Chapter 22 : Friendship

25 0 0
                                    

"Parang may bago sayo ngayon?"

Hawak ni Ems ang baba ko at pinakatitigan nila ang mukha ko. Para silang mga police na nakapalibot sa akin, habang naka cross pa sa tapat ng dibdib ang mga braso.

"Kingina! Blooming na blooming ka bitch!" Biglang dutdot ni Chic sa mukha ko.

"Aray naman! Makadutdot naman sa mukha ko bitch! Muntik ng bumaon yang daliri mo!"

"Oo nga, nag Puerto lang biglang blooming agad?!" sabi naman ni Jana.

"Natikman na ba ni papa Rave ang heaven on earth mo?" tanong ni Gwen.

"Grabe kayo? Hindi ba pwedeng sadyang maganda lang at blooming dahil in love? Heaven on earth, no hindi pa."

"Para namang hindi kapani-paniwala. Gabi-gabing katabi, pero wala talagang nangyari? Kahit nakita ka niyang naka two piece?"

"Wala nga, kayo ha. Wag niyong minamaliit ang self control ni Higs, matibay yun. Kahit gigil na, kaya pa ring mag-pigil." Naked nga ako kung matulog lakas pa rin ng control eh!

"Anyway, may good news ako." Sabi naman ni Ems na ngiting-ngiti. Nakatingin lang kami sa kanya at naghihintay ng kung anong good news niya. "May nahanap na akong mag-po-post as a boyfriend. At magugulat kayo kung sino."

"Talaga? Sino?"

"Si Jeff!"

Nanlalaking mata at laglag panga kaming apat sa sinabi niya. Si Gwen ang unang nakabawi.

"Jeff as in Jeff-body-shot-Chic?!"

"Yup! We happen to meet yesterday sa cafe malapit sa place ko at naitanong ko din sa kanya kung saang lupalop naibaon si Rigs" tumingin naman siya kay Jana. "At ang sabi niya hindi niya daw alam, dahil hindi naman daw talaga sila magkakakilala. It just so happen daw na iisa ang plan nila that night, to hunt girls kaya yon."

"Hindi nga daw." pabulong naman na sabi ni Chic. Napalingon ako sa kanya na nakataas ang kilay at pabalewala naman siyang nagtanong kay Ems.

"Eh, paano mo naman napapayag na mag-post siya as your boyfriend?"

"Ako ang napapayag niya, ganto kasi yon. Naghahanap din daw siya nang mag-po-post as his fiancée para daw ilipat na sa kanya ang pamamahala sa company nila. Balak din siyang i-pair ng mom niya pero dahil ayaw niya pang maitali ng forever, uunahan na daw niya ang mom niya. Kasi daw kapag ipinakasal siya ng mom niya for sure and forever daw wala na siyang takas. Actually we had a deal kaya napapayag niya ako na magpost as his fiancée."

"Ano namang klaseng deal yan?" tanong naman ni Gwen.

"Ikakasal kami but, we won't live on the same roof at, bibigyan niya ako ng share sa company, plus, we will be annulled after 6 months. It's a win-win for me after all. Hindi ako maikakasal sa anak ng friend ni Dad and magkakaroon pa ako ng share sa company ni Jeff. Isn't that amazing?!" may malaking ngiting sabi ni Ems.

"Ang galing naman non!" sabi ni Jana. "Pareho kayong gustong ipakasal? Baka mamaya kayo pala talaga dapat, lalo kayong walang takas!" Natatawang dagdag pa niya.

"I don't think so, walang mga kaibigan na dito nakatira sa Pilipinas si Dad. At sana wag kang magdilang demonyita dahil isusumpa kong mababaog ka!"

"O! Bakit naman ako pa? Bakit hindi na lang itong si Gwen?"

"Aba! Ako pa talagang nakita mo?" Nakasimangot na sabi ni Gwen.

"Eh, ikaw itong laging nakasimangot akala mo laging menopause!"

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now