Chapter 3 : Latina

53 0 0
                                    

"Hayh! Parang gusto ko nang magresign! Kaimbyerna!" Nakapangalumbaba kong sabi habang hinihintay matapos ang lunch break.

Dalawang buwan na akong nandito sa Manila. Dito ko na naisipang maghanap ng trabaho para naman maiba at hindi na lang lagi sa Zambales o kaya sa Pangasinan ang pinapasukan ko.

"2 months pa lang suko ka na? Stress sa work?" Si Gwen na kumakain pa rin.

"Hindi work ang dahilan niyan! Stress sa boys! Haha!" Si Ems na pipindot pindot sa phone niya.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Kingina naman kasing mga lalaki yan. Kala naman nila kay gugwapo nila. Ligaw-ligaw pang nalalaman. Pagyayabang lang naman ang alam! Trabaho ang dahilan ng pagpasok ko dito, hindi pakikipagligawan!" sabi ko pang napapairap.

"Bakit? Gwapo naman ang mga nanliligaw sayo ah. Lalo ni si Sir Cerezo. Nice catch yun!" Sabi naman ni Jana na nakaupo sa kanan ko.

"Ay totoo ka diyan Ja. Yung features ni Sir pang Ooh-lam! Matambok ang bulsa, pati na rin ang butt!" Sabi naman ng maharot na si Chic.

"As if naman! Kahit mala Ooh-lam ang features niya hindi ko siya type. Kahit nice catch pa siya, mayabang naman!" Naiirita kong sabi.

"Kasalanan yan ng kingina beauty mo! Pano ka nga ba nagkaroon ng ganyang kingina features? Eh sabi mo naman parehong pinoy ang mga magulang mo." sabi ni Jana na nakalahad ang palad sa mukha ko.

"Latina ang tawag dito Ja, Latina! Ayoko na nga sanang kinukwento kung pano ko nakuha 'to dahil kinikilabutan ako eh!"

"Ano namang nakakakilabot sa pagmumukha na yan?" sabi naman ni Gwen na pinagkaturo-turo pa ang pisngi ko.

"Makadutdot ka naman sa mukha ko, parang gusto mong burahin eh no?"

"Eh, pano na nga kasi? Ikwento mo na bilis habang may oras pa. Mamaya back to work na naman tayo eh, ang bagal! Bilis!" sabi naman ni Chic na may kasama pang pagyugyog sa braso ko.

"Oo na bitch, eto na nga oh. Mga kingina, atat eh! Sabi kasi nung nanay ng lola ko nung mejo bata-bata pa ako—"

"Talaga naabutan mo pa yun?" Putol ni Ems.

"Oo naabutan ko pa noong elementary ako."

"Oh, eh paano nga daw?"

"'Wag kasi kayong epal nagkukwento ako eh. Ayun na nga yung lola daw kasi ng nanay ng lola ko, na gets niyo? Ah basta ganon, dugong Latina daw kasi yun. At sa hinaba-haba daw ng salin-lahi namin ako lang daw ang nakakuha ng exact features niya. Mula ulo hanggang paa, sabi pa nga niya ako daw ang reincarnation ng lola ko na yun! As in! At masasabi ko rin naman na oo, lalo pa ngayon. Kasi may naitago pa ngang painting eh, di pa kasi uso camera noon." bigla namang nanayo ang mga balahibo ko. "Ayan na! Kinikilabutan na naman ako!" Sabay punas ko sa mga braso ko.

"Ah, kaya naman pala ganyan ang features mo, pero in-fairness ganda mo bitch! Kainggit lalo na yang mata mo, brown. Kaya patay na patay sayo si Sir Cerezo eh!" sabi ni Chic na inangat pa ang baba ko at titig na titig sa mata ko.

"Hayh naku! Ako naman mamamatay sa stress! Meron ba yung unang tatlong araw pa lang nag-a- 'I love you' na? Ano, insta-love?"

"Love at first sight ang tawag dun gaga!" sabi naman ni Gwen.

"Love at first sight niya mukha niya! Basta hindi ko siya gusto, yun yon!" napairap kong sabi.

Di ko talaga siya type kahit gano pa siya kagago. Este kagwapo! Putek! Nabubulol ako!

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now