"Welcome back, Ms. Alvarez. Here's your passport."
"Thank you!" Nakangiti kong tinanggap ang passport at umalis na ng Immigration Counter. Paglabas ko sa arrival area, huminga ako ng malalim, pumikit at ninamnam sa pakiramdam ang saya na bumabalot sa akin.
It feels good to be back! 2 years may be a short time but it feels like forever. Really!
Hila ang hot pink trolley ko at may matamis na ngiti ay ipinagpatuloy ko ang paglakad palabas ng airport. Halos lahat ng masalubong ko ay nginingitian ko. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. After 2 long years! Miss ko na sila!
***
Nasorpresa ang lahat sa pagdating ko. Sino nga bang hindi? Kahit isa sa kanila ay wala akong sinabihan na ngayon ang dating ko.
"Hindi naman na kailangan na sunduin niyo pa ako sa airport Ma." Pang-aalo ko sa Mama kong nagtatampo.
Habang si Papi, at dalawang kapatid kong sila Reiko at Dustin ay nakikinig lang at nanonood sa amin.
"Kahit man lang sana nagsabi ka na ngayon ang dating mo, edi sana nakapaghanda man lang kami."
Niyakap ko na lang ang Mama ko ng mahigpit. "Na-miss ko kayo, sobra. Mahal na mahal ko kayo Ma."
"Mahal na mahal ka rin namin anak! Pero nakakatampo pa rin, hindi ka nagpasabi!" sabi ng Mama ko pero yumakap pa rin sa akin. Ngumiti na lang ako at hinigpitan ang yakap sa kanya.
Matapos ang kumustahan na may kadramahan ay inabot ko na sa kanila ang mga pasalubong ko.
"Anak, kumusta kayo ni Eris? Nandito siya nung nakaraan. Matagal mo na raw siyang hindi kinokontak?"
"Ma, hindi ko ba nabanggit na tinapos ko na ang meron kami? Matagal ko na siyang hiniwalayan, mahigit isang taon na. Hindi niya ba binanggit sa inyo?"
"Wala ka namang nabanggit, hindi niya rin naman sinasabi. Eh, bakit mo naman hiniwalayan? Mukhang ayos naman kayo?"
"'Wag na nating pag-usapan yan Ma. Tapos na yon."
That son of a bitch asshole! Kapal naman ng mukha niyang bumisita pa rito!
I logged on to my social media account which I'm inactive for over a year because of my asshole ex-boyfriend who fed me lies. Eris Manahan who's full of bullcrap!
Pinalitan ko ang profile photo ko at ang pangalan ko. From 'Reidessa Alvarez (Erissa)', ibinalik ko sa dating ginagamit ko na 'Red A'. Just plain as that. And after that from 'In a Relationship' to 'Single'.
Pagkatapos ay ipinost ko na ang comeback status ko.
What will you say if HE tells you
'I love you' but doubted you?
Tells you 'I love you' but accused you?
Tells you 'I love you' but lied to you?
Well I say : HE CAN ROT IN HELL, AND I WON'T CARE!Hey bitches! I'm back!
#REDisTheColorOfYourKARMA***
Inulan ng comments ang post ko at sabog din sa messages ang inbox ko sa dami ng mga kaibigan ko na gusto akong makasama. After all, hindi lang naman dalawang taon nila akong hindi nakasama.
Kabi-kabila ang invites, doon, dito. At wala akong tinanggihan kahit isa. Friends are family for me, mga kapatid na ang turingan namin. Wala ng iba-iba.
At siyempre pa, hindi nawala sa mga 'yon ang ex ko. Dahil sa gusto ko na rin naman linawin na talagang tapos na kami, nakipagkita ako sa kanya sa isang mall. I cleared everything between us, the reasons why we can never get back together.
Pagkatapos kong masabi ang lahat, iniwan ko na siya at nag stroll na lang sa mall. I was fishing my phone inside my bag ng makaramdam ako ng malamig sa left shoulder ko.
Napasinghap ako ng malakas. "Shit!" Kasabay ng paghila ko ng shirt ko palayo sa balat ko.
"Fuck! Ms. I'm sorry! I'm sorry! Hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin, sorry!"
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."