagandang bulaklak. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Wari'y isang paraisong nakikita ko lamang sa mga larawan ng magasin o sa telebisyon. Sa kalayuan naman ay makikita ang mga bundok at asul kalangitan. Masarap itong pag masdan at nakaka halina sa kalooban.

Patuloy akong tumingin sa paligid, dito ay nakita ko naman si Rom na naka upo sa ilalim ng malaking puno at nag babasa ng aklat.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi noong makita niya ako, itinigil niya ang kanyang ginagawa at saka lumapit sa akin. "Nasaan tayo?" tanong ko.

"Nandito tayo sa isang paraiso, yung lugar na pinapangarap natin. Walang limitasyon, walang lungkot o kaya ay sakit na maaaring humadlang sa ating dalawa." ang sagot niya.

"Pero bakit tayo nandito?" ang tanong ko na may halong pag tataka.

"Para maging masaya Top. Halika!!" ang naka ngiti niyang sagot sabay hawak sa aking kamay at dito ay kapwa kami tumakbo sa luntiang paligid. Para kaming sumasabay hangin, ang mga bulaklak ay wari'y nakikisayaw sa aming dalawa habang patuloy kami sa pag sasaya.

Malayo layo rin ang aming tinakbo at ang nakapag tataka ay hindi man lang kami nakaramdam ng pagod, walang pawis at kahit na anong pag hingal sa aking katawan. "Magaling na ba ako? Wala na akong sakit sa puso!" ang natutuwa kong salita.

"Ito ang mundo kung saan ang lahat ay posible Top, ngunit hindi pa panahon para manatili ka sa lugar na ito." ang wika niya

"Bakit? Bakit ikaw ay nandito? Bakit ikaw ay pwede? Ako ay hindi?" tanong ko naman.

"Dahil ang lahat ng ito ay hindi totoo Top, ito ay produkto lamang ng iyong isipan. Ang pag nanais mong makasama ako sa isang magandang lugar na walang limitasyon ay ang nag udyok sa iyong isipan para mabuo ang mundong ito. Maganda, perpekto ngunit kinakailangan mong gumising at harapin ang katotohanan." ang wika ni Top

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon